CHAPTER SIXTEEN

430 20 23
                                        

CHAPTER SIXTEEN

NANG MARAMDAMAN na hindi na nakatingin sa kanya si Devin ay saka pa lang nagtaas ng tingin si Clement. Tinampal niya ang sariling bibig kasunod niyon. Sa sobra niyang kadaldalan talaga mapapahamak siya. Ilang ulit ba niyang kakastiguhin ang sarili para lang matuto na huwag magsasalita ng kung anu-ano sa harapan ni Devin lalo na at may kinalaman dito. Nakakaloka at nakakaloko lang talaga siya. Bakit ba kasi kapag kaharap niya ito ay agad niyang nasasabi ang napupuna niya? Malala na talaga ang kaso niya. Mahuhuli siya ng wala sa oras dahil sa kagagawan din niya.

Napabuntung-hininga siya. Pero hindi naman talaga maipagkakaila na magandang tingnan ang likuran ni Devin. Devin has a sexy back. Kung sinapian lang siya ng kakerengkengan baka nayakap niya ito ng wala sa oras. Mabuti na lang at nasa wastong huwisyo siya.

Bago pa niya muling tingnan ng maigi ang likuran ni Devin nagdesisyon siya na tumayo at magtungo sa sala ng kanilang bahay. Naisip niya kasi na mas dapat niyang pagtuunan ng pansin ang pagsusulat at pag-iisip ng mga to-do list niya kasama si Devin.

Habang binabasa niya ang mga isinulat hindi niya maiwasan ang mapangiti. Nai-imagine niya ng bongga ang mga mangyayari na isinulat niya. Alam ni Clement na mae-enjoy niya iyon. Hindi pwedeng hindi dahil baka kung saan siya pulutin. Isa pa gagamitin niya rin ang pagkakataon na magsasama sila para mas makilala, maipadama at maipakita niya kay Devin ang totoong siya. He won't disappoint him for helping him out in this situation.

Mula sa pagtingin sa papel nalipat ang kanyang tingin sa cellphone niya na tumutunog. Kinuha niya iyon. Tiningnan ang pangalan ng tumatawag. Napaismid siya nang makita kung sino ang taong iyon. It was no other than Irvin.  Hinayaan niya lang na tumunog iyon. Ilang beses din na tumawag si Irvin. Halatang persistent sa ginagawa pero wala na siyang pakialam. Kung siguro in-love pa siya rito ay baka magkandarapa pa siya na sagutin ito. Kiligin at magpabebe ng walang katapusan. Pero iba na kasi talaga ang sitwasyon. Mayamaya ay narinig niya ang pagtunog ulit ng cellphone. This time he received a text message to the same person. Tiningnan niya ang laman ng mensahe.

Let's talk, Clement. Please. Give me another chance. Please reply.

Pagkabasa ng mensahe ay ibinaba na niya ang cellphone. Hindi niya aaksayahin ang panahon para mag-reply dito. Bahala ito sa buhay nito.

Ngunit hindi pa nagtatagal muling tumunog ang kanyang cellphone. It is the same caller as usual. Hindi na siya magtataka. Hinayaan na lang niyang tumunog ulit iyon. Pinagtuunan niya ng pansin ang ginagawa.

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag?" Tanong ni Devin dahilan para mag-angat siya ng tingin. Ngunit sa kanyang ginawa ay natulala siya. Napanganga.

Paanong hindi ganoon ang magiging reaksyon niya kung makikita niya ang hubad na katawan ni Devin? Wala itong suot na pantaas. Ang suot nitong T-shirt kanina ay hawak na nito habang pinupunasan ang katawan nito na nabasa yata mula sa paghuhugas ng pinggan. Doon nakatutok ang tingin at pansin nito kaya malaya siyang eksaminin ang katawan nito.

Hindi masyadong malaki ang katawan ni Devin ngunit halata naman na alaga sa exercise. May pa-abs din ang loko. Kung aso lang siya baka kanina pa siya naglaway sa nakakatakam na katawan nito. Hindi niya maialis ang tingin sa katawan nito. Gwapo na ito kapag may suot na damit na bagay sa porma nito ngunit mas lalong gwapo kapag walang damit.

Shit! Mas naaakit ako sa kanya. Shit talaga!! Parang timang na sigaw ng kalooban niya. 

"Ba-bakit k-ka na-nakahubad?" Utal niyang tanong sabay napalunok. Imbes na sagutin ang tanong nito ay talagang nagbalik pa siya ng tanong.

"Nabasa ang damit ko habang naghuhugas ng pinggan kaya ko inalis." Sagot nito sabay angat ng tingin. Tumingin ito sa kanya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin. Nagkunwari siya na binabasa ang mga nakasulat sa papel.

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon