Ang sakit. Ang sakit-sakit yung nakita ko nga siya sa huling pagkakataon, pero hindi ko naman nasabi sa kanya kung gaano ko siya kamahal. Nung mag-isa na lang ako dun sa bench, lalong lumakas yung pag-iyak ko. Taehyung naman eh! Bakit hindi mo man lang ako pinagsalita? Bakit umalis ka agad? Kahit sana mga 5 seconds lang sana nagstay ka pa para nasabi ko sayo na mahal na mahal din kita.
Nakita ko si Jimin na tumatakbo papunta sakin. "Bakit ka nandito? Baka mamaya mahamugan ka pati si baby, teka umiiyak ba?" nagaalalang tanong ni Jimin. "Bakit ka umiiyak? Anong nangyari sayo?" hinagod niya yung likod ko.
Niyakap ko na lang si Jimin at umiyak nang umiyak. "J-Jimin... si Taehyung... h-hindi na siya babalik... h-hindi ko na siya makikita kahit kailan..." humahagulgol na ako habang nakayakap ako sa kanya. Basang-basa na nga yung damit ni Jimin.
"Bakit? Tara umuwi na tayo." inalalayan niya akong makatayo at maglakad hanggang sa kotse.
Iyak pa rin ako ng iyak habang nagdadrive si Jimin papunta sa bahay.
Bigla niyang tinabi at hininto yung sasakyan. "Ano ba talagang nangyari? Sabihin mo sakin" bakas pa rin yung pagaalala sa mukha niya.
Pinilit kong kalmahin yung sarili ko bago sumagot. "Si V... Nakita ko si V kanina... Nagpaalam siya... Hindi na siya babalik... Hindi ko na siya makikita ulit." kahit anong pagpipigil ko tumulo pa rin yung luha ko.
Niyakap ako ni Jimin. "Ssshh. Wag ka na umiyak please. Nandito ako. Aalagaan kita."
"J-Jimin..."
Humarap siya sakin. "Hindi kita papabayaan, Desiree. Pagdating natin ng SoKor magsisimula ka ulit... y-yung wala na si V." ako lang ba o parang nag-alangan siyang sabihin yung huli.
"Mahirap yun Jimin. Mahal ko si V, siya yung tatay ng baby ko. Paano ko siya makakalimutan?"
Tiningnan niya ako ng diretso sa mata. "Ako. Nandito ako Desiree. Hayaan mo akong tulungan ka na kalimutan si V..."
"Ano bang sinasabi mo?" seriously, bakit niya to sinasabi sakin?
"Please. Hayaan mo akong alagaan ka. Hayaan mo akong... mahalin ka."
Literal na napanganga ako sa sinabi niya. "W-What?" ano ba tong sinasabi niya?
"Hindi ko alam kung kailan at paano to nagsimula, pero nasasaktan ako kapag binabanggit mo kung gaano mo kamahal si Taehyung, nasasaktan ako kapag nakikita kang malungkot. Hindi ko alam, Desiree, kusa ko na lang naramdaman."
"J-Jimin..." sa sobrang dami niyang sinabi hindi ko na alam kung anong isasagot ko.
"Alam ko na hindi ko mapapalitan si Taehyung dyan sa puso mo, pero gagawa ako ng sarili kong space sa puso mo." ngumiti siya at inistart yung kotse. "Uwi na tayo. Maaga ka pa gigising para sa graduation mo."
Hindi na ako sumagot at hinayaan siyang magdrive hanggang sa bahay. Umakyat agad ako sa kwarto ko nung makarating kami sa bahay. Humiga ako sa kama at tumitig sa kisame. Ilang oras lang ang lumipas pero ang daming nangyari. Mindfcked ako dun ah. Pero mas naiisip ko yung mga sinabi ni Jimin, siguro dahil medyo nailabas ko na yung feels ko sa nangyari kay Taehyung, kaya si Jimin yung naiisip ko ngayon. Naalala ko yung mga mata ni Jimin habang sinasabi niya sakin yun, nakita at nararamdaman ko na totoo yung mga sinabi niya, wala naman akong trust issues, at tsaka sa halos isang buwan na kasama ko si Jimin sa isang bahay alam ko na mabuting tao siya.
Gusto ko siya. I mean, gusto kong itry pero ayoko siyang gamitin, kasi sa kahit anong anggulo lalabas na gagamitin ko lang siyang rebound at hindi ko kayang gawin yun lalo na kay Jimin. Napaisip tuloy ulit ako kung sasama ba talaga ako kay Jimin sa Korea.
play video --->
Kinabukasan, sama-sama kaming pumunta sa venue ng grad ceremony, kasama rin si Jimin. Dala na nga nya yung mga luggage namin. Biglang naging awkward yung atmosphere naming dalawa.
"Anak, graduate ka na. Salamat sa Diyos at napatapos din kita." umiiyak si Mama at niyakap ako. "Mag-iingat kayo ni Jimin sa Korea a. Susunod kami dun. Jimin, ikaw nang bahala sa anak ko ah." tumingin si Mama kay Jimin.
"Opo tita."
"Alagaan mo tong anak ko pati yung apo ko." maluha-luha pa rin si mama. Nasa loob kami ng sasakyan papunta sa airport, si papa yung nagda-drive tapos nasa passenger seat si Jimin, kaming tatlo ni mama at ate nandito sa backseat.
"Ako pong bahala tita." sagot ni Jimin.
Tumingin ako sa sa salamin sa harap, nakatingin din pala si Jimin kaya nagtama yung mga mata namin. Ako na lang yung unang umiwas ng tingin. Awkward pa rin talaga. Mula kagabi hanggang ngayon bigla akong nagdalawang-isip kung sasama ba talaga ako.
Nung makarating kami ng airport, we bid our goodbyes at pumasok na kami ni Jimin sa departure area.
"Kung ayaw mo pwede ka pang umatras." sabi ni Jimin habang nakaupo kami at hinihintay na tawagin yung flight namin. "Hindi kita pipilitin. I'll just wait for the right time."
Hinawakan ko yung kamay niya. "I'll run away with you." ito na naman yung bibig ko, deciding for me again. Hindi ko alam, pagdating kay Jimin nagugulat na lang ako sa mga lumalabas sa bibig ko.
Ngumiti siya, kasabay nun ay pagtawag sa flight namin. Hindi na niya binitawan yung kamay ko. Magkahawak kami ng kamay hanggang makasakay ng eroplano.
Sandali lang bago mag-take off nakaramdam agad ako ng antok. Sa bagay, wala pa akong tulog mula kagabi. Nagsimula na akong maghikab nang maghikab.
Napansin yata yun ni Jimin kaya sinandal niya yung ulo ko sa balikat niya. "Matulog ka muna."
Pinikit ko na yung mata.
"Thank you for running away with me."
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to