CHAPTER TWENTY-FIVE (PART 1)

391 24 21
                                    

AUTHOR'S NOTE

I decided to post the first part of this chapter. LOL. Dapat hindi sana kaso baka mahirapan na naman ako sa pag-update nito. Again, this chapter was just sweet nothings. Sana huwag kayong magsawa. Hahahaha.

Isa pa pala, chapter 25 will be the last chapter of this story. Undecided lang ako kung magkakaroon pa ba  ng EPILOGUE ang Devin's Heart.  

Sana mag-enjoy kayo. Maraming salamat. 😀😀😊


CHAPTER TWENTY-FIVE




"KAILAN PA?"

"Kailan pa ang alin?" Nakakunot ang noo na tanong ni Devin kay Clement.

Pagkatapos niyang ipakita kay Clement ang pasalubong niya rito. Masaya siya na makitang na-appreciate at may ngiti sa labi nito nang makita ang mga iyon kanina. Hindi matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay ang kasiyahan na nakita niya sa mukha ng taong mahal niya.

"Nang malaman mo na may gusto ka sa akin. Na mahal mo pala ako katulad ng pagmamahal ko sa 'yo."

Napangiti siya sa sinabi nito. "Kailangan pa bang sagutin ko 'yan?"

"Oo naman. Gusto ko lang talagang malaman. Hanggang ngayon kasi sobra pang kasiyahan ang kaalaman na mahal ako ng taong mahal ko. Ako kasi, nag-umpisa akong magkagusto sa 'yo dahil sa kabaitan mo. You were there sa mga panahon na  kailangan ko ng karamay. Dinamayan mo ako sa bawat pag-iyak at kapraningan ko. You stood by my side, not letting me go. Salamat sa pag-tolerate ng mga kabaliwan ko." Isang mabilis na halik sa labi ang binigay nito sa kanya pagkatapos ng mahabang litanya.

Napangiti siya. It was given that the kiss was quick but the effect of it was overwhelming. Niyakap na lang niya ito bago pa kumalas sa kanya.

"Well, noon pa man ginulo mo na ang sistema ko. You created confusion in my mind. Alam ko na espesyal ka sa akin pero itinatanggi ko 'yon. I'm not yet ready to be in a relationship again after what happened in the past. Pero hindi naman kasi napipigilan ang puso kapag tumibok na. I tried so hard not to mind what I'm feeling for you. Iniisip ko na naaawa lang ako sa 'yo. Na ang mga pinagdaanan mo ay napagdaanan ko na rin kaya kailangan mo ng karamay. Alam ko ang feelings. Everything changed when I'm on my three days vacation. Sa mga araw na iyon saka ko lang na-realize na gusto na kita. Mali. Na mahal na pala kita. Napalitan mo sa puso ko si Hyde. Dahil sa 'yo nagkaroon ng sigla ulit ang puso ko. Hindi ko inakala na ang isang tulad mo ang magpapatibok ng puso ko. I acknowledged my feelings for you when your ex start appaering again. Siyempre, kailangan ko nang lumaban. Ayoko ng maulit ang mga nangyari noon. Not now and never. Kaya ngayon na kasama kita at alam ko na pareho tayo ng nararamdaman sobrang kasiyahan ang nadarama ko. I love you so much, Clement. Ang pakiusap ko lang sa 'yo sana maunawaan mo ang mga magiging pagkukulang ko sa relasyon natin."

"Iyon din ang hihilingin ko sa 'yo. Kung pagkukulang kasi ang pag-uusapan alam ko na mas lamang ako sa 'yo. Sana maunawaan mo rin ang mga 'yon."

Hindi siya sumagot. Sa halip mas hinigpitan niya ang pagkakayakap dito. Masaya siya sa pag-uusap nilang ito. Alam niya sa puso niya na magtatagal ang relasyon nila ni Clement. Hindi man ideal ang relasyon na mayroon sila alam niya na magwo-work out.

"We will make things work out between us. Alam ko na hindi magiging perpekto pero sisikapin natin na maging maayos."

Clement hugged him. Ipinatong nito ang ulo sa kanyang dibdib. Binigyan niya ito ng halik sa ulo. Paulit-ulit niyang ginawa iyon hanggang sa nag-angat ng tingin si Clement. He smiled tenderly at him. Nakikita niya sa mukha nito ang labis na pagmamahal sa kanya.

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon