24.

777 25 12
                                    

"Hindi ka pa ba babalik? Baka hinahanap ka na naman sa company." gabi na kasi. Baka mamaya hinahanap na naman siya.

"Hindi yan. Sasamahan muna kita dito."

"Hindi. Bumalik ka na dun, ayos lang ako dito. Meron kang ibang bagay na dapat intindihin kaysa sakin."

"Mas mahalaga ka na--"

Hindi ko na pinatapos yung sasabihin ni Jimin. "No. Okay lang ako dito. Babalik ka dun ngayon. Please."

"Tss fine. Basta babalik ako dito bukas ah. Tapos tumawag at magtext ka sakin."

"Opo. Sige na."

Tumayo na si Jimin at pumunta sa may pintuan. Sinundan ko lang siya mg tingin. Bago pa siya lumabas lumingon ulit siya and mouthed I love you.

Napangiti lang ako. "Sige na."

Nung makaalis na si Jimin, tahimik na naman dito sa bahay. Naisipan kong tawagan si mama.

(Hello, Des? Susunod kami dyan next week ah.)

"Ma... wala na yung baby ko..." bumalik na naman yung lungkot at pagsisisi ko. Sandali kasi siyang nawala nung pumunta dito at icomfort ako ni Jimin.

(Ano?! Paano nangyari yun? Bakit?) halata yung pagpapanic at pagaalala sa boses ni Mama, kaya lalong nag-unahan yung pagtulo ng luha ko.

Kinwento ko kay mama lahat ng nangyari. Hindi ko napigilan yung sarili ko na humagulgol habang nagkukwento kay mama. Masakit kasi talaga eh.

(Ssshh. Wag ka na umiyak, anak. Magpapabook na kami ng flight bukas ng papa mo para makapunta na kami agad.)

"Mama... ang sakit talaga..."

(Naiintindihan kita anak... Tumahan ka na. Magpahinga ka na muna, okay?)

"Sige po..."

Nung matapos yung pag-uusap namin ni mama, umakyat ako sa kwarto at pinilit matulog. Pero pagpikit ko pa lang ng mga mata ko, si Taehyung agad yung nakita ko. Si Taehyung na nakasmile, yung rectangle niyang bibig at yung eyesmile. Nakapikit lang ako habang iniimagine yung mukha ni V. Ang saya niya sa imagination ko. Kung pwede lang sana na ibalik yung dati. Ugh. Dinilat ko na yung mata ko. Bakit ba iniisip ko yun? Wala na si V, hindi na siya babalik. Kailangan ko ng tanggapin na hindi ko na ulit siya makikita. Si Jimin, andyan si Jimin, mahal niya ako. Dapat ituon ko na kang yung atensyon ko kay Jimin, kung tutuusin wala na akong hahanapin kay Jimin, full package na kumbaga. Kailangan ko lang talaga ng oras para makalimot at buksan ulit ng tuluyan yung puso ko para kay Jimin.

Gaya ng sabi ni Mama magpapabook agad sila ni Papa ng flight papunta dito sa Korea, kaya ilang araw lang nandito na sila. Pinatuloy sila ni Jimin dun sa unit niya, kaya I have no other choice kundi bumalik na rin sa unit ni JImmin. Good thing wala na ring media dun, so medyo safe na.

"Anak, okay ka na ba? Kumusta ka na? Alam kong mahirap yung pinagdadaanan mo." niyakap ako ni Mama.

Niyakap ko rin si Mama. "Okay lang po mama. Magiging okay din po ako."

"Kumusta na kayo ni Jimin dito?" tanong ni Mama.

Napatingin ako kay Jimin na nakatingin din pala sakin. Hindi kasi alam nila mama na may something na kami ni Jimin. "Okay lang naman po."

"Kayo na ba?"

Nagulat ako sa tanong ni mama. May alam na ba sila? "Po?!" Pati si Jimin halatang nagulat.

"Malay mo lang diba? Okay lang naman kung may namamagitan na sa inyo ni Jimin."

Nagkatinginan lang kami ni Jimin.

"Sige na nga magpapahinga na muna kami ng papa mo." tapos umakyat na sila ni Papa sa taas.

"Tara date tayo." yaya ni Jimin nung makaakyat na sila mama.

"Wala ba kayong practice ngayon?"

"Ayaw mo ba akong kasama?" bigla siyang sumimangot.

"Wag mo akong simangutan. Di ko naman sinabing ayaw ko."

Lumapit siya sakin habang nakangiti. "So gusto mo? Tara na!" hinila niya ako palabas ng unit.

"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko habang nasa kotse kami.

"May bucket list ka ba?" imbes na sagutin niya ako, nagtanong pa siya.

"Bakit mo tinatanong?" ang random naman kasi nung tanong niya.

"Basta. Meron nga?"

"Meron."

"Patingin."

"Bakit ba kasi?"

"Gagawin natin lahat ng nasa bucket list mo."

Medyo nahiya ako, kasi naalala ko yung mga sinusulat ko nun sa bucketlist ko. 4th year highschool ako nun nung gumawa ako ng bucketlist. Pero kinuha ko pa rin yung phone ko kung saan nakalista yung bucketlist ko. Pinakita ko sa kanya yung list, pero yung mga minor lang yung pinakita ko, nakakahiya talaga pag pinakita ko lahat.

*Kiss at the top of a ferris wheel

*Put on tattoos

*Sleep on a beach

*Be shut up with a kiss

*Tie messages on balloons and let them go

*Watch sunrise on beach

*Kiss underwater

*Dance under the star

*Have someone win me a huge stuffed animal

*Attach a lock on love bridge

"Ito lang?"

"Hindi. Madami pa."

"Okay. Tara gawin na natin tong mga to." Nagdrive siya hanggang sa makarating kami sa Namsan Tower.

Uh huh a sudden flashback. Bago kami umakyat sa tower, bumili si Jimin ng mga lobo, actually binili niya lahat ng tinda nung mama dun.

Binigyan niya ako ng papel at ballpen. "Isulat mo na yung message mo."

Kinuha ko yun sa kanya. Hindi ko alam kung anong message ang isusulat ko, hawak ko lang yung ballpen at nakatitig lang ako sa papel. Hanggang sa parang kusang kumilos yung mga kamay ko at nagsulat.

Taehyung, I love you. I miss you so much. Kahit imposible sana mabasa mo to para malaman mo kung gaano kita kamahal. Bumalik ka na please, gusto na kitang makita. I love you so so much.

Habang sinusulat ko yun, kasabay nun yung pagtulo ng luha ko. Rinolyo ko yung papel at tinali dun sa mga lobo. Bago ko bitawan yung mga lobo tumingin muna ako kay Jimin.

Niyakap ako ni Jimin. Alam na niya siguro kung bakit na naman ako umiiyak. "Time heals, Desiree. Time will come, all wounds will heal."

"Thanks..." pinunasan ko na yung luha ko at pinalipad yung lobo. Bahala na kung saan dalhin ng mga lobo yung message. Sana dalhin nila ito sa planeta ni Taehyung.

"Okay na?" tanong ni Jimin.

Tumango lang ako.

Hinawakan niya yung kamay ko at naglakad kami papunta dun sa maraming lock. Ito yung napapanood ko sa mga Koreanovela. Parang nag-light up yung mood ko nung makita ko yung makukulay na padlocks sa kabahaan ng tulay. "Wow! Mas maganda pala dito pag sa personal. Pinapanood ko lang to sa tv eh. Tingnan mo Jimin oh! Ang cute ang sarap sa mata, ang daming kulay. Bili tayo ng lock yung magandang kul---" and in a blink of an eye, we're kissing. Sa sobrang gulat ko nanlaki yung mata ko, kaya kitang-kita ko yung mukha ni Jimin na nakapikit. Ang ganda ng pilikmata niya, ang peaceful ng mukha niya, hindi ko maiwasang pagmasdan yung kabuuan ng mukha niya. And I found myself responding to his kiss.

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon