CHAPTER TWELVE

449 25 16
                                        

CHAPTER TWELVE

"WHAT? ARE you serious?!" Gulat na reaksyon ni Devin sa sinabi ni Clement. Inaasahan na niya na magiging ganito ang reaksyon nito. But hearing him shouting with those wide eyes looking at him, hindi pa rin niya maiwasan ang mapangiwi.

Kanina bago siya lumabas ng kwarto nito naisip niya na si Devin ang makakatulong sa kanya sa problema niya.

"I'm not crazy. I'm serious about it. Kung titingnan mo pareho tayong dalawa na may benepisyo sa mangyayari. Sawi ka. Sawi ako. We can mend each others heart by staying with each other. Pareho nating alam ang kahinaan ng isa't-isa. Alam natin kung kanino tayo nalulungkot. Alam natin pareho ang dahilan. Magkakaintindihan tayo."

"Its not easy as you think. And for your information. I'm not the type who use other people for my own welfare. So, what you are suggesting is a big no-no for me."

"With consent naman ang gagawin mong paggamit sa akin. Gusto ko rin kaya wala kang dapat ipagalala."

"Hindi mo ba ako naiintindihan? Ayoko dahil ayoko. Okay. Sabihin na natin na pumayag ako. Paano kung isang araw, dahil sa desisyon mo, mahulog ka sa akin?"

Natahimik siya sa sinabi nito. Hindi niya iyon naisip. Ang tanging mahalaga lang naman kasi sa kanya ang kaalaman na may masasandalan siya at pwede niyang lapitan tuwing down na down siya dahil sa ex niya. Si Devin ang tipo ng tao na alam niyang perfect para umalalay sa kanya. Isa pa, sabi nga niya at nito, pareho sila ng pinagdadaanan.

"Ngayon natahimik ka. Hindi mo pinag-iisipan ang sinasabi mo. Iniisip mo lang 'yong ngayon, hindi ang maaaring mangyari bukas." Panenermon nito.

"Handa akong harapin kung ano ang maaaring mangyari sa hinaharap. I'm ready to face the consequences for my action."

"Masasaktan ka kung isi-sige mo pa rin ang kagustuhan mo. Ikaw na rin ang nagsabi na nasa akin na ang lahat."

"Sinabi ko nga 'yon. Pero hindi pa rin matitinag ang kagustuhan ko. I want to be with you. Handa ako. Alam ko na ikaw lang ang makakatulong sa akin."

Umiling ito. "Mali ka. Hindi ako ang tutulong sa 'yo kundi ang sarili mo. Moving on is a hard thing to do. But if you're determined to get it through then you can."

"Hindi ko kayang magmove-on na walang tutulong sa akin." Naluluha na siya. "Pumayag ka na. Please. Hanggang naaalala ko na may ibang nagpapasaya kay Irvin at nasa ganito pa akong kalagayan, hinding-hindi ako makakapag-move on. I know my reason is lame but having a person beside me who understand what I'm going through. Makakapag-move on ako. Ikaw ang napili ko dahil perfect fit ka sa akin. Handa akong harapin ang posibleng mangyari. Pero hindi ko 'yon poproblemahin sa ngayon. Just please, Devin, pumayag ka na."

"Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko, Clement. Pag-isipan mo ang gusto mong mangyari. Pag-isipan mo. Continue eating." Utos nito.

Itinuon niya ang pansin sa pagkain. Habang kumakain pinapakiramdaman niya ang kilos ni Devin. Kahit hindi nito sabihin halata sa kilos nito na galit ito sa mga suhestiyon niya. O mas tamang sabihin na nabubwisit. Naiintindihan naman niya ito in a way pero buo ang pasya niya. Gusto niyang magkaroon ng kadamay at kakampi sa pinagdadaanan niya.

Wala pa rin silang imikan ni Devin hanggang sa matapos silang kumain. Hindi naman niya magawang mag-open up. Hindi siya sanay na foul mood ito dahil sa kagagawan niya. Imbes na kausapin ito mas pinili niya ang manahimik. Hinayaan niya itong gawin mag-isa ang paglilinis ng mesa at paghugas ng pinagkainan nila. Kung tutulungan niya ito baka bigla itong lumayo sa kanya katulad ng ginawa nito kanina nang iabot niya ang pinagkainan. Sinundan niya ito ng tingin. Tapos na ito sa paghuhugas. Nagpupunas na ng kamay sa basahan na nakasabit sa handle ng ref.

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon