CHAPTER FIVE
"HINDI MO alam kung ano ang nangyari?" Tanong ni Devin sa lalaking kaharap na natigilan. Gusto niyang makumpirna ang hinala niya kaya nagtanong na siya.
Nang tumango ito, hindi maiwasan ni Devin na mapangiti. Looking at the guy right now, he seems very different on the guy he encountered last night. Habang nakatingin dito, mas napansin niya na maganda ang mata nito. The guy looks cute with that stunned face thinking about what happened last night.
"Ano ba ang nangyari? Ang alam ko lang kumanta ako pagkatapos n'un wala na akong matandaan."
Napailing-iling siya. "You really look clueless. Well, yes, you were right. Kumanta ka nga ng Where Do Broken Hearts Go ni Whitney Houston. Nagkalat ka after that. Sumuka sa mini stage then natumba at nakatulog."
Seryoso itong nakikinig sa kanya. "Ano ang mga sumunod na nangyari? Paano ako nauwi rito sa bahay mo saka sino ka? Anong pangalan mo?"
Devin couldn't stop himself from laughing on what the guy just asked even it wasn't funny.
"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" Naguguluhan nitong tanong. Nakangiwi.
"I just found you amusing, a little funny. Akala ko hindi mo itatanong sa akin kung sino ako. Looking how ease at you right now, I think that you don't mind being in other people house."
Natigilan ito. "Well..."
"No need to answer that. I already know the answer. Ako ang tumulong sa 'yo kagabi. I'm also the owner of this house. I'm Devin." Aniya saka inilahad ang kamay dito.
Tiningnan nito ang nakalahad niyang kamay saka bumalik sa kanyang mukha. Nang makita nito ang ngiti sa kanyang labi tila naging komportable ito. Kimi siyang nginitian.
"Salamat sa pagtulong mo sa akin. Hindi ko man alam kung ano ang nangyari, mukhang alam ko na kung anong kabalastugan ang ginawa ko," anito. "By the way, Clement ang pangalan ko." Pakilala nito saka inabot ang kamay niya.
When their hands clasped, Devin felt something strange. Even the case is like that he didn't give a damn about it. Nang matapos ang maikling pagpapakilala, napansin niya na nawala na ang hiya sa bisita niya.
"Pwede na ba akong kumain?" Tanong nito.
Tumango siya. "Oo. Para naman talaga 'yan sa 'yo."
Bago siya umalis kanina para mag-ehersisyo talagang naghanda siya ng pagkain para rito kahit hindi niya alam kung anong oras ito magigising dala ng kalasingan kagabi. He was glad that he cooked food this early. May naipakain kasi siya rito. Magana ang pagkain nito kaya hindi maiwasan ni Devin ang matuwa. Tiningnan niya lang ito na mukhang napansin nito kaya tumigil sa pagkain at tumingin sa kanya.
"Bakit?" He asked.
"Pwede bang huwag mo akong tingnan. Tinutubuan ako ng hiya sa ginagawa mo, eh." Sabi nito.
Napataas ang sulok ng labi niya sa sinabi nito. Hindi na lang siya sumagot saka iniwas ang tingin dito. Paano nitong nasabi na nahihiya ito kung gaano ito kalakas kumain? Malapit nang maubos ni Clement ang pagkain na hinanda niya para rito.
"Gusto mo ba ng tubig?"
Kumuha siya ng tubig nang tumango ito. Nang iabot niya iyon dito, agad nitong ininom iyon. Walang natira. What happened next is unexpected. Clement burped loudly.
Napatingin siya rito. Nahihiya naman nitong tinakpan ang bibig.
"I'm sorry."
Tumango siya. Nang talikuran ito ay muling sumilay ang ngiti sa kanyang labi. He really found this Clement guy amusing. He amused him in simple ways.
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomanceNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...