CHAPTER SEVENTEEN

408 23 17
                                        


CHAPTER SEVENTEEN


NAGULAT SI Clement ng mabungaran ang taong nasa labas ng bahay nila. Naabutan lang naman niya kasi si Devin na naghihintay sa kanya na kampanteng nakasandal sa kotse nito.

"Anong ginagawa mo rito?" Iyon ang bungad niyang tanong dito.

"Sinusundo kita." Sagot nito.

"Bakit?" Nagtataka niyang tanong. Napakunot na rin siya ng noo.

"Para ihatid ka sa opisina niyo."

"Pero bakit? Wala ka namang sinabi na susunduin mo ako ngayon. Anong meron?"

"Duty ko ito bilang boyfriend mo since we are now in a relationship."

"Hindi mo na kailangan gawin 'yon. Wala naman sa usapan natin na gagawin mo ang ganito, eh."

"Pero nasa listahan mo iyon."

Natigilan siya sa sinabi nito. "Nasa listahan ko nga 'yon pero hindi pa naman tayo nagsisimula na gawin ang mga bagay na nakasulat doon."

"Then let start it now. Mula ngayon susunduin na kita."

Hindi agad siya nakapagsalita sa sinabi nito. Sa kalooban niya ay dinagsa ng sanlaksang kaligayahan. Gusto niyang ngumiti ng maluwang ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi niya rin maiwasan ang hindi kiligin. Ganitong pakiramdam ang gusto niyang maramdaman noon sa mga panahon na karelasyon pa niya si Irvin.

Being with Devin now and knowing his effort to do his part for their scheme, he was happy. Ngayon mas desidido pa siya na mapasakanya ito. Malaking kawalan ito kung papakawalan pa niya. Kaya naman hindi na siya magiging choosy.

"Kung iyon ang gusto mo iyon ang gawin natin." Aniya.

"Tara na. Sakay ka na."

Pinagbuksan pa siya nito ng pinto ng sasakyan. Kinilig na naman ang puso niya. Sa sobrang saya hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito. Ikinagulat iyon ni Devin. Natigilan ito.

"Para saan ang yakap na ito?" Tanong nito.

"Pasasalamat."

"Pasasalamat? Para saan?" Anito. Instead of hugging him back, Devin patted his shoulder like he was giving assurance for what he did and his simple way of saying he appreciates what he was doing. 

"Para sa effort na ginagawa mo ngayon. Masaya ako na ginagawa mo ang parte mo. Kaya naman kung may gusto ka rin na gawin ko sabihin mo lang sa akin at gagawin ko."

Kumalas siya sa pagkakayakap dito para matingnan ito. Seryoso ang tingin nito sa kanya. Tingin na may sidhi. Hindi niya tuloy maiwasan ang mailang.

"Ba-bakit?"

"Wala." Anito. "May naisip lang akong bigla. Tungkol naman sa sinabi mo. Sa ngayon wala akong maisip na mga bagay na dapat gawin mo para sa akin. For now, sapat na magawa ko ang parte ko. Kapag may gusto ako na ipagawa sa 'yo, sasabihin ko na lang."

Tumango siya. Kahit ano naman ang ipagawa ni Devin sa kanya, alam ni Clement na willing siyang gawin. Maybe that is because he's  already falling for him. Parang katulad lang noon kay Irvin.

Agad din namang nakarating sa kanilang destinasyon sina Clement at Devin. Bababa na sana siya ng sasakyan nang maunahan siya ni Devin. Natigilan siya nang pagbuksan siya nito ng pinto ng kotse. Napatingin na lang siya rito. But deep inside him, he was screaming for the gesture that he did. Ginagawa siya nitong parang babae sa pagiging gentleman nito. Pero imbes na mailang ay kabaliktaran ang nararamdaman niya. Sanlaksang kaligayahan ang nasa dibdib niya. Hindi niya noon naranasan ang mapagbuksan ng pinto ni Irvin. Well, yeah. It never happened because of their situation before. But with Devin everything was different.

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon