AUTHOR'S NOTE
DISCLAIMER lang po, hindi akin ang video na nasa media. Inilagay ko lang yan dyan para mas may feels at malaman niyo ang melody ng song na kinanta ni Devin para kay Clement.
And speaking of the song, sana ay nagkaroon at nagbigay siya ng hustisya para sa chapter na ito. I hope that is enough.
I'll just share some thoughts that keeps bugging my mind.
While writing this story, this particular chapter, bigla kong naisip na 'its too good to be true' ang peg nito. Iyong tipo na nagtatanong ako sa sarili ko kung nangyayari ba ang ganito sa totoong buhay? Oh, well, fiction naman to. I'm free to write my ideas na passable para sa akin. A subject that comes from my imagination. Pero minsan naiisip ko na somewhere, somehow and some way things like this can happen in reality. Malay ba naman natin, hindi ba?
So for this chapter, I hope you enjoy reading this.
Maraming salamat sa lahat at sa uulitin.
May epilogue pa pala talaga ito. 😀😀😀😀
CHAPTER TWENTY-FIVE (PART 2)
TIME FLIES so fast. Sino ang mag-aakala na umabot ng isang taon ang relasyon ni Clement at Devin. Sa bawat relasyon hindi naman maiiwasan ang tampuhan. Ngunit kahit na magkaroon man sila ng hindi pagkaka-uunawaan, sinisigurado naman nila na hindi iyon makakahadlang sa kanilang dalawa. Before the end of the day they'll make sure to patch things up.
Sa relasyon nila ni Clement, pareho silang may say. They asked each others opinion in every things that they do. Give and take din ang relasyon na mayroon sila. They make sure to give quality time to each other everytime.
Idinaos nila ang pang-isang taon na relasyon nila last month. The celebration was simple. Kumain lang sila ni Clement sa labas. Pagkatapos niyon ay nagpunta sila sa amusement park na hiniling ni Clement sa kanya. Doon sumakay sila sa mga rides na naibigan nila. Kumain din sila ng street food at pagkatapos niyon ay umuwi sa kanilang bahay.
Kanilang bahay. The thought made him smile. Nang mag-third monthsary sila ni Clement nag-desisyon silang pareho na tumira na sa iisang bubong. Nag-live in na sila. Siyempre sa bahay niya. Naging love nest nila iyon. Sa pagtira sa iisang bahay mas nakilala nila ang isa't-isa. Sure they don't have the same interest but they are making ways to like each other indifferences. Kung ano man ang ayaw nila sa mga ugali nila ay pinapalampas nila. But clashing to each other is an inevitable thing.
Noong isang araw nga ay nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Clement dahil lang sa palabas sa telebisyon. He wanted to watch movie but Clement wanted to watch a television series. Magkaibang channel iyon kaya hindi nila naayunan. He insisted on watching the movie and Clement also did the same way. In the end they just turned off the television. Hindi sila nag-imikan buong araw. To make things up he gave a way. Sinuyo niya si Clement na hindi naman nagtagal dahil agad ding tinanggap ni Clement. In the end they ended hugging each other until both of them feel asleep.
"Sir." Natigil siya sa pag-aalala ng mga pangyayari sa pagitan nila ni Clement nang tawagin siya ng sales assistant.
Napatingin siya rito.
"Heto na po 'yong pinapakuha niyo."
Lumuwang ang pagkakangiti niya nang makita ang bagay na pinakuha niya sa babae. "Salamat, miss. Tiyak ko na matutuwa nito ang boyfriend ko."
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomansaNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...
