AUTHOR'S NOTE
In a turtle update, I'm back! Hay naku! Its been a month na pala mula nang makapag-update ako. Ngayon lang ako natapos sa isang chapter. Akalain niyo iyon. Hahaha. Pasensya na lang po. Sana ma-enjoy niyo ang chapter na ito.
I hope so. Hehehe
Enjoy sana kayo!!
CHAPTER FIFTEEN
NANG MARINIG ni Clement ang katok sa kanilang gate may pagmamadali na nagtungo siya roon para buksan. Excited siya sa pagdating ni Devin at makita ito kahit na kahapon nagkita sila. Bukod doon nakakapagpa-excite pa sa kanya ang kaalaman na ang 'boyfriend' niya ay dadalaw sa bahay nila. Sayang nga lang talaga at wala ang mama niya para maipagmalaki niya rito si Devin. Pangangatawanan na niya talaga ang mga kaganapan sa pagitan nila ni Devin. He will use every opportunity for his benefit.
Nawala ang ngiti sa kanyang labi nang makita ang taong pinagbuksan ng gate. The person outside was not the person he expecting to see. Slowly, the smile on his lips disappeared.
"A-ano ang ginagawa mo rito, Irvin?" Tanong niya.
Yes. Ang taong nasa labas ay walang iba kundi ang ex niya na ipinagpalit siya sa lalaki na katulad nito. Sa taong nagtatago ng totoong sexual orientation.
Tiningnan muna siya nito bago magsalita. Tinitigan ang kanyang mukha na tila kinakabisa ang bawat anggulo at blemishes.
"Para bisitahin ka." Casual na sagot nito. "Pwede ba akong pumasok."
Hindi pa man siya nakakasagot pumasok na ito. Naiwan naman siyang natitigilan. Kung noon ito nangyari baka matuwa pa siya. Ilang beses ba siyang humiling at nagdasal na sana dumating ang ganitong pagkakataon sa relasyon nila ni Irvin. Na kahit na sekreto ang relasyon nila ay pwede niya itong ipagmalaki at ipakikila ng personal sa kanyang pamilya.
Nang matauhan ay dali-dali niyang isinara ang gate at sinundan si Irvin. Naabutan niya ito na nakatayo sa gitna ng living room ng bahay. Sa kilos nito tila inoobserbahan ang kanilang bahay.
"Ano ba ang dahilan mo sa pagpunta rito, Irvin?" Tanong niya rito. Dahilan para humarap sa kanya.
"Katulad ng sinabi ko sa 'yo nandito ako para bisitahin ka."
"Cut the crap." Yamot niyang saad. "Sabihin mo sa akin ang totoong dahilan o mas tamang umalis ka na lang."
Hindi ito sumagot. Tiningnan lamang siya.
"Ano?" Nakataas ang kanang kilay na tanong niya.
"Hindi mo ba ako na-miss?"
"Baliw ka ba?! Bakit naman kita mami-miss? Matagal ng walang tayo at ikaw ang dahilan kung bakit natapos iyon."
"Alam ko kaya nga ako nandito para bumawi sa mga kasalanan ko sa 'yo."
Napanganga siya sa sinabi nito. It took a seconds before he reply. "A-anong ibig mong sabihin?" Hindi niya rin mapigilan ang mautal. Sobra siyang nagulat sa sinabi nito.
"Gusto kong bumawi. I'm sorry for everything that I had done wrong, Clement. Gusto kong magsimula tayo ulit."
"Magsimula? Sa tingin mo ganoon kadali 'yon? Sinaktan mo ako, Irvin. Ipinagpalit."
Guiltiness etched at Irvin's face. He looked sorry looking at him. Dapat matuwa si Clement sa sinabi ni Irvin sa kanya pero wala siyang madama na ganoon. Mali. Hindi niya nga alam kung ano ba dapat ang maging reaksyon para rito.
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomanceNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...