I woke up beside Taehyung. Naalala ko yung ginawa namin kagabi. Sht. Ginawa talaga namin yun?
Kinuha ko yung phone ko sa side table, the usual ang daming notifications from my accounts, ang dami ring texts at missed calls galing kay Director. Maya-maya nagring yung phone ko, tumatawag na si Director.
(Ikaw bata ka nasaan ka magdamag bakit hindi kita macontact?!) bulyaw sakin ni Director sa kabilang linya. (Kasama mo ba si Taehyung?! Alam mo bang pinaghahanap na siya ng pulis at media! Magdamag siyang hindi macontact ng management nila!) Ay oo nga pala! Basta-basta naa lang kami pumunta dito ng walang pasabi.
"Sorry po. Sorry po."
(Bumalik na kayo dito! Saan ba kayo galing mga bata kayo!)
"Opo ito na po!" binaba ko na yung phone. Nagbihis muna ako, nagflashback na naman sakin yung ginawa namin nung makita ko lahat ng damit ko na nakakalat. Ginising ko agad si V nung matapos akong magbihis. "Hoy Taehyung! Hoy gising!"
"Uhhhh..." gumulong lang siya.
"Hoy gumising ka na! Hinahanap na tayo! Lagot tayo sa company hindi tayo nagpaalam!"
"Yaan mo sila..." nakapikit pa siya at gumulong lang ulit. "Tara... tulog pa tayo..." hinila niya ako kaya natumba ako sa ibabaw niya. Nakahubad pa rin siya kaya dama ko yung ano niya.
"Tara na kasi. Umuwi na tayo."
Hinalikan niya ako bigla sa labi. "Ayoko pa... dito muna tayo..."
"Hinahanap na kasi tayo. Tayo na dyaaaan!!" tumayo ako at hinila siya, nagpahila naman siya. Pero wrong move, nung pagkahila ko sa kanya nahulog yung kumot kaya nalantad yung katawan niya. Dali-dali ko siyang tinulak ulit pahiga, ipinatong yung kumot sa katawan niya at tumalikod. "Tumayo na sabi eh!" sigaw ko habang nakatalikod malayo sa kanya. Ugh nakita ko yung katawan niya, yung ano niya uuuuugh nakakahiya!
Narinig ko siyang tumawa, at naramdaman ko na lang na nakbackhug siya sakin, at may pangibaba na rin siya pero topless pa rin, kaya damang-dama ko yung abs niya sa likod ko. Ano ba naman to!"Nahiya pa ang Riri ko. Harap ka."
"Ayoko." nahihiya kasi ako. Hindivpa rin ako makapaniwala na nagawa namin yung kagabi.
Siya na yung nagharap sakin. "Tingin ka sakin."
Kahit tumingin sa kanya ng diretso hindi ko kaya.
Hinawakan niya yung baba ko para iangat yung mukha ko at makatingin sa kanya ng diretso. He kissed my lips. "We did it because we love each other, okay?" hinalikan niya ulit ako sa labi. "I love you. Tara uwi na tayo." Hinawakan niya yung kamay ko at sabay kaming lumabas ng bahay.
Pagdating namin sa building, sinalubong kami ng press at mga tanong na hindi ko naman naiintindihan. Inalalayan kami ng mga staff hanggang sa makapasok kami ng tuluyan sa building. Pinapunta kami sa office ng CEO, pero si Do Min Joon ang nadatnan namin doon, ang sama ng tingin niya sa amin at ang dilim ng aura niya. Kaya napahawak ako ng mahigpit sa kamay ni Taehyung.
"Saan kayo galing?" seryoso niyang tanong samin. "Lalo ka na V! Alam mo ba na kung anu-anong rumors na ang lumabas kung bakit ka nawala!"
"Sorry." yun lang ang sinabi ni V.
"Sige na! Umalis na kayo ako nang bahala dito." matalim pa rin yung tingin niya sa amin, lalo na sa akin.
"Sorry. Kasalanan ko to." nakapagsalita lang ako nung nasa elevator na kami pababa.
Hinarap niya ako sa kanya. "Hindi mo kasalanan, Riri. Walang may kasalanan. Wag mo na intindihin yun, okay?"
Tumango lang ako.
"Bukas na yung alis mo, anong oras flight nyo?" tanong niya.
"Hindi ko pa alam. Hindi pa sinasabi ni Director."
"Baka hindi na kita mahatid bukas. Kailangan ko munang magpalamig sa media at sa management. Sorry."
"Okay lang. Aalis na lang ako binigyan pa kita ng problema."
"Wag mo na isipin yun."
Hinatid lang ako ni Taehyung sa suite ko. Pagkatapos ay nagpahinga na ako at nag-ayos ng mga gamit ko. Kinabukasan pagkagising ko, may nakita akong box na may note sa tabi ko.
Have a safe trip, Riri. I love you. See you soon. -V
Binuksan ko yung box. Wow! Complete signed album ng Bigbang, EXO, Got7, at BAP.
May biglang kumatok sa pintuan. Weird. Alam ko pag may bisita tatawag muna sa baba. Binuksan ko yung pintuan, at nakita ko si Do Min Joon na nakaabang.
"Uhh anong kailangan mo?" tanong ko.
"Hindi ba nag-usap na tayo na layuan mo si Taehyung?"
"Wag kang mag-alala. Babalik siya sa planeta nyo in three months, kukumbinsihin ko siya, hayaan mo lang ako na makasama siya."
"Okay. Madali naman akong kausap." sabay alis. Ay medyo bastos rin yun ah.
Bago yung flight ko magkatext kami ni V, hanggang sa mag-take off yung eroplano. Tulog lang ako buong byahe. Pagbaba ko, nagtaka ako na hindi pangkaraniwan yung dami ng tao sa airport. Dire-diretso pa yung lakad nung bigla akong pagkaguluhan ng mga tao.
"Unnie!"
"Unnie kayo ba talaga ni V?"
"OMG ang ganda niya!"
"Huhuhuhu may girlfriend na ang Taehyung natin!"
"Unnie alagaan mo si V ah!"
Dinig na dinig ko yung sinasabi ng mga tao, ARMY tong mga to panigurado, pati mga flash ng camera nakakasilaw. Buti tinulungan kami ni Director ng mga staff ng airport kaya hindi kami gaanong nakuyog ng mga tao.
"Mukhang instant celebrity ka ah." patawa-tawang sabi ni Director habang nasa van kami para ihatid ako sa bahay.
"Haha oo nga po eh. Nakakahiya tuloy bigla."
Hindi na nagsalita ulit si director kaya nanahimik na lang din ako. Nagsurf ako sa phone ko, naisip ko na buksan yung rp account ko, tagal ko na ring hindi nabubuksan yun ah.
WTF!! 999+ friend requests, 999+ messages, 999+ notifications. Boom sabog account ko!
Pagdating sa bahay, tongue inn ah! Ang daming taong nakaharang sa gate namin. Hindi ako makalabas ng van kasi baka kuyugin na naman ako, kaya tinawagan ko na lang si ate para sunduin ako sa van. Pero kahit sinundo ako ni ate kinuyog pa rin ako ng mga tao.
"Ano ba yun Des? Nagulat ako na ang daming tao bigla sa labas. Natakot ako kaya hindi na ako makalabas."
"Basta. Magpapahinga muna ako ate." pumasok ako sa kwarto ko at sinara yung pinto. Paglingon ko sa kama ko, nakahiga si V dun like a boss.
"Anong ginagawa mo dito?!"
"Namiss agad kita eh."
![](https://img.wattpad.com/cover/14570032-288-k392332.jpg)
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to