23.

739 27 13
                                    

"I know... sorry..." he said while hugging me.

"Uuwi na ako."

"No. Magpapahinga ka muna dito."

Kumalas ako sa pagkakayakap niya. "At sino ka para sabihin kung anong dapat akong gawin?! Uuwi na ako!" Tinanggal ko yung dextrose at kung anu-ano pang nakakabit sakin. Masakit. Nasasaktan ako. Hindi ko na alam kung anong gagawin ko ngayong wala na yung anak ko. Siya na lang yung meron ako, siya na lang yung tanging makakapagpaalala sakin kay V tapos ngayon wala na siya.

Nakaupo lang dun si Jimin, pinapanood lang niya ako.

Lumabas ako ng ospital ng naka-hospital gown pa. Pumara ako ng bus pabalik sa unit ni Jimin. Pinagtitinginan ako nung mga tao dun dagdag mo pa yung pag-iyak ko, pero wala akong pakialam sa kanila. Nasasaktan ako ngayon at hindi nila naiintindihan yun.

Pagbaba ko sa tapat ng building, umakyat agad ako sa unit ni Jimin, hindi ko na rin inintindi yung media na nagaabang dun. Inayos ko yung mga damit ko, nilagay ko ulit yun sa maleta ko, at nagbihis ako. Palabas na sana ako nung makasalubong ko sa may pintuan si Jimin.

"Saan ka pupunta?" nagaalala niyang tanong.

"Wag mo akong susundan." tuluyan na akong lumabas pero sumunod pa rin si Jimin.

"Saan ka ba kasi pupunta? Mag-usap tayo, Desiree." hanggang sa elevator sinundan niya ako.

Hindi ako nagsasalita habang nasa loob kami ng elevator.

"Desiree... mag-usap naman tayo."

"Hayaan mo na muna ako." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya.

"Okay. Kahit sabihin mo man lang sakin kung saan ka pupunta para hindi ako gaanong magalala."

"I said hayaan mo muna ako." bumukas na yung elevator at lumabas na ako. "Wag mo akong sundan please." sabi ko bago sumakay dun sa nakahintong bus.

Hindi na ako umiiyak, pero nakatulala ako, lumilipad yung isip ko, parang wala ako sa sarili ko. Buti nga nakarating ako sa resort ni V nang walang nangyayari sakin. Pumasok agad ako dun sa bahay. Nung tingnan ko yung paligid ng bahay, nagsimula na namang tumulo yung luha ko. Bumalik na naman lahat ng alaala ni V, mula umpisa hanggang ngayong mawala yung anak namin.

Umupo ako dun sa couch. Naalala ko yung mga nangyari samin ni V sa couch na to. Napangiti ako ng konti dun sa thought. Ang tagal ko ring nakaupo dun sa couch habang umiiyak. If I could just turn back time, dun sa mga panahong okay pa lahat, nung wala pang ganito.

Natigil ako sa pag-iisip nung may marinig akong ingay mula sa labas. Hindi ako umalis sa kinauupuan ko, nakatingin lang ako dun sa pintuan. Maya-maya biglang lumitaw si Jimin sa may pintuan.

"Bakit ka nandito?" pinunasan ko ying luha sa pisngi ko.

Dahan-dahan siyang lumapit at tumabi sakin. "Hindi kita pwedeng pabayaan."

"Pabayaan mo na lang ako."

"Hindi. At kahit magalit ka sakin hindi ako aalis sa tabi mo."

Hindi na lang ako sumagot. Hindi naman magpapatalo to eh.

Niyakap niya ako. "Sana makatulong to."

Naiyak na naman ako sa sinabi niya. "Ang sakit Jimin... nawala na nga si V... pati yung anak ko kukunin pa sakin..."

"Sige lang. Ilabas mo lang lahat yan."

"Pinatay nila yung anak ko..."

"Sino bang gumawa nito?"

Naalala ko na naman kung paano ako saktan nung mga babae kanina. Naalala ko kung paano ko makita yung mga dugo sa hita ko at wala akong magawa. "May mga babaeng  lumapit sakin... inaagaw ko daw kayo ni V sa kanila... sinaktan nila ako... pinatay nila yung baby ko."

"Tahan na..." hinahagod niya yung likod ko.

"Jimin napapagod na ako... pakiramdam ko wala na akong silbi... parang gusto kong magpahinga na lang..."

Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. "Nandito ako, mahal kita. Simula ngayon hindi ka na mapapagod kasi tutulungan na kita. Hindi kita iiwan."

"Jimin..."

Unti-unting lumapit yung mukha namin sa isa't-isa, hanggang sa magdikit yung mga noo namin.

"I love you, Desiree..." at naglapit yung mga labi namin.

Nung magising ako wala na sa tabi ko si Jimin. Baka nananaginip lang ako kagabi na nandito siya. Tumayo na ako at tiningnan na naman yung paligid ng bahay, nung makuntento na ako sa pagtingin sa paligid lumabas ako sa may beach. May nakita akong nakaupo na nakaharap sa dagat, likod pa lang alam kong si Jimin yun. So hindi ako nananaginip kagabi. Lumapit ako at tumabi sa kanya.

Tumingin siya sakin. "Gising ka na pala." nilapit niya ako sa kanya at inakbayan ako. "Tumawag nga pala sila tita kagabi."

"Si mama? Sinabi mo na ba yung nangyari?

"Hindi pa. Susunod na raw sila dito next week."

Napabuntong hininga na lang ako. Hindi pa nga pala alam nila mama yung nangyari.

Napansin siguro yun ni Jimin kaya mas hinigpitan niya yung pagkakaakbay sakin. "Magiging okay din ang lahat."

"Salamat, kasi hindi mo ako iniiwan."

"Sabi ko naman sayo diba na hinding-hindi kita iiwan."May kinuha siya sa bulsa niya at binigay sakin.

"Tahong? Anong gagawin ko sa tahong?" sa dami naman kasi ng pweseng ibigay sakin bakit tahong pa.

Napakamot siya sa batok. "Napulot ko lang yan kanina. Yan yung puso ko. Mula ngayon sayo na yan, ikaw na ang bahala kung anong gusto mong gawin dyan. At hindi mo na yan pwedeng ibalik sakin."

Napangiti ako habang tinitingnan yung tahong na hawak ko. Napaka-sentimental naman nitong si Jimin.

"Hindi ko na talaga ibabalik to. Akin na to forever."

Hinila niya ako palapit sa kanya. Sobrang lapit namin sa isa't-isa. "So iyo na ako forever?" bulong niya.

Ngumiti ako bago sumagot."Oo. Akin lang."

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon