7.

1K 42 2
                                    

Last three days na lang pagi-stay ko dito sa Korea. Kailangan ko ng lubusin para sulit. Ni hindi ko nagawang libutin yung buong city maliban na lang nung pumunta ako sa Namsan Tower. Hindi ko nagawang makapag-fangirl, what I mean is makapunta sa fansigning event and the such, syempre exception dun yung BTS kasi lagi ko silang kasama so I guess kailangan kong simulan ngayon bago pa maubos yung oras ko.
Nagcheck muna ako ng mga accounts ko bago bumangon. What happened to Taehyung? I don't know, after that night hindi ko na siya cinontact, a step away from him. I think this is the right thing to do, ang lumayo na sa kanya tutal babalik naman na ako sa Pinas at aalis na rin siya after three months, but he's still reaching up, pero hindi ko sinasagot yung mga text at tawag niya, and I also ditch him sa tuwing nasa lobby siya ng hotel. Pagbaba ko sa lobby para maglakwatsa sa city, nakita ko si Taehyung na naakaupo sa waiting area, sinundan niya ako nung makita niyang palabas ako.
"Riri! Desiree! Wait!" hinawakan niya ako sa braso. "Why are you doing this? Okay naman tayo last time ah."

Napakagat ako ng labi. Dama ko ko kasi yung eagerness niya na maging okay kami kahit na hindi niya alam yung dahilan kung bakit ako nagkakaganito.

"Yun pa rin ba? Yung pagsigaw ko sayo last time?"

"Hindi yun V..."

"Then what? Tell me."

Gusto ko lang masanay na wala ka. Para kapag umalis ka hindi na masyadong masakit. Oo tama yun nga. Pero hindi ko yun sinabi.

"Tell me please..."

My tears fell when I heard him plead. No Taehyung. Don't do this. Humarap ako sa kanya, seeing him almost cry breaks my heart. Sasabihin ko na ba sa kanya na alam ko yung totoo niyang identity? Na gusto kong bumalik siya sa kung saan man siya galing at wag na akong isipin dahil mas hindi ko kakayanin kapag tuluyan siyang nawala.Gusto ko ng itigil tong drama ko na paglayo-layo sa kanya, because God knows how much I missed him and how much I wanna be with him.
I hugged him. "Sorry... I'm really sorry..."

"Bakit ka nagsosorry?" niyakap niya rin ako.

"For doing this..."

Bumitaw siya sa pagkakayakap. Hinawakan niya ako sa pisngi. "Tell me, what happened?"

"Nag-usap kami ni Do Min Joon."

"And?"

"We talked about you."

Yung reaksyon ng mukha niya parang alam na niya yung pinag-usapan namin. "Natakot ka sakin?"

"No! Why would I? Natakot lang ako na iwan mo ako."

"Pero hindi ko gagawin yun. Hindi ako aalis. Hindi kita iiwan."

"Pero paano ka? Mapapahamak ka kapag hindi ka bumalik sa inyo."

"This is where my home is. If I die, so be it."

"Hindi ka pwedeng mamatay! At tsaka yung responsibilidad mo, paano yun?"

"My sister can handle that."

"Taehyung..."

Nilagay niya yung daliri niya sa labi ko para patigilin ako. "Don't think too much, okay? Let's not talk about this."

Tumango na lang ako para mapanatag siya.

Hinila niya ako para tuluyang makalabas ng building.

"Saan tayo pupunta?"

"Date." pumunta kami sa parking lot.

"Saan naman tayo magdedate?"

"Fansigning event ng EXO." sumakay kami sa kotse niya at pinaandar yun.

Seriously? Date sa fansigning event ng EXO? Anong klaseng date naman yun? Sa bagay yun naman talaga ang original plan ko. "Seryoso ka?  Okay lang ba? Maraming tao dun." baka kasi hindi siya komportable dun.

"Bakit gusto mo ba yung tayong dalawa lang? tumingin siya sa akin at ngumiti ng nakakaloko.

Nakatikim naman siya ng batok sa akin. "Gago! Ang dumi ng utak mo."

Sinalo niya yung kamay ko at hinalikan ito.

Namula ako sa ginawa niya kaya tumingin na lang ako sa bintana para hindi niya makita yung mukha kong para ng kamatis.

"Hindi ka ba natakot nung nalaman mo yung totoo kong identity? tanong niya habang nakahawak pa rin sa kamay ko. Humigpit yung hawak niyanung tumingin ako sa kanya. Parang kinakabahan siya sa isasagot ko.

"Natakot? Hindi nga sabi diba? Sinabi ko na sayo yun kanina eh." paga-assure ko. "Pero nagulat talaga ako. Hellooooo malay ko ba na totoo pala talaga yung existence ng mga alien."

Lumuwag na yung pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Hindi mo ba ginagamit yung powers mo dito? Sa dami nun kayang-kaya mo nang sirain ang Earth."

"That's the reason kaya hindi ko ginagamit yung kakayahan ko, pwede akong makasakit ng tao or worse masira ko yung Earth. Pero ginamit ko ang isa sa mga kakayahan ko once, nung gabi na pumunta ako sa suite mo, yung nag-away tayo."

"I know. Nagteleport ka."

"Yes. Nag-alala lang naman kasi talaga ako sayo nun."

May naisip ako."Wag na lang tayong pumunta sa fansigning event." sabi ko. Three days na lang naman ako dito, at gusto kong sulitin yun kasama siya. "Bring me somewhere."

Ngumiti siya. "Yes, my princess."







roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon