Authors Note
Sinabi ko sa sarili ko na bago ako mag-update ng story na ginagawa ko dapat makaabot ako ng chapter 6 nito kaya naman heto na siya. Pero teaser muna at kasunod naman nito ay ang chapter 1 ng story na ito.
Sa totoo lang, may pressure akong nadarama. Yeah. Given na kaunti ang followers at mambabasa ng story ko pero sapat na kayo para kabahan ako ng sobra. Madami ring what ifs na naglalaro sa isip ko. Paano pala kung hindi niyo magustuhan? Paano kung boring ang story? Paano kung hindi ko ma-meet ang expectation niyo? At marami pang iba na paano. Pero lakasan lang yata talaga ng loob kapag nagsusulat ka. Depende na rin sa mambabasa kung maaepektuhan ba sila sa sinusulat ko. Pero siyempre, depende rin sa pakiramdam ko kung maaepektuhan ba sila. Itinatanong ko din iyon sa sarili ko. Kung epektibo ba akong manunulat kuno.
Are those readers are satisfied?
Gusto ba nila ang kwento?
Pero paano ba malalaman ang isang katanungan na gumugulo sa isipan ng isang writer-writeran na katulad ko kung hindi naman vocal sa kung ano ang nababasa ng mga nambabasa sa sinusulat mo?
Ay ewan! Ewan ko na lang talaga.
Ang isa pang gumugulo sa isipan ko ay ang mga katanungan na:
Alin ba ang mas mahalaga? Ang maraming followers pero kakarampot ang reads o ang kakarampot na followers pero madami ang reads? Hahahah
As you see, mula pa naman n'ung sa MSOB ko, napansin ko na masyadong slow ang pag-akyat ng reads ng bawat akda ko.
Kung bakit? Siguro dahil na rin sa unang katanungan sa isipan ko. Iyong hindi yata ako epektibo na writer kaya ganoon. Kaya walang comment kahit na may read dahil sa walang dating.
Magkaganunpaman, hindi na sa akin mahalaga iyon. Minsan lang talag may pagka-praning at nawawala ang self-esteem ko. Iniisip ko na lang na nagsusulat ako hindi para sa readers kundi para sa sarili kong kasiyahan. At kapag ganoon ang naiisip ko, nabo-boost ang tiwala ko sa sarili.
Tama nga naman na talagang sarili mo lang ang makakatulong sa 'yo. O, siya! Tama na ang mahabang speech at ke-ekek-an ko.
Heto na po ang teaser guys, gals.
Dapat wala na ito pero pinush ko pa rin. After this, chapter one is next.
TEASER #1
Pareho silang napatingin ni Theo sa mini stage ng pumuno ang hagulgol ng kumakanta sa kabuuan ng bar. Ang ibang kustomer ay napabaling din dito. May nakita siyang nakatingin dito ng may awa. Ang iba ay hindi pagkapaniwala. Some of them also looking at the guy with disapproving looks. But those kind of looks didn't matter to that person who sing the song again.
Walang nagtangkang tumigil dito. Muli itong kumanta. Todo bigay pa rin sa kabila ng kalasingan. Bago pa nga kumanta ay napasigok pa. And that amuse him. Napataas na naman ang sulok ng labi niya.
"What with the lopsided smile, Devin?"
Napatingin siya kay Theo. "Nothing."
"Anong nothing? You just looking to that guy singing like brokenhearted so much and you smiled. Natutuwa ka ba sa makabagbag damdamin na pagkanta niya ng kanta ni Whitney Houston?"
"Well. He just amused me."
"Amused you. Akala ko si Hyde at ang mga bata lang ang nagbibigay ng amusement sa 'yo? May bago pala."
"Just shut up." Saway niya rito.
Hindi pa rin ito tumigil. "Did you found him handsome? Cute? Pretty boy or what?"
"Just shut up,Theo." Muli niyang saway dito.
Nakakatawa lang na lasing ito ngunit matalas pa rin ang tingin. Ang dami ng napapansin.
Magsasalita sana si Theo nang matigil ito at napangiwi. Siya rin ay ganoon din ang reaksyon. Ang tunog kasi ng bumagsak na mikropono ang pumuno sa loob ng bar. Nang tingnan niya ang taong nasa mini stage pa rin. Sumusuka ito. Nabuwal. Bumagsak sa stage at nawalan ng malay. Nakatulog na yata sa sobrang kalasingan.
Napailing-iling na lang siya.
TEASER #2
"I'm glad you like the food I prepared."
Natigilan siya. Napatingin sa pinanggalingan ng boses na mula sa pinto. And there, standing a familiar face that he don't know where he first saw. Nagulat siya sa presensya nito na naging dahilan para mabilaukan siya sa pagkain na nasa bibig niya. Napaubo siya. Dahilan para kumalat ang butil ng kanin. Pinalo-palo niya ang dibdib.
Bumalatay sa mukha ng lalaki ang gulat at pagkataranta. Ngunit mukhang may presence of mind naman ito dahil agad na kumilos at kumuha ng tubig na inabot sa kanya. Agad niyang kinuha iyon. Tinungga. Bottoms up. Nakahinga siya ng maluwang. Hinagod-hagod ang dibdib.
"Salamat," sabi niya. "Pero kasalanan mo kaya ako nabilaukan. Basta-basta ka na lang lumitaw at nagsalita." Paninisi niya rito.
Instead of showing irritation on what he said, the guy smiled. At ang ngiting iyon ay nagpalitaw ng kagwapuhan nito na ngayon lang niya napansin. Natameme siya. Napako ang tingin sa maamong mukha nito. May kahabaan ang buhok nito na parang ang lambot. Maganda ang mata nito, mahaba ang pilikmata. Matangos ang ilong. Maganda ang hugis ng labi na kulay rosas. Sa kabuuan parang may lahi ito. May pagka-western ang feature. Malayong-malayo sa mukha ni Irvin.
Ang gwapo ng potek! Siya ba ang tumulong sa 'kin? Pagkausap niya sa sarili.
Obviously, he is. Sagot ng bahagi ng isip niya.
Natigil lang siya sa pakikipag-usap sa sarili nang magsalita ang lalaki.
"I'm glad you wake up." Sabi nito. "But I'm not at fault kung bakit nabilaukan ka. You look a glutton eating. Idagdag pa na wala kang tubig sa tabi mo."
Napangiwi siya sa sinabi nito. Imbes na mainis o maasar sa sinabi nito, he found himself smiling.
So how's the teasers, guys?
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomanceNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...
