19.

840 31 3
                                    

Desiree's POV

"Hindi mo pa ba aayusin yung mga gamit mo?” tanong  ko kay Jimin. Pinapanood niya lang kasi ako habang inaayos ko yung mga gamit sa maleta. Bukas na kasi yung flight namin papuntang Korea. Right after the graduation, diretso na kami sa airport.

Sabi ni mama susunod na lang daw sila sa Korea para sa celebration ng graduation ko. Nakakahiya na kasi kay Jimin kung mag-i-stay pa siya dito ng mas matagal tsaka tinatawagan na rin siya ng company.

“Naayos ko na kanina.” Tumayo na siya at tinulungan akong ayusin yugn mga gamit ko. “Okay lang ba talaga sayo na sumama sakin, mamaya hindi bukal dyan sa loob mo.” Tanong niya.

Naisip ko rin yun. Gusto ko ba talagang sumama kay Jimin? Kasi alam ko na pagtungtong ko pa lang dun puro memories namin ni Taehyung yung maalala ko. Pero hindi rin naman ako tumutol nung sinabi ni Jimin na isasama niya ako sa Korea.

“Pag-i-stay-in ba kita dito kung wala akong balak sumama sayo? Matagal na sana kita pinalayas dito diba?” yeah. My mouth made a decision for me.

Ngumiti lang siya at lumabas na ng kwarto matapos ayusin yung mga gamit ko.

Naglalakad ako sa may village namin. I need fresh air, haha lol fresh air sa Manila? How about no. wala gusto ko lang talagang maglakad-lakad. Napahawak ako sa tiyan ko. Lumalaki na pala yung tiyan, lumalaki na si baby. Naaawa ako sa magiging anak ko. Paano na pag labas niya? Wala siyang makikitang tatay. Paglaki niya, sinong magbubuhat sa kanya? Sinong magtuturo sa kanyang magbike? Sinong maghahatid sa kanya sa school sa first day? Sinong magpapangaral sa kanya kapag may ginawa siyang kalokohan? Sinong kasama kong magpapalaki sa kanya? In short, sinong magiging tatay niya?

Sa kakalakad ko nakarating ako sa plaza. Gabi na kaya konti na lang yung mga taong nakatambay at yung mga nagtitinda. Habang pinagmamasdan ko yung kabuuan ng plaza, may nakita akong dalawang magsyota na nakaupo sa bench. Pumunta ako dun sa bench na katabi nila at doon naupo, pinapanood ko sila habang naglalambingan akala mo nanonood ako ng pelikula kung makatitig sa kanila eh. Parang ang saya-saya kasi nila, ang sweet, nagtatawanan pa nga sila, yung mga tingin nila akala mo tutunawin yung isa’t-isa, kung magbatuhan pa ng kornik akala mo wala silang problema sa relasyon nila, aakalain mo na hindi na sila maghihiwalay. Ganyan ndin kami ni V noon e, nung hindi ko pa alam yung totoo niyang identity, nung hinid ko pa alam na aalis siya. Happy-happy lang kami nun, yolo-yolo lang, date ditto date dun, akala ko kasi unlimited yung oras naming magkasama, naimagine ko na nga rin yung future ko kasama siya eh. Hanggang sa magsimula na lahat ng revelation. Nung malaman ko na alien siya at aalisin din siya anytime, hindi ko nagawang maging masaya kaya madalas kaming magkasama nun, hindi maalis sa utak ko na aalis siya at iiwan ako anytime, gusto ko ngang sabihin sa kanya nun na ihinto yung oras para hindi kami dumaitng dun sa araw na aalis na siya. Hanggang sa sabihin sakin ni mama na pinsan ko nga daw siya, nung sinaktan ko siya at magsinungaling sa kanya. At nung umalis na siya, ni hindi man lang kami nakapag-usap ng maayos, hindi man lang kami nagkaayos, hindi ko man lang nasabi sa kanya yung totoo, na mahal ko siya.

Naramdaman ko na lang na may tumulong tubig sa hita ko, umiiyak na pala ako. Miss na miss ko na siya, nagsisisi sa mga bagay na ginawa at hindi ko nagawa bago man lang siya umalis.

“Nandito ka lang pala kanina pa kita hinahanap.” May tumabi sakin kaya pinunasan ko agad yung luha ko.

“Anong ginagawa mo ditto Jim---“ hindi ko na natuloy yung sasabihin ko nung makita ko kung sino yung nakaupo sa tabi ko. “T-T-Taehyung?" yes. None other than my Kin Taehyung.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Hinid na ako nag-inarte kaya niyakap ko na rin siya. How I miss this guy. “Let me do this please. Just let me hug you for the last time.Sabi niya. Narinig ko siyang humikbi.God. I missed you so much.” Lalong humigpit yung pagkakayakap niya sakin.

“A-Akala ko…” at last may nagawa rin akong sabihin. “A-Akala ko umalis ka na… Akala ko iniwan mo na ako…” nagtuloy-tuloy na yung iyak ko kanina.

Humarap siya sakin at hinawakan ako sa magkabilang balikat.“One month ago sinundo ako dito mula sa Methuselah. I was hurt that time kaya mas pinili ko na umalis ng mas maaga, pero nung nasa spaceship na ako at nasa kalawakan bigla na lang akong nagteleport pabalik sa Korea. I didn’t kung bakit nangyari yun. At nung makabalik  ako sa Korea nalaman ko na papunta ditto sa Pilipinas si Jimin kaya sinundan ko siya. Lagi ko kayong pinapanood mula sa malayo, I always see how happy you are  kapag magkasama kayo kaya hindi na ako nanggulo. But this time hindi ko na napigilan yung sarili ko, sinamantala ko na hindi kayo magkasama ni Jimin at nilapitan ka, naisip ko na low much Iumpit na tutal maya-maya lang din aalis na ako, and this time it’s for real. For the last time, I wanna say how much I love you, na kahit si JImin yung totoo mong mahal hinding-hindi magbabago yung nararamdaman ko para sayo…”

Nakikita ko na parang unti-unti siyang lumalabo, yung ilaw na galling sa poste e tumatagos sa katawan niya. Parang nag-gi-glitch siya. “T-Taehyung anong nangyayari sayo?”

“Ganito talaga ang mangyayari sakin. Unti-unti nang nawawala yung katawan ko…” nagawang pa niyang ngumiti.“Mahal na mahal kita, Riri. Kahit saan ako mapunta…” lalo siyang lumalabo.

“Maha---“ bago ko pa tuluyang masabi sa kanya na mahal ko siya tuluyan na lang siyang nawala.

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon