25.

723 22 4
                                    

Humiwalay na si Jimin at hinawakan ako sa magkabilang pisngi.

Sht nakakahiya, baka sabihin niya nasarapan ako masyado kaya hindi ako huminto.

Magkadikit yung mga noo namin."I can kiss you all day."

Di ko maiwasang magblush. Okay I admit it, kinilig ako sa sinabi niya. Hellooo~ sino bang tuod ang hindi kikiligin sa sinabi niya?

"You're blushing. Does it mean I have an effect on you?" tanong niya habang nakangiti.

"You always have that effect on me."

Ngumiti lang siya, may inabot siyang lock mula dun sa bulsa niya. "Oh. Anong ilalagay mo dyan?"

"Basta." kinuha ko yung pentel pen sa kamay niya at nagsimulang magsulat.

05.06.14

PJ <3

Nilock ko na yun dun at nilagay yung susi sa box.

"Tara na." ako na yung humila kay Jimin na nanonood lang sa ginagawa ko. "Saan next stop natin?"

"Amusement park." bumitaw siya sa pagkakahawak ko at inakbayan ako.

3 things down.

Nagdrive ulit kami papunta sa Amusement Park. Pagdating namin dun, para akong bata na ngayon lang nakapuntang amusement park. This is not my first time pero sobrang ganda nito kumpara sa mga nasa Pilipinas. Ang laki, ang daming booths, tapos ang tataas ng rides mukhang ang sarap sakyan lahat.

"Let's go. Ikukuha pa kita ng malaking stuffed toy." hinawakan niya yung kamay ko at pumunta dun sa booth na may malalaking stuffed toys, ito yung gusto ko, mga human size.

Naalala ko tuloy nung highschool ako, naiinggit kasi ako nun sa kaklase ko nung binigyan siya ng malaking teddy bear nung boyfriend niya nung valentine's. At dahil nga inggitera ako, nilagay ko yun sa bucketlist ko, na kapag may lalaki na magbibigay sakin ng malaking stuffed toy dapat maging kami, syempre exception kapag kaibigan ko.

Sobrang highschool na ng ganun, pero ito kinikilig ako kasi kukuha si Jimin ng malaking stuffed toy para sakin.

Lumapit na si Jimin dun sa pwesto kung saan niya tatarget-in yung mga G.I Joe gamit yung toy gun. Hahahaha potek lakas naman makaperya nito. Hindi talaga naluluma yung mga ganitong gimik eh.

First shot. No good.

Second and third shot. Bull's eye.

Fourth to sixth. No good. Uh huh mukhang hindi makukuha ni Jimin yung prize sa unang try ah. Kailangan niya ng anim na bull's eye para makuha yung prize, sa kaso ngayon mas marami pa yung sablay eh.

Seventh to nineth shot bull's eye lahat. Waaaaaaa! Isa na lang. Kailangan niyang matamaan yung last piece para makuha namin yung malaking stuffed toy.

Huminga muna siy ng malalim bago pumosisyon ulit. Akala mo snipper siya kung maka-emote eh.

Ayan na! Titirahin na niya! Sana matamaan ni Jimin. Sana matamaan.

Pero bago niya kalabitin yung gatilyo, humarap siya sakin. "Wala man lang ba akong goodluck kiss?"

"Huh?! Wag ka ngang ano dyan!" tumingin ako sa paligid. Wala nga palang makakaintindi samin dito.

"Dali na please." tapos nagpout siya sa harap ko. Ano ba Jimin? Halikan talaga kita dyan eh.

Dun naman ako napatingin sa nagbabantay ng booth, nakakahiya kaya. Nakangiti siya samin.

"Jimin ano ba nakakahiya! Tamaan mo na lang yan dali." tinuro ko yung last piece na kailangan niyang tamaan.

"Ano ba yan..." nakasimangot niyang binalik yung atensyon dun sa target niya.

Luh! Itsura nito. Mukhang baby na pinapaiyak. Naawa naman ako kaya hinila ko siya palapit sakin at kiniss siya sa cheeks. Naawa lang talaga ako, hindi ako nag-take advantage.

Nagulat yata siya kaya bigla niyang nakalabit yung gatilyo nung baril. At ayun hindi niya natamaan. Halos sabay na bumagsak yung mga balikat namin nung makita naming hindi natamaan yung last target.

"Hindi ko natamaan..." pero mukhang siya yung mas nalugi saming dalawa.

"Okay lang yan. Next time na lang." tinap ko pa yung likod niya para kahit papano mapagaan yung loob niya. Syempre kahit ako nanghihinayang din.

"Tara na nga." hinawakan niya yung kamay at naglakad kami papunta dun sa may entrance ng ferris wheel.

Nung makapasok na kami, magkaharap kaming umupo. Medyo awkward kasi pareho kaming hindi nagsasalita. Alam kasi namin pareho kung ano yung pakay dun sa ferris wheel. Nagsimula nang umandar yung ride, nakikita ko na yung night light ng city. Sobrang ganda nung effects nung light. Hanggang sa marating namin yung tuktok kung saan kitang-kita na talaga namin yung buong city. At sakto namang paghinto nung ride.

Biglang hinawakan ni Jimin yung kamay ko at tumabi siya sakin. "Close your eyes."

"Bakit? Eh ang ganda nung view oh."

"Close your eyes." pag-uulit niya.

So pinikit ko na lang yung mga mata ko.

"I love you. Ilang beses ko nang sinabi yun, right? Willing akong maghintay hanggang sa dumating yung time na ako na yung mahal mo. Pero ngayon, alam ko na siya pa rin, siya pa rin yung laman ng puso mo... Hindi ko alam kung anong mararamdaman mo sa gagawin ko, pero for the mean time isipin mo ako si V. Isipin mo na si V yung kasama mo dito sa ferris wheel at kasama mong gagawa ng nasa bucketlist mo, kasi alam ko na sa simula pa lang si V yung gusto mong kasama na gumagawa ng mga yun. Just imagine..."

Habang nakapikit ako, naiimagine ko nga si V. Miss na miss ko pa rin siya. Nakakainis ka naman Jimin pinaalala mo na naman si Taehyung sakin. At nakakainis ka lalo kasi sinasaktan mo yung sarili mo. Panahon lang naman, konting panahon na lang matututunan na kitang mahalin. Naramdaman ko na lang na may mainit na labi ang dumikit sa labi ko. Iba yung epekto nito kaysa sa ibang halik sakin ni Jimin. Oo hindi si V yung naimagine ko sa halik na yun kundi si Jimin pa rin, yung maamo niyang mukha habang nakapikit. Perfect yung setting sa imagination ko, top of the ferris wheel, night light view of the city, and Jimin kissing me. So perfect.

Jimin's POV

"May mga babaeng lumapit sakin... inaagaw ko daw kayo ni V sa kanila... sinaktan nila ako... pinatay nila yung baby ko." nung marinig ko yun mula kay Desiree parang nagdilim yung paningin ko. Kaya pala sinisisi niya ako kasi fans namin ang may gawa nun sa kanya.

Nung pinauwi ako ni Desiree, sa company ako dumiretso. Hindi ko pinansin yung mga tao sa labas ng building, dire-diretso ako sa office ni Mr. Kwon. "Ayoko na. Pati yung taong mahal ko nasasaktan na dahil sa career ko. Ayoko na. I quit. Wala akong pakialam kung makasuhan ako. Ayoko lang na nangyayari to kay Desiree." tuloy-tuloy kong sabi. Hindi ko na siya hinintay na makasagot, lumabas na agad ako ng opisina niya.

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon