CHAPTER SEVENISANG LINGGO ang mabilis na lumipas ngunit nanatili sa isipan ni Devin ang huling sitwasyon kasama si Clement. Ang sitwasyon kung saan pumunta sila sa pagmamay-ari na grocery store ng ex-boyfriend nito. Pagkatapos mag-usap ng dalawa sa loob ng opisina ng huli, lumabas si Clement na umiiyak. Seeing him cried like a river that day also made him sad. Alam niya ang ganoon na pakiramdam. Pinagdaanan niya rin iyon kaya naiintindihan niya si Clement. All he could do that day was to hug him tight. Ipinadama niya rito na hindi ito nag-iisa.
Napabuntung-hininga si Devin saka tumingin sa cellphone na nakapatong aa mesa. Gustuhin man niyang tawagan o i-text si Clement, hindi naman niya magawa. Wala siyang numero nito. Gusto niyang tawagan ito para kumustahin at yayain na magliwaliw kasama siya.
Magliwaliw. Mamasyal. Mag-enjoy. Kumain. Ang mga bagay na iyon ang gagawin sana nila pagkatapos ng pakikipag-usap nito sa ex nito ngunit hindi nangyari. Biglaan kasing may tumawag sa kanya. Nang sagutin niya ang tawag, ang isa sa kasamahan niya sa trabaho ang tumawag. Informing him to attend the sudden meeting. Wala siyang nagawa. Hindi niya iyon nahindian. Kaya kahit na ayaw niyang iwanan si Clement dahil sa sitwasyon nito, iniwanan niya. Pero bago naman siya nagpaalam dito, tiniyak niya na maayos ang kalagayan nito. Kahit na may assurance mula rito na maayos ang kalagayan nito, siyempre, hindi pa rin maiiwasan na mag-alala pa rin siya. Hindi naman niya kasi alam kung hanggang saan ba ang hangganan ng pagiging maayos nito knowing na mag-isa pa.
Hanggang ngayon nasa kanya pa rin ang damit nito na pinalitan niya. Nakatago iyon sa cabinet sa kwarto niya. Maayos ang pagkakatupi at nalabhan ng maayos.
And after that unexpected parting, here he is now, still thinking about Clement. Hindi niya nga maintindihan ang sarili kung bakit sa kaunting panahon na kasama niya ito ay sobra naman yata ang pag-aalala niya para rito. At ang tanging sagot niya doon, pareho niya ito na nasaktan at bigo dahil sa pag-ibig.
Mula sa pagtingin sa cellphone niya, napatingin siya sa pinto ng kanyang opisina. Wala lang babala na pumasok si Theo. Hindi siya nababahala na pumapasok ito basta-basta sa kanyang opisina. Nasanay na kasi siya. Mula pa naman noon na nag-uumpisa siya sa kompanya ng ama nito hanggang sa tumaas ang posisyon niya at magkaroon ng sariling opisina ay gawain na nito iyon.
"Ano na naman ang kailangan mo?" Tanong niya rito kaagad.
"Yayayain kita na uminom ngayon."
Napailing-iling siya. "Niyaya mo rin ako kahapon na uminom." Aniya.
"Pero tumanggi ka."
"Dahil busy ako."
"Busy ka kahapon pero hindi na ngayon. Alam kong tapos na ang mga bagay na dapat mong tapusin. At kahit na tumanggi ka hindi ako papayag. I won't take no for an answer."
"Kanino mo naman nalaman 'yon?" Tanong niya.
"Sa reliable source ko."
Hindi na siya nagsalita. Kinuha na lamang niya ang gamit sa mesa. Kapag sinabi kasi nito na 'reliable source', alam na niya na galing ang impormasyon na iyon sa ama nito.
"Saan mo na naman ba balak pumunta ngayon?" Usisa niya rito nang makalabas sila ng opisina niya.
"Kahit saan. Wala naman kasi akong lugar na naiisip na puntahan. Wala akong plano. Kung saan tayo dadalhin ng agos doon na lang. Malay mo baka sa hindi pinagpaplanuhan makita ko ang taong hinahanap ko."
Hindi niya maiwasan ang mapangiti sa sinabi nito. Minsan talaga hindi niya nakikilala si Theo kapag nagiging seryoso ito. Kahit anu-ano kasing salita ang lumalabas sa bibig nito.
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
Lãng mạnNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...