CHAPTER EIGHTEEN

387 24 12
                                        


CHAPTER EIGHTEEN


NANG MAKARATING sa bahay ni Devin, katulad kanina, pinagbuksan siya nito ng pintuan. Sabay din silang pumasok sa bahay nito. Naiwan siya sa living room samantalang nagtungo si Devin sa kwarto nito. Mga ilang minuto rin ang lumipas nang bumalik si Devin. Nakasuot na ito ngayon ng pambahay na damit. A simple black sleeveless shirt and a basketball short. Siyempre hindi niya naiwasan na i-scan ang kabuuan nito. Gwapo pa rin. Kahit ano naman ang isuot nito talagang babagay dahil maganda ang katawan at gwapo ang mukha. Hindi man ito ma-muscle katulad ng iba nasa proportion naman ang katawan nito.

"Gusto mo bang magpalit ng damit?" Tanong nito. Dahilan para ilayo niya ang makasalanang mata sa kabuuan nito.

"Kung may kakasya sa akin na damit mo, sige, magpapalit ako."

"Sumama ka sa akin." Anito.

Hindi na siya nagdalawang isip pa na sumunod dito. Nakapasok na rin naman siya sa kwarto nito. Hindi niya kailangan mailang. Isa pa gusto rin niyang makapagpalit ng damit. Kanina pa siya naiinitan sa suot niya. But at the back of his mind there was a perverted side, na nagsusumigaw na pagkakataon na niya para madama muli ang damit ni Devin sa katawan niya. Na kahit hindi niya kayakap si Devin ay madadama niya ang init ng katawan nito sa pamamagitan ng damit. Umiling siya ng malakas bago pa siya mademonyo. Hindi niya dapat bigyan ng ibang kahulugan ang pagsusuot ng damit ni Devin. He should thank him instead.

Naabutan niya si Devin na binubuksan ang lagayan nito ng damit. Bumaling ito sa kanya.

"Anong gusto mong isuot?"

"Kahit ano okay na sa akin basta magiging komportable ako."

"Okay." Anito. Naging abala sa paghahanap ng damit.

Siya naman sa kabilang banda, habang naghihintay, inabala niya ang sarili na tingnan ang kabuuan ng kwarto. Wala namang nagbago doon. It was still the same the last time he entered this room.

Napatingin siya kay Devin nang tawagin siya nito. Hawak na nito ang isang pares ng damit. A gray shirt and blue short.

Inabot niya iyon. "Salamat."

"Walang anuman. Magpalit ka na ng damit. Pupunta na ako sa kusina para magluto."

"Okay." Akmang lalabas na si Devin nang magsalita siya. "Kailangan mo ba ng tulong? Pagkatapos ko magbihis pupunta ako sa kusina."

Marahan itong umiling. "Hindi ko kailangan ng tulong. Pagkatapos mong magbihis pumunta ka na lang sa sala. Manood ka ng palabas sa TV."

"Okay." Tanging nasabi niya.

Sinundan niya ito ng tingin. Nang hindi na makita saka pa lang siya nagbihis.

Imbes na sa living room dumiretso kagaya ng sinabi ni Devin, sa kusina nagtungo si Clement. Nilampasan niya ang living room kahit na napansin niya na nakabukas na ang telebisyon at maganda ang palabas. Nahagip din ng kanyang mata ang remote control na nakapatong sa center table.

Nang makarating sa kusina, naabutan niya ang abalang si Devin. Nakaharap ito sa lutuan at may hinahalo na hindi niya alam kung ano. Tutok na tutok ang pansin nito roon kaya hindi siya napansin. Katulad ng dati nawili siyang tingnan ito. Kahit nakatalikod talagang sexy ito. At katulad din ng laging naglalaro sa isipan niya, muli na namang iyon nagsabi na good catch talaga ito.

Bago pa makahalata si Devin tumikhim siya para makuha ang atensyon nito.

Bumaling ito sa kanya. "Bakit nandito ka?"

"Para tumulong."

"You don't need to. Just wait there. Manood ka ng gusto mong panoorin."

Umiling siya. "Sa tingin mo magiging komportable ako na maghintay sa 'yo."

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon