3.

2.1K 64 15
                                    

Second day na ng fashion week. Nakakapagod pala yung ganito, kaya naisipan kong maglakad-lakad muna. Ilang araw na ko dito sa SoKor pero hindi pa ako nagkakamasyal sa city, yung balak ko na pupunta sa fan signing event ng EXO, GOT7 at B.A.P ni isa wala pang natutuloy. Yung album ko pa lang ng BTS ang may mga sign.

"Adsfhjtjihjtihblknmj" may babaeng koryana na lumapit sakin, hindi ko naman naintindihan yung sinabi niya.

"Sorry but I don't understand you." sabi ko.

"Fyughkrbgiyhvndjb" may sinabi na naman siya na hindi ko maintindihan, tapos parang tumatass na yung boses niya, parang nagagalit na. 

Ano bang ginawa ko dito at bakit parang galit na galit? "Sorry I really don't understand you." tapos nag-bow pa ako sa kanya.

"You're the girl with Taehyung on the video."

Pucha marunong naman pala mag-english eh pinapahirapan pa ako. Teka lang, alam na niya yun eh kahapon lang yun tsaka filipino rp lang naman yung mga friend ko dun sa rp account ko ah. Hala naman baka kumalat na yun sa buong fandom. Mukhang lagot ako nito sa mga korean fans.

"Are you Taehyung's girl?" mataray niyang tanong sakin.

"Riri! Kanina pa kita hinahanap kung saan-saan ka nagpupunta." tumatakbo papunta sakin si V. "Sino siya?"

"Ewan. Fan nyo yata."

Nagbow sa kanya si V. "Annyeong."

Biglang nag-drool yung babae. Hahahahaha naalala ko nung una kong nakita yung BTS. "Annyeong, oppa."

"Riri, tara na."

"Saan?"

"Is she your girl, oppa." singit na naman nung babae.

"Ahm..." napakamot lang sa ulo si V tapos tumingin sakin na para bang tinatanong ako na 'tayo ba?'

"Silence means yes. Asdjfjcnfjxncjf." nagkorean siya dun sa huli niyang sentence.

"No. Bighit doesn't know about her. We need to go. Bye." tapos nagbow ulit si V. "Tara na, Riri." hinawakan niya yung kamay ko at hinila ako sa kung saan.

Hawak pa rin niya yung kamay ko habang naglalakad kami. Hindi nga kami nag-uusap eh, pareho kaming walang imik. Ang awkward. "Isuot mo to." tapos may binigay siya saking mask.

"Para san to?"

"Disguise. Sigurado ako na marami ng aaligid na fansite photographers."

Hindi na ako sumagot, sinuot ko na lang yung mask na binigay niya.

"Sorry. Dahil sakin baka mapahamak ka."

"Bakit ako mapapahamak?"

"Syempre aakalain nila girlfriend nga kita dahil dun sa inupload kong video. Kung hindi pa siguro ako dumating kanina, baka inaway ka na nung babae mukha pa namang mataray."

"Gago ka kasi eh." binatukan ko siya ng mahina. "Loko-loko ka upload-upload ka pa kasi. Pero hayaan mo na yun, nandyan na eh."

"Bukas pupunta ako sa office. Ipapaalam ko sa management yung tungkol dun para magawan nila ng paraan."

"Hindi ba against ang Bighit sa mga ganung issue? I mean yung dating issues ng mga artist nila."

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon