CHAPTER TWO
NANG TULUYANG makalayo si Clement sa lugar kung saan nangyari ang first heartbreak niya, hindi pa rin tumitigil ang pagluha niya. Sumisigok pa nga siya sa walang tigil na pag-iyak.
Ngayon, hindi na niya alam kung saan siya tutungo. Saan ba dapat magpunta ang nasaktan at miserable niyang puso? Hindi niya alam. Neither he can get comfort to his family nor to his friend. Lahat naman kasi ng kaibigan niya ay hindi alam na may karelasyon siya. There is only one person knows his affair to Irvin. Kaso nga lang, wala ito ngayon at nagbabakasyon sa probinsya nito.
Gustuhin man niya na umuwi, hindi niya magagawa. Ayaw niyang makita siya ng ina na nasasaktan at umiiyak ng ganito. Alam niya na mag-aalala ito sa kanya. At kaakibat ng pag-aalalang iyon ay ang panenermon na walang katapusan. Tatanggapin naman niya ang lahat ng iyon pero hindi pa sa ngayon. Hindi pa. He was consumed with pain and anger. Ayaw na niyang dagdagan pa ang sakit sa pamamagitan ng mga salita na manggagaling sa mama niya.
Naglakad siya. Walang katapusan. Hanggang hindi pa niya alam kung saan siya pupunta, maglalakad lang siya.
Sa kamalasan niya, biglang bumuhos ang malakas na ulan. Mas lumakas din ang pag-iyak niya. Waring nakikisama sa kanya ang langit ngunit nakakabwisit pa rin dahil basa na siya ngayon. Para na siyang basang sisiw na hindi alam kung saan sisilong.
May mga tao siyang nalalampasan. May nag-iisa. May mga couple. At kapag couple ang nakakasalubong at nalalampasan niya, hindi maiwasan ng puso niya ang maging bitter.
Maghihiwalay din kayo. Mga bwisit! Bulong niya. Hindi niya maiwasan na mainggit at bigyan ng mapapait na salita ang mga pares na sweet na sweet.
Even its raining hard those couple still look happy and sweet. Walang pinipili ang ka-sweet-an ng mga putek!
Langgamin sana kayo! Muli niyang bulong.
Hindi pa rin maampat ang pagluha niya. Mas lalo pa nga yatang nadadagdagan iyon dala ng selos at inggit na nadarama sa mga couple. Dagdagan pa ng ulan na wala rin yatang tigil sa pagbuhos.
Dumagdag pa sa kanyang kamalasan ang pagtilamsik sa kanya ng tubig sa daan mula sa rumaragasang sasakyan. Sa bilis ng pagpapatakbo nito, diretso sa kanya ang tubig na kulay putik.
"Bakit ba ang malas-malas ko ngayon?!" Sigaw niya. "Ano ba ang ginawa ko para masaktan ako ng ganito kalala? I am kind. Malambing at mapagmahal naman ako na partner sa kanya, ah? Pero bakit nagawa niya akong saktan at palitan?" Sigaw niya saka hagulgol.
Umupo siya sa tabi ng kalsada. He knew that he looks miserable, devastated and like dying on his appearance.
Hindi niya ini-expect ang ganitong pangyayari sa first anniversary nila ni Irvin. He was expecting it to be fun, exciting and full of romance. It was the exact opposite. How could everything that he prepared went to this kind of mess? Wala man lang siyang nakita na senyales na hindi na siya mahal ni Irvin, na may iba na iting kinikita bukod sa kanya at mahal na nito.
Mapait siyang napangiti. How can he know such things? Bihira lang sila nitong magkita. Bihira na ring mag-usap. Kapag nagkikita naman ay laging saglitan. Madalian. Hindi nila naipapakita sa isa't-isa ang totoong nararamdaman.
But can those thing be the sign that Irvin was really not into him like the way he feel? If that was the case, matagal na siyang niloloko nito. Kung gaano iyon katagal, hindi niya alam.
Isinubsob niya ang mukha sa mga palad at doon nag-iiyak. Kahit na gaano pang pag-iyak ang gawin niya ay hindi pa rin nababawasan ang sakit sa puso niya. Tila nga mas lalong nadadagdagan iyon.
![](https://img.wattpad.com/cover/117150606-288-k665806.jpg)
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomanceNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...