CHAPTER ELEVENIT IS still a bad day for Clement. A week passed and counting but the state of his heart don't have any change. Yeah. Siya siya lang naman ang dapat sisihin kung bakit miserable ang pakiramdam niya ngayon. Hindi madali. Hindi niya kayang basta na lang magmove-on kay Irvin. Memories of him still on his mind. Hindi nagmamaliw. Hindi naaalis. Hanggang hindi niya nakikita si Irvin, hindi mawawala ang pagka-miss niya rito. Kaya naman nagdesisyon siya na puntahan ito sa mina-manage nito na grocery store na pag-aari ng pamilya nito.
Sa mga nakaraang araw ay ganoon na ang ginagawa niya. Para matigil ang pagka-miss niya kay Irvin, talagang gumagawa siya ng paraan para makita ito. Ang pagkukunwari na mago-grocery ang isa sa mga paraan niya. Sa ganoon kasi malaya niyang nakikita ito. Pero hindi naman ganoon palagi ang gawain niya lalo na at baka mapansin siya ni Irvin. Kaya naman minsan kahit sa malayo, sapat na sa kanya na masilayan ang lalaking mahal.
Just right now, ganoon din ang gagawin niya.
Tinapos na muna ni Clement ang paglilinis ng bahay nila. Wala ang mama niya. May pinuntahan ito kasama ang ate niya at siya lang ang naiwan sa bahay nila.
Exactly nine AM, lumabas siya ng bahay. Dire-diretso siyang pumara ng jeep na patungo sa lugar kung saan ang grocery store nina Irvin. Hindi na niya pinansin ang pagtawag ng kung sino sa kanya.
Maayos naman siyang nakarating doon. Dali-dali na naghanap ng mapagtataguan kung saan makikita niya nang maayos ang taong pakay.
Hindi pa siya nagtatagal sa pinagtataguan ng tumunog ang cellphone niya. Si Maria ang caller niya. Sinagot niya ang tawag.
"Saan ka pumunta? Nakita kita kanina pasakay ng jeep at nagmamadali. Tinawag pa kita pero hindi ka talaga tumingin."
"Ikaw pala ang tumawag sa akin," aniya. "Bakit?"
"Duh! Yayayain kita na kumain sa labas. Nakuha ko na ang incentive ko kaya galante ako para manlibre. Eat all you can ang peg ko para sa 'yo."
"Salaamat kung ganoon." Nakangiti niyang sabi.
"Saan ka ba? Pupuntahan kita. Susundan kita. Hindi pa naman ako nauwi. Kung uuwi ka naman na ako na lang ang pupunta sa 'yo. Ano bang gusto mong pagkain? Bibili ako."
Natutuwa siya sa kabaitan ng kaibigan. Naa-appreciate niya ang thoughtfulness nito. Pero hindi niya naman pwedeng sabihin dito kung nasaan siya. Alam niya ang magiging reaksyon nito kapag nalaman iyon.
"Hindi pa ako uuwi."
"Pabor sa akin 'yon. Pupuntahan na lang kita. Sabihin mo sa akin kung nasaan ka para makakain na tayo. 'Wag mong sayangin ang generous kung ugali ngayon."
Kahit hindi nito nakikita napakagat-labi siya.
"Ano na?" Untag nito sa kanya.
"Sasabihin ko sa 'yo kung nasaan ako. Mag-promise ka lang na hindi ka maghuhuramentado. Alam ko pa naman ang ugali mo."
"'Wag maraming etching. Sabihin mo na sa akin. Dali!"
"Nasa grocery store ako nina Irvin."
"What?!" Gulat nitong tanong. Sapat para mailayo niya ang cellphone sa tapat ng tainga niya. "Ano ang ginagawa mo dyan? Masokista ka ba? Sinasaktan mo na naman ang sarili mo. Paano ka makakapag-move on sa letse mong ex kung sa tuwing nami-miss mo siya pupunta at pupunta ka. Nakakaletse ka, friend. Alam mo ba 'yon? Nakaka-stress ang ugali mo. Hindi ka talaga makakapag-move on kay Irvin dahil sa ginagawa mo. Ilang ulit ko bang sasabihin sa 'yo na tikisin mo ang sarili mo. Gumawa ka ng paraan para mawala siya sa sistema mo. Hindi 'yong ilulugmok mo pa ang self mo. Kaloka! Naaasar ako sa 'yo!" Sunod-sunod na sabi nito.

BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomansaNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...