CHAPTER NINE
DALAWANG ARAW na ang nakalipas mula nang malasing si Clement kasama sina Devin at Theo. Kahit na dalawang araw na mula makasama niya ang mga ito ay malinaw pa rin sa kanyang isipan ang nangyari nang magising siya n'ung umagang iyon.
As usual masakit na naman ang ulo ni Clement nang magising siya. Hindi na siya nagtataka na ganoon na naman ang estado niya dahil marami na naman siyang nainom kagabi. Para na tuloy siyang lasenggo tuwing umiinom. Habang may nakikitang alak at hindi pa nauubos ay talagang hindi niya titigilan.
Kung nagkataon na wala na naman siyang kasama uminom, hindi niya alam kung saan siya pupulutin ngayon. Waking up with the same bed with Devin was not a bad idea. Nang magising siya at makitang nasa tabi ito, mahimbing ang pagkakatulog ay sinamantala na niya ang pagkakataon para pagmasdan ang gwapong mukha nito. Devin was like a sleeping angel beside him. Ang may kahabaan nitong buhok na tumatabing sa noo at umaabot sa mata nito ay parang gusto niyang hawiin. Kahit na minsan haragan siya, may pagkakataon na tinutubuan siya ng hiya kagaya na lang ngayon. Isa pa, ayaw niyang matawag na mapagsamantala sa gagawin niya. Pulos kabaitan ang ipinakita sa kanya nito kaya susuklian niya rin ng kabutihan.
Bigla niyang naisip kung ano ba ang hindi nagustuhan dito ni Hyde. Sa ginawa nitong kabutihan sa kanya isang linggo na ang nakakaraan at sa nakita niyang pag-aalala at pag-aalaga sa kanya kagabi masasabi ni Clement na mabuting tao ito. Mabuti na nga ang kalooban at may gwapo pang mukha. Wala ng hahanapin pa.
Kung nagkataon na close siya kay Hyde baka sabihan niya itong isang malaking tanga sa hindi nito pagpili kay Devin. Ang tsunga nito para pakawalan ang isang tao na labis na nagmamahal dito at patuloy na nasasaktan dahil sa kanya.
Nakakainggit lang si Hyde, sa totoo lang.
But in other way, even he wanted to tell Hyde that he was a fool, may bahagi sa kanya ang hindi ito masisi. Hindi naman kasi natuturuan ang puso kung sino ba ang dapat mahalin. Katulad nga ng sinasabi ng iba at sa kanta, kapag tumibok ang puso wala kang magagawa kundi sundin ito. It was such a cliché phrase but it stand on what it stand. Siya nga hindi niya natuturuan ang puso na kalimutan agad si Irvin. He was still hurting. Everytime he thinks about him he can't stop himself from being emotional. Kaya nga uminom at naglasing siya kagabi. Irvin was the sole reason for his undying and prolong heartaches.
Kung siya lang ang masusunod gusto na niya talagang makalimutan ito. Ayaw na niyang umiyak tuwing gabi. Ayaw na niyang maging stalker nito minsan. Pero hindi naman niya magawa ang parehong bagay. Madali ang magmahal ngunit mahirap ang makalimot. Iyon ang minsan na naiisip niya.
Nang gumalaw si Devin saka pa lang inalis ni Clement ang pagkakatingin dito. Umupo siya sa higaan. Saka pa lang niya napansin na iba ang suot niyang damit. Ang pangbaba naman ay ang suot niya kagabi.
Naitanong niya sa sarili kung sino ang nagsuot ng damit sa kanya. Kung sino man iyon hindi naman siya nag-aalala dahil wala namang mawawala sa kanya. Curious lang siya kung si Devin ba o ang ibang tao. Hindi rin naman pwedeng si Theo dahil pareho rin nila ito na lasing kagabi.
Nagtungo siya sa banyo. Naghilamos at nang may makita na toothbrush na hindi pa nagagamit, kinuha niya iyon. Kanina pa niya gustong mag-tootbrush. Alam niya kasi na kanina pa nangangamoy ang bunganga niya. Nakakahiya naman kay Devin kung maamoy nito na bad breath siya.
Nang matapos sa seremonyas sa sarili agad siyang lumabas ng banyo. Naabutan niya si Devin na nakaupo sa kama. Nakahawak ito sa noo at hindi siya napansin kaya naman malaya niyang natingnan ang hitsura nito. Tanging boxer shorts ang suot nito, revealing his toned body. Hindi naman ito buff pero may muscles sa tamang lugar. Sayang nga lang at hindi niya makita ang katawan nito ng malaya dahil sa siko nito na nakaharang doon.
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomansaNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...