CHAPTER SIX

525 29 10
                                    

CHAPTER SIX

HABANG NAGMAMANEHO walang imik si Devin. Nakatuon ang kanyang tingin sa harapan ngunit ang isipan niya ay nananatiling nasa lugar kung saan niya iniwanan si Hyde kasama si Clement. The scene and the conversation that they had was still playing on his mind.

Nang makalabas si Devin ng bahay saka lang niya napansin ba hindi pala nakasunod sa kanya si Clement. Instead of going back to call him, he decided to call him by shouting. Hindi rin naman nagtagal ang paghihintay niya dahil agad na lumabas si Clement. Nagmamadali.

Bago ito lumabas ay napansin na niya si Hyde sa kabilang bahay, nasa garden ito, karga-karga ang bunsong anak ni Chloe na naiwan sa kanila. Pasimple lang ang ginawa niyang tingin dito. Sapat na sa kanya na makita ito mula sa malayo at hindi nakakausap. Kung kakausapin niya kasi ito baka wala rin siyang masabi. He wasn't on his sane mind to talk to him in this early. Iniiwasan niya rin na magtagpo ang landas nila pagkatapos ng nangyari kagabi. Alam niya kasi na mag-uusisa ito tungkol sa kasama niya.

But what he don't want to happen happened. Lumapit sa kanila si Hyde. Malawak ang ngiti sa labi habang nakatingin sa kanya. Ngiti na alam niya na ang nagbibigay ay si Jake. Mula nang magkabalikan ito at si Jake ay walang araw na hindi niya ito nakita na masaya. And thinking that made the jealousy go out. Nakangiti siya. Oo. Ngunit alam niya na puno ng kalungkutan ang mga mata niya. Sa sobrang kasiyahan na natatamo ni Hyde alam niya na hindi nito mapapansin ang kalungkutan na nadarama niya. But it was a differnet case to Jake. Alam na alam niya na alam nito ang kalungkutan na nararamdaman niya. In a way he can confide the emotion he was feeling to his half-brother.

"Saan ka pupunta sa ganito kaaga?" Tanong ni Hyde nang tuluyang makalapit sa kanila.

"Sasamahan ko si Clement," aniya sabay turo sa kasama.

Nang balingan niya si Clement, nakatingin lang ito kay Hyde. Waring inaalisa ang mukha ng dumating. Sa kabilang banda naman, nakita niya sa mukha ni Hyde ang pagkagulat sabay nagsalita.

The two had a short conversation then next to him.

Nanunudyo ang tingin na ibinibigay ni Hyde sa kanya. Alam na niya kung ano ang naglalaro sa isipan nito ngunit wala siyang ginawa upang i-deny. He just looked at him.

"Can I borrow Devin for a while, Clement." Anito kay Clement.
Tumango lang ang lalaki hudyat para hilahin siya ni Hyde palayo kay Clement, palayo sa kanyang sasakyan.

"What's the real score between you and that guy?" Hyde asked curiously.

"Nothing. Walang namamagitan sa aming dalawa."

"Then why he is wearing your clothes?"

"Dahil wala siyang damit na susuotin. Nakita mo naman ang hitsura niya kagabi. Para siyang basang sisiw at helpless."

"Why do you sound so defensive?"

"Because I don't like the way you look at me. I don't like the way you are thinking right now."

"Bakit?!" Gulat na tanong ni Hyde.

"Because on what you are doing I'm thinking that you were pushing me to do things that I can't do. Parang ginagawa mo iyon para makalimutan kita. Para maka-move on na ako sa 'yo. But it wasn't easy, Hyde. Hindi kadaling makalimutan ang nararamdaman ko sa 'yo. Hindi dahil sa ngumingiti ako, na mukha akong masaya, totoo na iyon. Hindi! That was only a front for me to hide my true emotion. I'm still hurting, Hyde. I''m still hurting."

Hindi na niya mapigilan pa ang sarili na magtimpi. Tulyan na siyang sumabog. Puno ng galit ang puso niya. Ngunit natauhan siya nang makita ang hitsura ni Hyde habang nakatingin sa kanya. Imbes na magalit sa ginawa niyang pagsigaw, ang tingin nito ay may awa at pag-unawa.

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon