4.

1.4K 45 8
                                    

"Dito ka lang, Riri. Aakyat lang ako sa taas. Hintayin mo ako sandali lang ako ah." paalam sakin ni Taehyung. Iniwan niya ako sa lobby ng building nila para umakyat sandali sa practice room.

Habang naghihintay sa lobby, kinuha ko yung phone ko at pinicturan yung logo ng bighit hahaha tapos pinost ko sa ig.

"You are not Korean, right?" may lalaking naka-suit ang tumabi sa akin. Ang gwapo niya pakingshet. Siguro matanda lang sa akin to ng ilang taon.

"Uhmm yeah."

"Pilipino ka, tama ba?" tanong niya.

Nagulat ako nung nag-tagalog siya tapos ang fluent pa. "Pilipino ka rin?"

"Haha nope. Korean ako pero fluent ako mag-filipino."

"Ah... Paano ka natuto?"

"I've been in different countries, so natutunan ko rin yung language nila, including Philippines."

"Oh." wala na akong ibang masabi eh. Tiningnan ko yung direksyon ng elevator kung pabalik na si V, pero wala pa. Nung haharap na ulit ako sa kausap ko bigla siyang nawala. Saan naman nagpunta yun? Ang bilis naman umalis? Bakit di ko namalayan?

"Riri, tara na." tumatakbo si V palapit sakin.

"Saan tayo pupunta? V, lagi na lang tayong magkasama, parang hindi ka na yata nagpapractice."

"Gusto lang kitang makasama."

"Hindi. Magpapractice ka ngayon. Ilang araw naman na tayongagkasama, magpamiss ka naman."

"Gusto ko lang naman makabawi dun sa mga panahon na hindi tayo magkasama. Tsaka ilang linggo lang aalis ka na naman."

"Hyungie~~ Please. Wag mo irisk yung career mo para sakin. Sige na."

"But you're worth the risk. Okay fine. Sumama ka na lang sa shooting ng mv."

"Sige mas okay yun kaysa naman hindi ka talaga umattend. Kailan? Saan?"

"Tara na." hinila niya ako papasok sa kotse papunta sa isang parang abandoned building. Dun yata ishoahoot yung mv. Pagdating namin nandun na lahat ng staff, si V na nga lang yata ang wala.

"O V akala ko di ka makakapunta?" tanong ni Jimin.

"Wala eh, pinilit ako ni Riri pumunta."

"Dapat kasi binabatukan nyo minsan to, napapriwara na. Date na lang ng date ang gusto." sabi ko.

"Akala kasi namin gusto mo siyang kasama." sabi ni Jhope.

"Oo nga. Eh kaso naman hindi na siya umaattend ng practice. Mas gusto kong makita si V sa harap ng monitor na kumakanta kaysa kasama ko nga pero kinakalimutan yung responsibilidad sa grupo."

"Ayos naman pala to si Desiree, may pakialam sa future ni V." Rapmon.

"Syempre future namin yun!" singit na naman ni Taehyung.

Nagsimula na yung shooting nila, so naupo na lang ako sa isang tabi.

"Gaano kayo kalapit ni V sa isa't-isa?" biglang may nagsalita sa tabi ko, yung lalaki na nakausap ko sa lobby na biglang nawala.

Kailan pa siya nandyan? "Ah ha ha ha kanina ka pa ba dyan? Para kasing wala ka naman dyan kanina." tanong ko.

"Kanina pa ako dito."

"Ha ha ha  baka namamalikmata lang ako. Anyway, ano nga palang pangalan mo?"

"Do Min Joon."

"Oh nice to meet you. Desiree. Desiree Segovia."

"I know."

"Huh? Alam mo?"

"Ah nevermind. By the way, gaano nga kayo kalapit sa isa't-isa ni V? Kayo ba?" tanong niya. Bakit ba siya curious? Taga media ba to na naghahanap ng bagong ibabalita?

"Hindi. Bakit?" Sagot ko. Hindi naman talaga eh.

Papalapit na sa amin sila V, tapos na yata sila sa first scene.

Nagbow silang pito kay Do Min Joon. "Annyeong haseyo Do Min Joon, hyung."

Medyo nagulat ako dun kasi kilala nila si Do Min Joon. Sa bagay baka kilala nga nila kasi sa lobby ko to unang nameet, tapos ngayon dito sa shooting.

"Annyeong." Casual na bati sa kanila ni Do Min Joon.

"Bakit kayo magkausap, Desiree?" tanong ni Suga.

"Don't worry guys ako ang unang kumausap sa kanya." sagot ni Do Min Joon.

Halatang nagulat silang lahat nung magsalita si Minjoon.

"And yes guys marunong akong magtagalog kaya wag na kayong magulat." pagpapatuloy niya.

"Bakit po pala kayo napadalaw dito sa set?" tanong ni Rapmon.

"Uhh may meeting ako sa kabilang building, tapos naalala ko na dito pala yung shoot nyo so dumaan na ako."

"Anak siya ng CEO ng BigHit, siya ang susunod na CEO kaya ganun." bulong sakin ni V.

Woah. So all this time nakikipag-usap pala ako sa susunod na CEO ng bighit.

Bumalik na sila sa shoot, so naiwan na naman kami ni Mr. FutureCEO, yan tuloy medyo na awkward na ako sa kanya.

"Layuan mo na si Taehyung."pag-uumpisa niya.

"Huh?"

"Hindi ka naman bingi diba?" bakit parang biglang nag-iba siya? Kanina ang bait niya lang tapos ngayon parang aburido na. "Dadating ang araw na iiwan ka rin niya kaya ngayon pa lang layuan mo na siya."

"Akala ko ba ayos lang sa company na makipagdate si V? Bakit ngayon pinapalayo mo ako sa kanya?"

"Hindi ka makakabuti sa kanya. Ikaw ang magiging hadlang sa mga responsibildad niya."

"Hindi naman--"

"Gawin mo na lang yung sinabi ko kung ayaw mong mapahamak."

"Tss." tiningnan ko si V. Nung ibabalik ko na yung tingin kay Do Min Joon, wala na siya.

Saan nagpunta yun? Ano bang pinagsasabi nun? Ang labo niya.

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon