CHAPTER TEN

449 27 19
                                        

CHAPTER TEN

"PWEDE MO bang ipadama sa akin na karapat-dapat akong mahalin? Can you kiss me."

Hindi alam ni Devin kung ano ang dapat sabihin kay Clement mula sa sinabi nito. Paano niya ito sasagutin in a way that he won't be offended in declining to it.

Tinitigan niya lang ito. Nang hindi makaya ang sidhi ng emosyon na nasa mata nito ay nag-iwas siya ng tingin. Ngunit panandalian lamang iyon dahil hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi. Muling iniharap dito ang kanyang mukha at nakipagtitigan sa kanya.

"Please, Devin. Just now. Show me that I'm also deserving to be love in return. Kiss me."

"Ano ba ang sinasabi mo? Alam ko na nasasaktan at malungkot ka but doing this kind of thing won't keep that feeling away. Masasaktan at masasaktan ka pa rin. Right time will come for you to forget him."

"Kailan pa 'yon? Masyado na akong nasasaktan. Tuwing naiisip ko siya mas dumodoble ang sakit. Gusto kong makalimot. Gusto ko ng siyang makalimutan. Kahit na pansamantala ang gusto kong mangyari ngayon, susugal ako. So, please, Devin. Pagbigyan mo na ako."

"No. I can't do that." Mariin niyang tanggi.

Nakipagtitigan siya rito. Kung gaano kasidhi ang titig nito pinantayan niya iyon. Sa huli siya rin ang nagwagi. Unti-unti nitong pinakawalan ang mukha niya. Pasimple naman siyang huminga nang malalim.

Bumalik siya sa kanyang upuan at nagpatuloy sa pagkain. Ganoon din si Clement. Nag-iba man ang atmosphere sa kanilang paligid wala ng pakialam si Devin. He just wanted to get things to be over with it.

Sa kanilang dalawa, naunang natapos si Clement. Hindi ito umalis. Tila hinihintay pa yata siyang matapos. Nang matapos na siya ay saka pa lang ito nagsalita.

"Ako na ang maghuhugas ng pinagkainan natin."

"Okay. Ikaw ang bahala. Babalik na ako sa kwarto. Pagkatapos mong maghugas aalis na tayo."

Tumango ito. Walang lingon-likod na umalis siya sa mini kitchen. Nanghihina siyang napasandal sa dingding nang makarating sa kwarto.

Aaminin ni Devin sa kanyang sarili na muntikan na siyang bumigay sa kahilingan ni Clement kanina. Kung hindi lang malakas ang pagtitimpi niya baka nahalikan na niya ito. Mabuti na lang at hindi dahil alam niya na mas magiging awkward ang sitwasyon nilang dalawa. Baka hindi na nila alam kung paano makikitungo sa isa't-isa kapag nangyari iyon.

Saka pa lang siya kumilos ng pakiramdam niya ay maayos na ang estado ng puso niya. Naghanap siya ng damit na pwedeng isuot sa closet na nandodoon. May mangilan-ngilan siyang pares ng damit na nakatago sa bahay ni Theo dahil may mga pagkakataon na dito siya natutulog. Kapag may rush kasi sa trabaho ay dito na siya pinapatuloy ni Mr. Perez, ang boss at ama ng kaibigan niya.

Napili niya ang isang kulay black na V-neck na shirt at cotton pants. Pumunta siya sa banyo at agad na nagbihis.

Nang lumabas siya saka naman bumukas ang pintuan ng kwarto at pumasok si Clement. Pareho nilang iniwasan ang tingin ng isa't-isa. Nagpunta siya sa harap ng closet at naghanap ng damit na pwedeng ipasuot kay Clement. V-Neck din ang napili niya rito na kulay gray at kulay asul na plaid short.

"Wear this. Ito na ang suotin mo dahil wala ang mga damit mo." Sabi niya na hindi dito nakatingin.

"Sige. Salamat," anito saka inabot ang mga damit.

Nang marinig niya ang pagsara ng pintuan ng banyo saka pa lang siya tumingin doon. Napahinga siya ng malalim. Maayos ang mood nila kanina pero nasira iyon dahil sa out of the blue na sinabi ni Clement. Saan ba kasi nito nakuha ang idea na halikan niya ito para maipakita na karapat-dapat ito. Dahil ba iyon sa mga sinabi niya rito?

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon