CHAPTER NINETEEN

390 23 30
                                        

CHAPTER NINETEEN


"IPAGHAHANDA NA kita ng pagkain."  Iyon ang tanging nasabi ni Clement sa halip na sagutin ang sinabi ni Irvin. Nag-iwas din siya ng tingin saka tuluyang lumayo rito. "Ano ba ang gusto mong kainin? Lulutuin ko."

"Anything will do." Sagot nito.

"Sige. Maiwan na muna kita. Pupunta na muna ako sa kusina." Paalam niya rito. Hindi pa ito sumasagot dali-dali na siyang bumaba.

Nang makarating sa kusina ay nanghihinang napasandal siya sa pader. Kinakabahan siya. Malakas ang tibok ng kanyang puso. Parang lalabas na iyon sa rib cage niya. Wala na siyang nararamdaman kay Irvin pero iba pa rin ang dating nito sa kanya. Siguro hindi siya sanay sa mga aksyon nito na ganito. Nang nasa relasyon pa sila ay bihira ito maging sweet at magsalita ng sweet nothing. Bihira lang din silang magkita nito noon. Hindi siya sanay sa pinapakita nito. Sana lang talaga ay maka-survive siya sa araw na ito. Kailangan niyang itanim sa isip na ginagawa niya ito dahil sa concern at hindi sa kung anupaman.

He was over with him. Ang nasa puso niya ay si Devin na. Wala ng iba at hindi na magbabago pa.

"THANKS FOR coming here, Clement."

Mula sa pagkain umangat ang tingin ni Clement para tingnan si Irvin. Nasa loob na siya ng kwarto nito at kasalukuyan itong pinapakain. Pagkatapos niyang makapagluto kanina ay agad siyang dumiretso sa kwarto. Naabutan niya itong nakahiga sa kama nito at tila kay lalim ng iniisip. Kung hindi pa nga niya ito tinawag kanina ay baka hindi siya napansin.

"Hindi mo na kailangan pang pasalamatan ako, Irvin." Aniya. Iniumang niya rito ang kutsara na may laman na pagkain. Ibinuka naman nito ang bibig.

"Hindi na kailangan pero gusto ko pa ring sabihin. Ginawan kita ng masama. Niloko kita. Pero nandito pa ngayon, inaasikaso at dinadamayan mo ako."

"Kahit papaano may pinagsamahan tayo, Irvin. Hindi naman kita pwedeng ignorahin. Konsensya kita kung mabalitaan ko bukas na patay ka na."

Tumaas ang sulok ng labi nito. Kahit na may kiming ngiti sa labi ay mahahalata ang kalungkutan sa mukha. Tila kay bigat talaga ng dinadala.

"You think I can do that?"

"Oo." Walang kiyeme niyang sagot. "Base sa boses mo kanina parang hindi ka talaga gagawa ng ikabubuti mo. Natakot ako para sa 'yo, Irvin. Noong tayo pa hindi kita narinig o nakita man lang na ganoon kahina. Kilala kita sa pagiging malakas."

"People change, so do I, marami ang nangyari sa akin na hindi ko alam na mangyayari. You know how careful I am for showing the real me. But in just a flicker of light, that carefulness gone."

"Huwag mo nang masyadong pagkaisipin kung anuman yan. Alam ko naman na malalampasan mo ang pinagdadaanan mo."

"Sana nga. Pero mangyayari kaya 'yon kung involve na ang puso ko sa nasasaktan?"

Natahimik siya sa tanong nito. "Oo naman. Mangyayari iyon. Tingnan mo ako, I don't mean na ipamukha sa 'yo, ah. Pero kahit papaano naka-move on naman ako sa 'yo. At thankful ako sa lalaking dumating sa buhay ko."

Dumaan ang lungkot sa mukha nito. "Huli na ba ako, Clement? Huli na ba ako para makuha at bumalik sa akin ang nararamdaman mo?"

"Huli na." Pag-amin niya. "Right now, naka-move on na ako, totally, sa 'yo. Ngayon na nasa harapan na kita wala na akong sakit na nadarama. Hindi na ako bitter."

"Pero bakit nagpunta ka pa rin dito? Your action can say things na pwedeng ikataas ng possibility para sa akin na pwede pa ring maging tayo."

Umiling siya. "Sinabi ko naman na sa 'yo. Pumunta ako rito kasi konsensya kita. Saka naisip ko rin na responsibilidad kita. May pinagsamahan tayo kahit papaano, Irvin. Kahit papaano naging masaya tayo."

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon