CHAPTER TWENTY-THREE

419 24 12
                                        

AUTHOR'S NOTE

For me this chapter was a bit unexpected. Dapat buo ito, eh. Ayoko sanang mabahiran ng ganitong scene lalo na at hindi ako sigurado kung sobra o sapat lang  ang naisulat ko. LoL. But anyways, alam ko na may ibang reader na naghihintay sa moment sa last chapter. I just so hope that I give justification for it. Hehehe...

So here it guys, please do enjoy this chapter. Thanks for advance for having time reading and voting for this. Comment? Hmmmm... wala naman yatang magbibigay ng comment kundi sila-sila lang. Hahahah.

Enjoy na lang po! Thanks again.

CHAPTER TWENTY-THREE

KAILANGAN NI Devin ng makakausap kaya naman naisipan niyang magpunta sa kabilang bahay. He needed someone who he can confide to. Kung hindi niya gagawin iyon baka mabaliw na siya sa lungkot. Kailangan din niya ng advice mula sa dalawa. May pagdadalawang isip nga lang siya dahil sa nangyari kanina sa pagitan nila ni Hyde. Pero ite-take aside na niya muna iyon. Hihingi na lang siya ng sorry kay Hyde.

Nakabukas naman ang pinto kaya pumasok na siya sa bahay. Agad niyang tinawag ang pangalan ni Jake at Hyde. Walang naging tugon ang mga ito. Sa ganitong oras, sa pagkakaalam niya naglalagi ang dalawa sa kusina para magluto. Papunta na siya doon nang lumabas si Jake kasunod si Hyde.

What happened next was unexpected for him. Sinuntok siya ni Jake. Napaurong siya habang sapo ang nasaktang mukha.

"Bakit mo ako sinuntok?" Tanong niya rito. Naguguluhan at the same time ay may galit.

"Kailangan mo pa bang itanong 'yon? Para 'yan sa ginawa mo kanina kay Hyde. Ikaw na nga ang tinutulungan ng mahal ko ikaw pa ang galit."

"Okay. I'm sorry," he said after understanding the situation. "I'm here to ask for forgiveness."

"For forgiveness? Sigurado ka ba d'un?" Nangungutyang tanong nito.

He heaved a sigh. "Well, that's not the main reason. I went here to ask for advice."

"Advice, huh? After what you did to Hyde hihingi ka sa amin ng advice. Hindi ko alam na makapal na din pala ang mukha mo."

"I'm sorry," aniya. Tumingin siya kay Hyde na pinipigilan pa rin si Jake na umatake sa kanya. In any time, mukha kasing lalapit na naman ito sa kanya para saktan siya.

"I'll accept..."

"No. Don't accept his sorry, Hyde." Pigil dito ni Jake. "He doesn't deserve it."

"Okay. Kung ayaw n'yong tanggapin ang sorry ko then be it. Aalis na lang ako." He said with a tone of defeat.

Aalis na sana siya nang biglang may lumabas sa kusina. He was shocked when he saw that person running towards him with a worried expression on his face.

It was Clement.




NAGULAT SI Clement sa ginawa ni Jake kay Devin. Bigla nitong sinuntok ang taong mahal niya! He wanted to go out already and confront Jake but he's stopping his self. Kung kanina ay excited siyang makita at masabi dito ang nararamdaman niya ngayon naman ay bigla siyang naduwag. Minsan talaga hindi na niya alam kung ano ang nangyayari sa kanya. Ang tapang-tapang niya kanina nang wala pa si Devin ngunit ngayon na nakikita na niya ito mula sa kinatatayuan niya hindi naman niya magawang lumapit. Ang galit na sumibol sa puso niya para kay Jake ay kinimkim niya. Mariin na ang pagkakakuyom ng kamay niya sa ginawa nito.

Nagkasagutan ang mga ito. Sa kanyang mga narinig mas lalong kumuyom ang kamay niya. He also gritted his teeth. For crying out loud! Devin already said sorry but that Jake guy is not accepting it. Akala ba niya magkapatid ang mga ito? Bakit hindi nito matanggap ang sorry ng kapatid? Isa pa hindi naman ito ang ginawan ng masama. Si Hyde iyon! Bakit ayaw pa ba nito? Saka gusto naman na ni Hyde na tanggapin ang sorry ni Devin, ah.

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon