Hyungie Taehyungie: I miss you, Riri...
Hyungie Taehyungie: I miss you, Riri...
Hyungie Taehyungie: I miss you, Riri...
Hyungie Taehyungie: I miss you, Riri...
Hyungie Taehyungie: I miss you, Riri...
Hanggang sa makabalilk kami ni Jimin sa unit nagrereplay pa rin sa utak ko yung nabasa kong message. Hindi ko na rin muna yun sinabi kay Jimin kasi baka hindi naman talaga si Taehyung yun.
Jimin Park: Don't play with me.
Ngayon ko lang nireplyan yung message.
Hyungie Taehyungie: I'm not playing with you, Riri.
Jimin Park: Who are you?
Hyungie Taehyungie calling..
Sht tumatawag siya. Si V ba talaga to? Sa bagay kung hindi si V to wala siyang lakas ng loob na tawagan ako.
Kahit kinakabahan ako sa pwede kong makita sinagot ko pa rin yung video call. Pero bago pa lumabas yung video biglang nawalan ng internet.
Ay pucha! Paasa! Nakahinga ako ng maluwag at the same time nadisappoint nung nawalan ng internet.
Binitawan ko na lang yung phone ko at nagbukas ng tv. Mukha agad ni Jimin at V yung bumungad sakin, sila yung laman ng news? Binasa ko yung subtitle.
V and Jimin: No longer part of BTS.
Huh? Si Jimin? Bakit? Kung si V maiintindihan ko pa, pero si Jimin? Hindi naman pwedeng magkamali ang balita? Meron bang hindi sinasabi sakin si Jimin?
Sakto namang papunta dito sa pwesto ko si Jimin. "Anong ibig sabihin nito?" tanong ko habang nakaturo dun sa binabalita sa tv.
Hindi niya magawang tumingin sakin ng diretso.
"Jimin! Ano to?!" nag-iinit na yung ulo ko.
"Nag-quit ako."
Hindi ako makapaniwala sa sinagot niya. Ang akala ko tinanggal siya. Pero lalong nag-init yung ulo ko sa sagot niya. "Bakit ka nag-quit?"
"Wag mo nang tanungin." tumalikod na siya sakin at akmang aalis.
"Park Jimin! Sumagot ka!" napatayo na ako sa kinauupuan ko. Hindi ko maiwasang mag-assume na ako yung dahilan kasi nung sinabi niyang nagquit siya unang pumasok sa isip ko yung panaginip ko. Yung panaginip ko na hindi daw ako makakabuti para kay Jimin. "Please."
Bumuntong hininga siya bago humarap sakin. "Ayoko kasing nasasaktan ka nang dahil sakin o kaya dahil sa fans."
I knew it. Ako nga yung dahilan. Ako naman yung napabuntong hininga. "Jimin, wag. Wag mong gawin to para sakin. Pumunta ka sa company at bawiin yung sinabi mo."
"Pero ayoko nang maulit yung nangyari sa baby mo. Hindi ko kayang nakikita kang nasasaktan."
"No Jimin. Career mo yun. Pangarap mo. Ang tagal mong pinaghirapan yun tapos ipagpapalit mo lang sa babaeng kailan mo lang nakilala."
Hinawakan niya yung dalawa kong kamay. "Hindi ka babae lang, Desiree. Ikaw yung babaeng mahal ko."
"Kahit na. Jimin please wag mong i-give up yung pangarap mo."
"Paano pag may nangyari ulit na masama sayo?"
I gave him an encouraging smile. "Nandyan ka naman diba? Babantayan mo ako, hindi mo ako papabayaan."
Ngumiti siya. And it means everything's settled.
Tumunog yung doorbell, ako na yung pumunta sa may pintuan para buksan yung pinto. Pero halos manlambot yung tuhod ko nung makita ko kung sino yung nakatayo dun sa may pintuan. Si Taehyung. Nandito si Taehyung. Bumalik siya. Gusto kong lumapit sa kanya at yakapin siya pero parang may pumipigil sakin.
"V..." narinig ko na lang na nagsalita si Jimin sa likuran ko.
Parang naninigas yung katawan ko. Hindi ko magawang kumilos. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Parang hindi ko naisip kung anong dapat kong gawin kapag nangyari to.
"Are you two dating?" tanong ni Taehyung.
Wala ni isa samin ni Jimin yung nakasagot.
"I guess the answer is yes. Kinalimutan mo na ba ako agad, Desiree?" yung tono ng boses niya nakakatakot. "Bumalik ako. Pinilit kong bumalik dito kasi akala ko may babalikan pa ako, pero sa tingin ko wala na."
"T-Taehyung..." nanginginig na yung boses ko. Naiiyak na ako.
"Tanga rin ako e. Pinabantayan kita kay Jimin without thinking na pwede nga pala kayong mahulog sa isa't-isa. Akala ko kasi ako lang talaga yung mahal mo, kasi nung gabi na nagpaalam ako sayo naramdaman ko na ako pa rin yung mahal mo, na ako talaga yung mahal mo. Sige na aalis na ako. Best wishes na lang sa inyong dalawa." tumalikod na siya at naglakad palayo.
"Habulin mo siya." sabi ni Jimin na nasa likuran ko pa rin pala.
Humarap ako sa kanya.
Ngumiti siya sakin at tumango. "Sige na. Okay lang."
Hindi ko alam kung tatakbo ba ako o mag-i-stay. Kasi pag tumakbo ako ibig sabihin tinatalikuran ko si Jimin, pag nagstay naman ako si Taehyung tatalikuran ko.
And I found myself running after Taehyung. "V!"
Huminto siya nung marinig ako, pero hindi siya humarap sakin.
I automatically hug him from behind. "Taehyung... Miss na miss na kita..."
Hindi siya sumagot.
"Akala ko hindi ulit kita mayayakap ng ganito. Akala ko hindi na kita makikita ulit."
"Kaya naghanap ka ng bago." he said bitterly nang hindi pa rin humaharap sakin.
"Taehyung..."
"Don't try to explain, Desiree. Okay na. Diba kaya ka nga nakipaghiwalay sakin nun kasi sabi mo nga si Jimin yung mahal mo, sadyang umasa lang talaga ako na ako yung mahal mo."
Hinarap ko siya sakin. Nagsisimula na rin akong maiyak. Hindi ko kaya na ganito ka-cold sakin si V. Hindi ko na alam, pati ako hindi ko na maintindihan yung nararamdaman ko. "Wag ka namang ganyan, V."
"Ayaw mo na ganito ako pero okay lang na ganyan ka. Sagutin mo nga ako, mahal mo ba si Jimin?"
Hindi ko alam. Hindi ko alam yung isasagot ko. "V..."
"Just answer me."
"Masaya ako kapag kasama ko siya..."
"Yes or no."
"I love him... and you."
"That's bullshit, Desiree! That's bullshit!" tinalikuran niya ako at tuluyang umalis.
Naiwan ako dung gulong-gulo pa rin. Yes. This is bullshit. I'm bullshit.
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to