Taehyung's POV
Bumalik na kami ni Jimin sa Korea. Pagbalik na pagbalik namin, dumiretso ako sa opisina ni Do Min Joon.
"Handa na ako. Bumalik na tayo sa Methuselah." seryoso at diretso kong sabi sa kanya.
Mukhang nagulat siya sa sinabi ko."May isa't kalahating buwan ka pa ah."
"Sabi ko bumalik na tayo. Wag ka na magtanong, ito naman ang gusto mo diba? Umalis na tayo."
"Sudden change of mind? Hulaan ko, wala na kayo ni Desiree 'no?"
Hindi ko napigilan yung sarili ko, sinugod ko siya at hinawakan sa kwelyo. "Ikaw ang may pakana nito ano?!"
"H-Hindi... Nagkasundo kami na siya ang bahalang magkumbinsi sayo na bumalik sa Methuselah basta hayaan ko lang daw kayo na magkasama."
So hindi si Do Min Joon ang may pakana. Binitawan ko na siya. So walang kahit sino ang nag-utos kay Riri na makipaghiwalay, lahat ng sinabi niya totoo. "Kailan tayo pwedeng bumalik ng Methuselah?"
"Sa isang linggo. Dapat malinis ang pagkawala ntin dito sa Earth. Naayos ko naman na yung mga yun, kailangan ko lang tawagin yung magsusundo sa atin dito."
"Sige." pagkatapos ay naglakad na ako palabas ng opisina.
Hinanap ko si Jimin sa loob ng building, nakita ko siya sa practice room. Mag-isa na lang siya dun, wala na yung iba. Pumasok ako at umupo sa tabi niya.
"Okay ka na ba, tol?" tanong niya sakin.
"Tol, gusto ka ni Riri."
Halatang nagulat siya sa sinabi ko. "Ano?!"
"Gusto ka niya. Ikaw yung gusto niya at hindi ako. Jimin, alagaan mo siya. Alagaan mo siya para sakin, wag mo siyang papabayaan, siguraduhin mo na lagi siyang masaya. Basta ikaw nang bahala sa kanya."
"Ano bang sinasabi mo?"
"Mahal na mahal ko yun si Desiree. Kahit saan ako mapunta wala akong ibang mamahalin."
"Bakit kung makapagsalita ka parang aalis ka."
"Aalis nga ako."
"Huh?! Saan ka pupunta? Bakit hindi mo sinasabi samin?"
"Sa lugar na ako lang ang pwedeng pumunta. Kung saan walang makakasunod sa akin kahit sino sa inyo. Sa lugar na malayo dito."
"Tsk tsk. Broken hearted ka lang kung anu-ano nang sinasabi mo. Umuwi ka na at magpahinga."
Desiree's POV
Buong araw akong nasa school ng dalawang araw, straight walang tulog, kulang sa kain. Gusto ko occupied yung utak ko para wala na akong time magmukmok. Tsaka submission na rin nitong thesis sa isang araw, so kailangan nang tapusin.
"Des, namumutla ka na. Kumain ka muna tapos magpahinga ka na rin, kami na bahala dito." sabi nung isa kong thesismate.
"De sige tapusin ko na lang muna tong ginagawa ko." at pinagpatuloy ko na yung ginagawa ko.
Maya-maya nakaramdam ako ng hilo. Parang umiikot yung paligid ko. Hininto ko muna yung ginagawa ko at pumunta sa malapit na electruc fan para magpahangin, pero patayo pa lang ako biglang nagdilim yung paningin, at huli kong narinig ay yung sigawan ng mga kasama ko.
Pagdilat ko ng mata ko, puro puti yung nakita ko. Nasa ospital ako. Ano bang nangyari sakin?
"Buti gising ka na, anak. Pinagalala mo kaming lahat Diyos ko." tumingin ako kay mama na halatang alalang-alala nga. Nandun silang lahat, si papa, si ate, pati mga thesismate ko. "Ano bang ginagawa mo sa sarili mo anak. Naghiwalay lang kayo ni Taehyung nagkaganyan ka na. Anak naman! Ayusin mo yung sarili mo. Hindi lang sa kanya umiikot yung mundo mo!"
Natauhan ako sa sinabi ni Mama. Tama siya. Mula nung naghiwalay kami ni Taehyung pinabayaan ko na yung sarili ko. Nakalimutan ko na may pamilya at kaibigan pa pala ako, nakalimutan ko na may nagmamahal pa pala sa akin. "Sorry po..." nahihiya na ako sa mga pinaggagawa ko.
"Ehem." napatingin kaming lahat sa pinanggalingan nung boses. Yung doktor pala na nasa pintuan. "Lumabas na po yung resulta ng test."
"Ano pong resulta?" tanong ni papa. Kami naman nakinig lang sa doktor.
"Wala namang nangyaring seryoso sa pasyente. Over fatigue lang, pero mayroon siyang ulcer dahil na rin siguro sa ilang araw na walang tamang kain. At mayroon po akong magandang balita, buntis po ang pasyente. So kailangan po ng dobleng pag-iingat sa sarili lalo na't may buhay na sa sinapupunan niya. Rinefer ko na siya sa OB-Gyne para mai-guide siya sa mga kailangang inuming vitamins. Yun lang po, sige mauna na ako." pagkasabi nun ng doktor umalis na agad siya.
Walang ni isa sa amin ang nakapagsalita agad. Lahat kami in shock sa mga narinig. B-Buntis ako? Ibig sabihin may nabuo sa nangyari sa amin ni Taehyung? Tumulo na naman yung luha ko. Nakakainis! Hindi na naubos-ubos yung luha ko.
Alam kong masama, pero ang una kong naisip eh ipalaglag yung bata. Alam kong krimen yun, pero tong batang nasa loob ko eh bunga rin ng isang napakalaking kasalanan. Hindi ko alam kung paano ko tatanggapin tong batang to knowing na pinsan ko yung tatay nito. Gusto kong dukutin ora mismo tong batang nasa tiyan ko. Nanginginig na naman yung buo kong katawan.
"H-Hindi... t-totoo yung sinabi ng... d-doktor diba?" sa wakas may nagawa rin akong sabihin.
"Totoo anak. Totoo lahat ng narinig natin." lumapit sakin si mama na umiiyak din at niyakap ako.
"HINDI! Hindi totoo yun! Sabihin nyong hindi totoo yung narinig ko!! Hindi ako buntis!! Hindiiiiiiiii!!!" halos magwala na ako kakasigaw.
Lalo namang hinigpitan ni mama yung pagkakayakap sakin. "Sshhh... Desiree kumalma ka. Sshhh."
"Nakakadiri! Nakakadiri ako!!" sinasabunutan ko yung sarili ko. "Ayoko na!! Nandidiri ako sa sarili ko!! Ayoko na!!" kinukurot ko yung braso ko, pinapalo ko yung tyan ko.
"Desiree tama na." inaawat na ako ni papa. "Tumigil ka na Desiree baka mapano yung bata." hinahawakan ni papa yung braso ko para hindi ko masaktan yung sarili ko. "Tumawag na kayo ng doktor! Bilisan nyo!" sigaw ni papa.
"Ayoko na pa!! Ayoko naaaa!" tuloy pa rin ako sa pagsigaw.
Maya-maya may dumating na doktor, may tinurok sakin at bigla na lang akong nahilo.
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to