EPILOGUE

763 34 54
                                    


AUTHOR'S NOTE

At last naabot ko na ang katapusan ng kwentong ito. Ang saya lang talaga! So far kontento naman ako sa ending. Masaya na si Devin, eh. Pagkatapos ng mga nangyari sa kanya, mula pa sa SFTH 1 at SFTH 2 pati na rito, deserve niya ang lahat ng kasiyahan.

Maraming salamat sa mga reader na nag-comment at nagbasa ng chapter 25 part 1 & 2. Salamat at hindi kayo bumitaw sa istorya.

Kay jhaygrey20, bertshan GodOfAir888 CousinsRhyme1219 at sa iba pa na hindi ko mahanap. Pasensya na po.

Sana maging masaya kayo sa chapter na ito. 😊😊😊


EPILOGUE



MALAWAK ANG ngiti ni Clement habang nakatingin sa singsing na kanyang suot. Kahapon naganap ang mga pangyayaring nagpabago sa buhay niya subalit ang kasiyahan sa kanyang puso ay hindi pa rin nagmamaliw. Inlove na inlove ang pakiramdam niya. Ang sarap lang sa feeling na pagkatapos ng lahat ng naranasan niya sa unang relasyon, nandito siya ngayon at ini-enjoy ang mga pagkakataon na dulot ng bagong relasyon. Relasyon kay Devin.

Surely, his relationship with Devin has ups and downs. Hindi naman maiiwasan na magkatampuhan silang dalawa dahil sa indifferences nila. But at the end of the day both of them are making sure to reconcile.

Mas lumawak ang pagkakangiti niya nang muling maalala ang mga pangyayari kahapon. Ang totoo wala siyang kaide-ideya sa ginawa ni Devin. He thought that he will only celebrating his twenty-fifth birthday.

Nang i-set up ni Devin at ng kaibigan nito -- na kaibigan na rin niya -- ang drum set, nagtanong lang siya kung para saan iyon. Nang sumagot ito na para sa performance nito hindi na siya nag-usisa pa.

Bumalik sa kanyang alaala ang eksena kung saan siya tinanong ni Devin ng kanta na gusto niya.

Kasalukuyang nanonood ng palabas sa telebisyon si Clement nang marinig niya ang ugong ng paparating na sasakyan. Alam na niya kung sino ang dumating kaya dali-dali siyang tumayo mula sa pagkakaupo at nagtungo sa pintuan para buksan iyon. Tumambad sa kanya ang nakangiting mukha ni Devin.

Sa kanilang dalawa palaging siya ang nauunang umuwi mula sa trabaho. Bago dumating si Devin sinisigurado niya na handa na ang pagkain nila. Katatapos pa lamang niya magluto ng hapunan actually.

"Maaga ka ngayon," salubong niya rito. Niyakap niya ito saka hinalikan sa labi. Mabilis lang iyon pero masaya na siya.

"Yeah. Wala naman kasing masyadong ginagawa sa opisina. Tapos na rin kami sa mga projects ng kompanya."

"That was good to hear. So, meaning ,n'un palagi ka ng maagang uuwi."

"Siguro," hindi tiyak nitong sagot. Ito na ang nagsara ng pinto. "Basta ba walang traffic sa daan talagang makakauwi ako ng maaga."

"Okay lang na ma-late ka willing naman akong maghintay sa 'yo."

"Ang cheesy mo ngayon." Anito. Maluwang na ang pagkakangiti.

"Minsan lang 'to kaya sulitin mo na. Nagugutom ka na ba? Gusto mo na bang kumain?"

"Oo. I'll take a rest first."

"Okay. Manood muna tayo ng palabas sa TV," suhestiyon niya.

"Sige."

Habang nanonood sila tinulungan niya si Devin na alisin ang suot nitong polo. Ngayon tanging sandong puti na lang ang suot nito. Tinanggal na rin niya ang sapatos nito. Tuwing ginagawa niya iyon laging may pagtatalo sa pagitan nila. Ayaw kasi ni Devin na gawin pa niya iyon dahil kaya naman nito. But still he insists. Siyempre siya rin ang nananalo sa huli.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 26, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon