Papasok ako sa suite ko galing sa shooting ng BTS, nang may mapansin akong note sa may pinto.
Meet me tomorrow. 7 PM. Namsan Tower.
-Do Min JoonAno to? Date? Ay pwe assuming ko naman. Pero bakit siya nakikipagkita? Ano bang gusto nitong taong to?
Bago pa ako makapasok sa loob ng suite, biglang nagring yung phone ko, unregistered number.
"Hello? Sino to?"
(Aasahan kita bukas.)
"Sino to?"
(Do Min Joon.)
"Ano bang kailangan mo sakin? Kung pipilitin mo pa rin ako na layuan si Taehyung, magsasayang ka lang ng oras."
(Sasabihin ko sayo lahat bukas. Pumunta ka.)
"Tss. Fine." pagkatapos ay binaba ko na yung phone ko.
Bakit ba pinipilit niya akong layuan si V? Meron ba akong dapat malaman?
*BZZT BZZT*
1 new message
FROM: Director
Balik pinas na tayo next week.Hindi ko namalayan yung panahon, magi-isang buwan na pala ako dito sa SoKor. Dapat ko na palang sulitin yung mga araw na makakasama ko si V.
Dialling Taehyung...
(Riri...) bakit parang ang tamlay ng boses niya. Siguro pagod na to. Wrong move yata ang pagtawag ko.
"Saan ka?"
(Dorm. Bakit?)
"Wala lang. Namimiss na kita."
(Hahaha kinilig ako, Riri.)
"Landi mo. Sige na matulog ka na. May sched ka pa bukas."
(On the way na ako. Hintayin mo ako sa lobby.)
"Huh? Papunta ka dito?! Dapat nagpahinga ka na. Nagtrabaho ka buong araw eh."
(Wag na madaming sinasabi, Riri. Bumaba na ka na malapit na ako.)
Lumabas ako ng suite ko at nag-elevator pababa ng lobby. "Ito na pababa na."
(Sige malapit na ako hintayin mo ako.)
"Okay."
(Ibaba mo na.) binaba ko naman na yung phone.
Mga 5 minutes akong naghintay sa lobby bago siya dumating. Nung makarating siya, halos bagsak na yung mata niya sa sobrang antok, kaya inalalayan ko siya.
"Sabi ko naman kasi sayo magpahinga ka na eh."
"Ayoko kasing namimiss mo ako, kaya pumunta ako." inakbayan niya ako.
"Tara sa taas." umakyat kami sa suite ko. Pagkapasok na pagkapasok namin humiga agad siya sa kama at ipinikit yung mata. "Dito ka matutulog?!" naiisip ko pa lang na matutulog kami ng magkasama dumudumi na utak ko eh. Ano ba babae ako, lalaki siya, mamaya...
"Oo. Tara tulog na tayo." nakapikit pa rin yung mata niya.
Mukhang wala namang gagawing masama sakin to, kaya lumapit na ako at tumabi sa kanya. Medyo awkward pa akong tumabi sa kanya.
Hinila niya ako palapit sa kanya at inunan sakin yung braso niya.
Dahan-dahan akong yumakap sa kanya.
"Riri..."
"Hmm?"
"I love you."
Napangiti ako bago sumagot. "I love you too."
"Hindi mo naman ako iiwan, Riri diba?"
"Babalik na ako sa Pilipinas next week." yung thought pa lang na magkakahiwalay na kami ni V nalulungkot na ako.
"Pupuntahan kita dun. Ibang iiwan yung ibig kong sabihin."
Dun ko lang nagets yung gusto niyang sabihin. "Bakit naman kita iiwan?"
"Mamaya hindi mo ko magustuhan."
"Magusutuhan na ano. Mahal na nga kita tapos magaalala ka pa na baka hindi kita magustuhan."
Humarap siya sa akin, so humarap na rin ako sa kanya. "Mamaya... wag na nga. Tara tulog na tayo." Niyakap niya ako.
Feeling ko may mali, pero tsaka ko na iisipin yun. Magkasama kami ngayon, ito yung dapat kong isipin.
Nagising ako dahil sa... body clock ko. Pagdilat ko ng mata ko, pagmumukha ni Taehyung ang nakita ko, katabi ko nga pala to natulog. Tulog pa rin siya, so inumay ko muna yung sarili ko kakatingin sa mukha niya. Mas gwapo siya sa personal at malapitan kaysa sa monitor. Napaisip tuloy ako, mahal ba talaga ako nito? Paano? Wala namang espesyal sakin. Siya si Kim Taehyung at ako? Sino ba ako? Isang hamak na Desiree Segovia lang naman ako. Pero kung iisipin, ang swerte ko kasi mahal ako ng isang Kim Taehyung. Sa dinami-dami ng fangirls na nagkakandarapa sa kanya sa iba't-ibang bahagi ng mundo, ako yung mahal niya.
"I love you..." bulong ko.
Nagulat ako nang bigla siyang dumilat at mabilis pa kay Flash na hinalikan ako sa labi. Napapikit na lang ako ng mata, wala gusto ko lang damahin yung moment. Nung matapos yung halik, pareho lang kaming nakatingin sa isa't-isa, walang nagsasalita. Siguro ilang minuto kaming ganun. Habang nakatingin sa kami sa isa't-isa feeling ko may gustong sabihin sakin si V, ewan o baka feeling ko lang yun. Gusto ko rin sanang sabihin sa kanya yung tungkol sa pagkikita namin mamaya ni Do Min Joon, pero natatakot ako.
Maaga ako umalis sa suite ko para pumunta sa Namsan Tower. Hindi ko na rin sinabi kay V yung tungkol dun, baka magalala pa yung tao eh busy siya. May tinext sakin si Do Min Joon na pangalan ng restau, doon daw kami magkita, so doon na ako dumiretso. Saktong 7pm nung dumating siya.
"Sabihin mo na yung sasabihin mo." sabi ko sa kanya pagkadating niya.
"Hindi man lang ba tayo oorder ng makakain?"
"Wag na. Busog ako."
Huminga siya ng malalim bago magsalita ulit. "Alam ko naiinis ka sakin ngayon. Tandaan mo, hindi ko to ginagawa in behalf of the company, ginagawa ko to para hindi na kayo mahirapan pareho."
"Ano? So hindi dahil sa company kaya mo ako pinapalayo sa kanya?"
"Hindi."
"So bakit?"
"Alam kong hindi ka maniniwala pero pakinggan mo. Familiar ka ba sa mga planeta sa labas ng solar system?"

BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to