CHAPTER THREE

672 32 2
                                        


CHAPTER THREE

"WAKE UP, Theo,"

Hindi na mabilang ni Devin kung ilang ulit na niyang sinabi iyon kay Theo para gumising ito. Kahit na tapikin niya ang mukha nito, wala pa rin itong tugon. Talaga yatang nalasing ito sa ilang bote ng alak na ininom. Bagsak na bagsak at tila kahit gamitan pa niya ng bagay na lilikha ng malakas na ingay ay wala pa ring kwenta.

Napabuntung-hininga na lang siya. Mabuti na lang talaga at hindi siya uminom ng marami. Well, kahit naman kailan ay moderate lang ang pag-inom niya ng alak. May pagkakataon nga lang na minsan ay nawawalan siya ng moderasyon lalo na kapag may problemang kinakaharap.

So thats the reason why he can't blame Theo for drinking too much. Maraming pinagdadaanan ang kaibigan niya at ang konsolasyon ay nakukuha nito sa alak maliban sa kanya na kaibigan nito. Hindi naman niya ito pwedeng pabayaan basta-basta kaya nga kahit na ayaw niyang sumama rito kanina ay ginawa pa rin niya. Theo was brokenhearted. He was always been brokenhearted. Hanggang hindi pa nito nakikita ang taong magbibigay ng kasiyahan dito ay mananatili ito sa ganoon na estado.

And for him. Well. Just like he said before. He was on his way to forget his feeling for Hyde. Sinasanay niya ang sarili na nakikitang sweet na sweet sa isa't-isa sina Jake at Hyde sa harap niya. Hindi naman siya ipokrito para sabihin na hindi siya nasasaktan dahil may sakit pa rin siyang nararamdaman.

It was just one month. Isang buwan pa lang ang nakakalipas mula nang magdesisyon siya na kalimutan ang nararamdaman para kay Hyde. Hindi iyon madali. Alam niya rin na malayo pa ang lalakbayin niya para tuluyang makalimutan si Hyde.

But there is a question bugging him. At iyon ay kung may essakto bang araw, linggo, buwan o taon para makalimutan ng katulad niyang nagmamahal ang pagmamahal sa taong itinatangi ng puso niya?

And the answer that he can only say is that: He don't know. Malay ba  naman niya kung paano at kung kailan niya makakalimutan si Hyde. Hindi rin naman siya iyong tipo ng tao na gagawa ng kalokohan para lang makalimutan ito agad-agad. He will not resort to things using other people for his own sake. Ayaw naman niyang maging sanhi ng kalungkutan at kasawian ng iba.

For that, hindi niya maiwasan na isipin ang taong naging malapit sa kanya. Dahil sa sobrang pagmamahal sa kanya ay nagbago at nakagawa ng bagay na hindi niya akalain na magagawa nito. Aaminin niya na nami-miss niya ang dating samahan nila ni Marty. Samahan na hindi na maibabalik pa lalo na at wala na ito. Sa ginawa nito kay Hyde at sa kanila, si Marty din ang umani. Nalulungkot siya sa nangyari rito. Kasabay din ng kalungkutan ay ang pagka-guilty. Paanong hindi siya magi-guilty gayong alam niya at nagsusumigaw sa kabuuan niya na siya ang dahilan ng lahat.

Napahinga siya ng malalim saka bumaling kay Theo na gumalaw. Mula sa pagsandal sa upuan nito tuluyan na itong  nahiga sa upuan. Feel na feel ang higaan. Talagang hindi na niya ito magigising.

Mula kay Theo, lumipat ang tingin niya sa taong nakaupo sa hindi kalayuan. Tulog na tulog din ito. Nakasandal din sa upuan nito.

Mula nang matumba ito sa stage, nagtulong-tulong ang dalawang bouncer para kargahin ito at dalhin sa pwesto nito kanina. Knock out din. Parang si Theo lang.

Ang hindi niya lang maintindihan ay kung bakit ba kanina pa niya ito tinatapunan ng tingin. Hindi niya rin maipaliwanag. Basta namamalayan na lang niya na dumadako ang tingin niya rito.

Gumalaw ang lalaki. Ang ilang hibla ng buhok nito ay tumatabing sa noo nito. He don't know but he looks cute even with his messy hair. Magulo na rin ang suot nito na sa pagkakaalam niya ay basa na kanina. Mahirap na matuyuan ito ng damit na basang-basa kanina. Pwede itong magkasakit. Mula sa pagkakasandal sa upuan, gumalaw ito. But that moving was a bad thing to do because the guy fell from his seat.

Devin's Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon