Tahimik lang kami ni Jimin habang nasa sasakyan. Parang ang awkward tuloy.
"Ahm uuwi ka na ba agad pagkahatid sakin?" ako na lang yung unang nagsalita para mawala yung awkward silence.
Tumingin lang siya sakin sandali at binalik din yung tingin sa daan. "Oo. Wala naman akong ibang pupuntahan eh, bakit?"
"Wala lang."
Awkward silence na naman bago nagsalita ulit si Jimin. "Uhh Desiree..."
Tiningnan ko siya. Bakit pinagpapawisan siya eh may aircon naman? Tapos parang nanginginig yung binti niya. "Bakit?"
"Uhh... ang ganda mo ngayon..." sabi niya na hindi inaalis yung tingin sa daan.
Bakit parang uminit bigla yung mukha ko? tapos parang may kilig ng very light. Aba naman Desiree hindi ka ba kikiligin kapag sinabihan ka ni Park Jimin na maganda ka! Sa bagay Park Jimin na yan eh. "Ha ha ha lagi naman akong maganda ano ka ba!" sabay palo kunwari sa balikat niya. Ang peke ng tawa ko dun ah, ewan kasi nga kinikilig ako kaya siguro ganun.
"Will you run away with me?" bigla niyang tanong.
Hanudaw? "Ano?"
Para naman siyang nagulat na ewan. "Ah? Wala wala. Wag mo na lang ako pansinin nababaliw lang ako."
Nakarating na rin kami sa venue. Unang bumaba si Jimin at inalalayan akong bumaba, hinatid niya ako sa may lobby ng hotel.
"Uuwi ka na ba talaga?" tanong ko ulit. Ayoko kasi na umalis siya, kung pwede nga lang outsider baka sinama ko na siya.
"Ayaw mo ba ako umuwi?" tinawanan niya ako ng nakakaloko. "Sandali ka lang naman dyan. Tsaka okay lang mamiss mo ako kahit minsan."
Nag-init na naman yung mukha ko. Napapansin ko nga na ang clingy ko na kay Jimin, gusto ko siya laging kasama, tsaka komportable na ako sa kanya. Hindi ko na lang yung sinabi ni Jimin at pumasok na lang ako sa loob.
Pagpasok ko sa loob, hinanap ko yung table ng mga thesismate ko at dun umupo. Nasabi ko na ba na masquerade yung theme? Oo walang kamatayang masquerade yung theme ng grad ball namin na theme na yata ng lahat ng party. Maya-maya isa-isa silang nagtayuan kasi may nagyaya sa kanilang sumayaw kaya naiwan akong mag-isa sa table. Akala ko uugatin na ako dun sa table kakaupo, hanggang sa may nagyaya na saking sumayaw. Hindi ko siya kilala, hindi rin pamilyar yung mukha niya, pero pumayag pa rin ako. Mag-iinarte pa ba ako eh ito na nga lang yung nag-iisang nagtyagang isayaw ako.
Nilagay niya yung isa niya kamay sa waist yung at hinawakan yung kamay ko gamit nung isa pa niyang kamay."Hi, I'm Jim." pakilala nung kasayaw ko.
"Jim Jim ka pang nalalaman dyan. Paano ka nakapasok dito, Jimin?" oo si Jimin, kanina ko lang din napansin nung magkalapit na kami.
"Ano ba yan nakilala mo ako agad hahaha. Wala, pumuslit lang ako sa entrance, masquerade naman tong party nyo kaya madali lang."
"Bakit ka nandito?"
"Nakakaawa ka kasi walang nagsasayaw sayo, tsaka baka mamiss mo ako agad."
Nag-init na naman yung mukha ko, buti na lang naka-mask ako kaya hindi kita yung pagba-blush ko. Nakakainis! Napapadalas ang pagba-blush ko dahil kay Jimin ah. "Loko-loko ka talaga."
"Alis na tayo dito." yaya ni Jimin.
"Saan tayo pupunta? Tsaka bakit tayo aalis eh hindi pa naman tapos yung ball."
Huminto na siya sa pagsasayaw at binitawan na ako. "Sige ako na lang aalis. Tsaka hindi naman ako invited dito." tumalikod na siya at naglakad palabas. Aba bastos yun ah! Nang-iiwan na lang bigla sa gitna. Hinabol ko siya palabas, hinubad ko na rin yung sapatos ko mahirap na baka madapa ako mapano pa si baby ko.
"Hoy Jimin! Bakit bigla mo na lang akong iniwan?" hingal na hingal na ako buti naabutan ko siya.
"Tumakbo ka na naman? Sabi nang wag ka na takbo ng takbo at baka mapano ka. Tss. Bumalik ka na dun sa loob." tatalikod na dapat siya pero pinigilan ko siya.
"Eh bakit ka kasi bigla-biglang nang-iiwan?" parang tutulo na naman yung luha ko. Para kasing nalulungkot ako sa thought na "iiwan ako", tsaka sabi ni mama normal lang daw sa mga buntis ang maging maramdamin.
Hinawakan ako ni Jimin sa mukha. "Iiyak ka na naman." niyakap niya ako. "Sige na hindi na kita iiwan."
"Sasama naman kasi ako sayo eh..." niyakap ko na rin siya.
"Tara." kumalas siya sa yakap at hinawakan yung kamay ko hanggang sa makarating kami sa parking lot.
Nagdrive si Jimin hanggang sa may seaside. Bakit naman kaya kami dito pumunta? Konti lang yung tayo kaya tahimik na, kaya ang peaceful, ang lakas pa ng hangin, idagdag mo pa yung night lights na ang refreshing sa mata. Naupo kami dun. Sa mga ganitong moment lagi kong naalala si Taehyung, yung mga moment na sobrang tahimik paligid at ang mag-emote at mag-isip ng mga bagay-bagay . Kaya nga tuwing gabi pag nakahiga na ako sa kama hindi ako nakakatulog agad kasi ang dami kong naiisip, tapos bigla-bigla na lang akong maiiyak kasi namimiss ko si V.
Nung una walang nagsasalita saming dalawa ni Jimin hanggang sa magsalita siya. "Namimiss mo na ba si V?"
"Miss na miss."
"Mahal mo talaga siya 'no?"
"Oo."
"Paano pag natagalan siya bago bumalik?"
You hit me there Jimin. Biglang may tumulo na luha sa mata ko. Hindi siya matatagalan Jimin, kasi hindi na siya babalik. Naisip ko na naman kung paano na ako pag lumaki na yung tiyan ko, pag lumabas na si baby, pag naghanap na siya ng tatay. Paano ko papalakihin yung anak namin ng mag-isa?
Napansin siguro ni Jimin na hindi ako sumasagot. "Wag kang magalala babalik agad yun tsaka nandito naman ako eh."
Tiningnan ko siya. Sobrang laki talaga ng pasasalamat ko sa taong to.
"I mean, hindi naman kita papabayaan hangga't hindi pa dumadating si V."
"Salamat talaga Jimin."
"Wala yun." hinubad niya yung jacket niya at sinuot sakin, inilapit niya ako sa kanya at niyakap ako. "Baka lamigin si baby."
Napangiti lang ako. Ang tagal namin sa ganung posisyon, walang nagsasalita, nakatingin lang kami sa dagat.
Naisip ko lang na ang swerte ng babaeng mamahalin nito ni Jimin. Maalaga siya, komportable at masaya kasama, at syempre gwapo. May mahal na kaya to? Hindi siya masyadong nagkukwento tungkol sa kanya, matanong nga minsan.
Jimin's POV
I completely realize that I want to protect and take care of her.
![](https://img.wattpad.com/cover/14570032-288-k392332.jpg)
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to