CHAPTER TWENTY-FOUR

399 24 20
                                        

AUTHOR'S NOTE

This is not the end yet. I'm still thinking of the best way ending of this story. Siyempre, kwento ito ni Devin. Pakiramdam ko kasi may kulang pa. Hehe.

Hindi ko rin alam if ang susunod na ba ng chapter na ito ay katapusan na. It is still undecided.

For now, please do enjoy this chapter. I know medyo cheesy ito pero sana ma-tolerate niyo ang ka-sweet-an ng couple dito. Hahayst!!

Panghuli, maraming salamat sa mga reader na hindi iniiwan ang story na ito kahit na ang tagal na rin mula nang mag-update ako. Siyempre, salamat din sa komento na kahit papaano ay nakaka-boost ng pagkatao ko para magpatuloy sa pagsusulat ng istorya ni Devin.

For now, I can't promise anything. If after this I'll proceed to my next story. If it is Theo's or Coby's story. 😊😊😊


CHAPTER TWENTY-FOUR

PAGKAGISING NI Clement wala na sa tabi niya si Devin kaya naman nagpasya na siyang magbihis. Habang ginagawa iyon hindi niya maiwasan ang mapangiwi. Medyo makirot pa ang behind niya dahil sa nangyari sa kanilang dalawa ni Devin. Kapansin-pansin din ang mga kiss mark sa katawan niya. Karamihan pa sa mga iyon ay medyo namumula. Grabe pala ang ginawa nila ni Devin. It was really something else. Magkaganunpaman wala siyang pagsisisi sa nangyari. Punong-puno nga ng kasiyahan ang puso niya. Because of the little pain he couldn't stop himself from thinking what happened earlier. Kahit hindi niya nakikita ang mukha alam niya na namumula iyon. Kinikilig siya. And also because of the fact that even he don't touch his private he came to his peak. Sobra siyang...

Napailing siya. Ayaw na niyang ituloy pa ang iniisip dahil nadedemonyo lang siya. Baka kung saan-saan pa mauwi iyon at muling maulit ang nangyari sa kanila ni Devin.

Speaking of Devin, hindi niya ito nakita. Wala naman ito sa banyo ng kwarto. Lumabas na lang siya para hanapin ito. Hindi niya ito nakita sa living room pati sa kusina. He was wondering  where his boyfriend at this moment.

Napangiti siya sa naisip. Boyfriend. Ang sarap isipin at bigkasin niyon. Ngayon na official na ang relasyon nila may panghahawakan na siya kay Devin. Masasabi na niyang sa kanya ito at siya ay para rito. Excited na rin siyang magawa ang duty niya rito bilang kasintahan. Iba ang kasiyahan na nadarama niya ngayon kaysa sa nakaraang relasyon. This time he have this feeling of contentment. He knew that everything between them will last.

Dahil wala pa naman si Devin, nagtungo na lang siya sa kusina. Magluluto na lang siya. Ipagluluto niya ng pagkain si Devin. Sisimulan na niya ang duty niya bilang kasintahan nito. 




MAAGANG NAGISING si Devin. Hindi pa siya tumayo mula sa kanyang higaan. Pinagsawa niya muna ang sarili na tingnan ang taong nasa tabi niya na walang iba kundi ang mahal niya, si Clement. While looking at his face, he couldn't stop himself from smiling. What happened to them was really something. Something that he will treasure. Habang katabi niya si Clement dama niya ang contentment sa dibdib. Alam niya sa sarili na hindi mauuwi sa wala ang naumpisahan nila. Pag-iingatan niya iyon. Ang sarap lang sa pakiramdam na alam mong mahal ka ng taong mahal mo at ang lahat dito ay ibibigay sa 'yo.

Hindi man niya inaasahan na darating siya sa ganoon na tagpo, okay lang naman sa kanya iyon. Ang ginawa nila ay pagpapakita ng pagmamahal sa isa't-isa. Hindi man sila nakapag-usap na dapat nilang gawin, ayos lang. Makapaghihintay naman iyon.

Bago siya bumangon at umalis sa higaan, binigyan niya muna ng halik sa labi si Clement. Pagkatapos ay kinumutan niya ito.

Walang saplot na naglakad siya patungo sa banyo. Maliligo muna siya. May balak siyang puntahan habang tulog pa si Clement. Hindi makapaghihintay ang pupuntahan niya. Kailangan na niyang gawin iyon.

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon