CHAPTER TWENTY-TWO
PAGKATAPOS UMIYAK nanghihinang napaupo si Clement. Agad naman siyang inalalayan ni Irvin na umupo. Wala pa rin siyang tigil sa pag-iyak. Walang tigil din naman si Irvin sa paghaplos sa kanyang likuran. Hindi ito nagsasalita na siyang pinapasalamat niya dahil wala naman silang dapat pag-usapan na dalawa. Sapat ng nasa tabi niya ito ngayon at dinadamayan siya sa kamiserablehan niya kahit na hindi naman dapat. Pero hindi na rin siya mag-iinarte dahil sa panahon ngayon isang taong makakaunawa sa kanya ang kailangan niya.
Nang mahimasmasan pinunasan niya ang luha sa kanyang pisngi. Tumigil na rin si Irvin sa ginagawa nito nang mapansin na hindi na siya umiiyak.
"Ano na ngayon ang plano mo?"
Tiningnan niya ito. "Plano? Wala akong balak na iniisip ngayon sa totoo lang. Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong gawin. Natatakot ako na harapin ang kinakatakutan ko. What I'm feeling towards Devin is so different to the way I feel to you in the past."
Ngumiti ito. Ngiti na may lungkot. "Masakit man marinig pero kailangan kong tanggapin 'yan. Sa nakikita ko ngayon alam ko na mas matindi ang pagmamahal na nararamdaman mo kay Devin kaysa sa akin. Past is past sabi nga ng iba. And I think I should stop pursuing you. Right now, you need a person you can rely on and support you. Ako ang magiging ganoon mo ngayon, Clement. Mas okay pa na maging magkaibigan tayo. Pero depende pa rin naman sa 'yo kung tatanggapin mo ako pagkatapos sa mga nangyari sa pagitan natin. Sana mapatawad mo na rin ako sa mga kasalanan na nagawa ko sa 'yo."
Nginitian niya ito. This time his smile was gentle and sincere. "I can still accept you as a friend, Irvin. Alam mo naman na wala akong masyadong kaibigan. Isa pa alam ko ang sekreto mo. Katulad mo, pwede mo rin akong maging sandigan sa mga pinagdadaanan mo. I can also forgive you but not now. May tamang oras at panahon para doon."
Unti-unting nawala ang ngiti sa labi nito. "Oo. Alam ko na kilalang-kilala mo na ako. You know me well kaya mahirap na maging kalaban ka. Maghihintay na rin ako sa sinasabing oras at panahon para mapatawad mo ako."
"You know that I'm not the type of person to tell ones secret. You are safe with me."
"Salamat. I think its better for us to talk about your future plan between Devin and you. Hindi pwedeng wala kang gawin. Dapat subukan mo pa rin sabihin sa kanya ang nararamdaman mo."
Napabuntung-hininga siya. "Dapat nga na iyon ang gawin ko. Sa tingin mo, ano kaya ang magiging reaksyon ni Devin kapag nalaman niya na mahal ko siya."
"Hindi ako si Devin kaya hindi ko alam kung ano ang pwede niyang maging reaksyon."
Hindi na siya nagsalita. May punto ito sa sinabi. Hindi nga naman ito si Devin kaya hindi nito malalaman kung ano ang nararamdaman nito para sa kanya. There was no point asking for answer from different person. Si Devin lang talaga ang makakasagot sa kanya.
Mukhang kailangan na niyang mag-ipon ulit ng lakas at tibay ng loob para magtapat kay Devin.
"Paano kaya ako makakapagtapat sa kanya ng kami lang at hindi ako pinapanghinaan ng loob?"
"Hindi ko alam." Sagot ni Irvin.
Napatingin siya rito. Seryoso rin itong nakatingin sa kanya. Hindi niya namalayan na na-voice out na pala niya ang naiisip. "Hindi kita kinakausap."
"Akala ko kinakausap mo ako." Sagot nito. "Pero in case na tinatanong mo ako, I have this little idea on how will you tell Devin."
"Talaga. Ano?"
Tumango-tango ito. "Well..."
Hindi na nito natapos pa ang sasabihin dahil may isang tao ang biglang nagsalita...
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomanceNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...
