AUTHORS NOTE
I'm back but not for good. This is just temporary. Isang chapter pa lang naman kasi ang natatapos ko after the weeks or months na nawala ako. LOL. Kaloka. Naman. Talaga. Pasensya na lang po at ang abang manunulat kuno na ito ay sadyang petiks at hindi alam kung kailan at saan ba ulit magsusulat. I'm not in the mood. Yet. Yeah.
So this is now the chapter I can offer. I hope you like it.
PS: Kapag sinipag ako baka ipost ko na rin po ang isa pang story na ginawa ko. Ang Chasing Chase. Wish me kasipagan, folks! LOL
PPS: sana mag-enjoy talaga kayi kahit papaano. Salamat rin pala kay jhaygrey20 para sa book cover na ginawa mo. Hahaha. Wala ka talagang kasawaan. Sana ma-enjoy mo ito.
PPPS: sana naman iyong mga nagbabasa nito, wag sanang madamot sa komento o kaya naman boto para ramdam ko ang presensiya niyo. Hindi lang sa pagtaas ng reads kundi sa ibang bagay mo. Salamat!!
CHAPTER FOURTEEN
HINDI MAWALA-WALA ang ngiti sa labi ni Clement habang nagbibihis at naghahanda para pumunta sa bahay ni Devin. For a reason he feel that something positive will happen to him. At ang positibong bagay na iyon ay dulot ni Devin. Nakikinita rin niya na parang papayag na si Devin sa kagustuhan niya. Excited na siyang malaman at makumpirma kung tama ang hinala niya kaya hindi na niya palalampasin pa ang pagkakataon.
Pagkatapos na pagkatapos nga nitong tawagan siya at putulin ang tawag agad siyang nagtungo sa banyo para maligo. Nang matapos nga siya ay agad na nagbihis at naghahanda na para pumunta sa bahay ni Devin.
Bago siya lumabas ng kwarto, sinigurado niya muna na kaaya-aya ang hitsura niya. He looks simple on his sky blue statement shirt and a khaki short. Kulay itim naman na ang sapin niya sa paa. Sapatos na walang sintas. Wala namang magarbo sa hitsura niya. Ayaw naman kasi niyang mahalata ni Devin na excited siya sa biglaan na pagkikita nilang ito.
Balak niya nga na maging poker face kapag nakaharap na ito. He don't want to act giddy infront of him. Sana nga lang mapanindigan niya.
Ilang minuto ang ginugol ni Clement sa daan bago makarating sa bahay ni Devin. Pagkarating niya doon ay agad niyang nakita ang taong pakay niya. Palabas ito ng bahay nito. Tatawagin niya sana ito ngunit natigilan siya nang makita ang taong sunod na lumabas ng bahay. It was Hyde. At base sa lawak ng ngiti ng dalawa parang may pinag-uusapan na nakakatawang bagay ang mga ito.
Mas napako ang tingin niya kay Devin. Seeing him smiling like that made him look more handsome. He always wanted to see him smiling like that. Iyong malawak na ngiti at totoo. Nahihiling niya minsan na sana siya ang dahilan ng ngiti nito.
Hindi naman dapat ngunit iba ang naging pakiramdam ni Clement. Hindi niya gusto ang tanawin na nakikita. It made his heart aches.
Bakit naman sasama ang loob mo, Clemente? Wala namang kayo. At hindi ka kanya. Anang atribidang bahagi ng isip niya. Being asked like that bigla siyang natauhan. Hindi sila. Walang sila. At kahit na kailan ay hindi magiging sila.
Napabuntung-hininga siya. He composed his self before proceeding.
"Devin." Tawag niya rito.
Unang tumingin sa kanya si Devin. Ang ngiting sa labi nito kanina ay nawala nang makita siya. Nakadama na naman siya ng sakit. It was weird.
Malawak naman ang ngiti ni Hyde sa kabilang banda. "Hello, Clement!" Masiglang sabi nito. "Long time no see. May pag-uusapan ba kayo ni Devin?" Tanong nito.
BINABASA MO ANG
Devin's Heart
RomanceNagmahal. Niloko. Nasaktan. Naghiganti. Nagmahal ulit at muling nasaktan. Those were the exact words that define the state of Devin's heart. He fell twice for the same person and that person was also the reason for his numerous heartaches. That was...
