Isang linggo nang hindi pumupunta dito si Taehyung, alam ko naman yun kasi sabi nga niya magiging busy siya sa promotion nila, kaya hindi pa rin ako nakikipagbreak sa kanya, tumatawag at nagtetext naman siya sakin pero syempre hindi naman ako pwedeng makipaghiwalay sa kanya through phone.
Isang linggo rin gumugulo sa isip ko tong mga bagay na to, pero sa isang linggong yun hindi ko magawang kalimutan yung nararamdaman ko para kay Taehyung, oo alam kong mali pero anong magagawa ko, hindi ko kayang turuan yung puso ko na kalimutan agad siya. Iniisip ko rin kung paano ba ako makikipaghiwalay sa kanya, alam ko na hindi siya maniniwala agad, ipipilit niya mahal ko siya at hindi ko kayang makiaghiwalay sa kanya.
I kept myself busy these past few days para kahit papaano hindi ako gaanong mapraning kakaisip sa mga bagay-bagay. Inintindi ko na lang yung thesis namin at yung iba pang mga final requirement tutal matatapos na yung sem at tambak na naman ang mga gagawin. Pumasok ako sa school para gumawa ng thesis at iba pang requirements, tapos diretso ako sa Ortigas para sa raket ko.
Nasa loob kami ng room nang may tumawag sa akin na freshman. "Ate Des, may naghahanap po sa inyo sa labas ng building."
"Sino?"
"Hindi ko po alam eh. Nakakotse po tapos nakashades pa kaya hindi ko po alam kung sino."
"Ah sige salamat." Lumabas ako ng building para tingnan kung sino yung naghahanap sa akin. Nakita ko na may nakapark na sasakyan sa tapat ng building ng college namin, siguro ito na yun. Lumapit ako sa kotse at kinatok yun.
Bumaba yung salamin ng bintana at nakita ko ang lalaking nakashades.
Kahit nakashades alam ko kung sino yun.
"Missed me?" tinanggal ni Taehyung yung shades niya at binuksan yung pinto ng kotse at pinapasok ako.
Bumalik na naman sa isip ko lahat ng iniintindi ko nitong nakaraang linggo. Hindi ko alam kung paano ako makikipaghiwalay sa kanya. Cinompose ko yung sarili ko, hindi na ako dapat maapektuhan kay V, pinsan ko siya at dapat ko yung itatak sa utak ko. Pumasok ako sa loob ng kotse niya. "Anong ginagawa mo dito?" cold kong tanong sa kanya.
"Para namang ayaw mo akong Makita sa tono ng boses mo. Hindi mo ba ako namiss?" tanong niya na nagpapacute pa.
Pinsan mo siya Desiree. Pinsan mo siya. Hindi ka na pwedeng maapektuhan pa sa mga ginagawa niya. "Busy ako. Ano bang ginagawa mo kasi dito?"
"Namiss lang kita. Galit ka ba? Sorry na kung hindi kita napupuntahan. Diba nagpaalam naman ako sayo." Lumapit siya sa akin para halikan ako dapat pero lumayo ako.
"Ano ba V!" Sorry Taehyung. Kailangan ko lang tong gawin.
"May problema ba? Sabihin mo sakin para maayos natin."
"Ehem! Ehem! Mukha kailangan ko muna kayong iwan." Biglang may nagsalita sa backseat, si Jimin pala. Nandito pala siya hindi ko man lang napansin. Nagshades muna siya bago lumabas ng kotse, kaya naiwan kami ni V sa loob.
"Now tell me. Ano bang problema?" nagsalita ulit si V.
Huminga muna ako ng malalim. Bahala na kung anong lumabas sa bibig ko. "Itigil na natin to V. Nagsasawa na ako."
"What?!" halatang nagulat siya kaya napataas yung boses niya. "Anong sinasabi mo?"
"Hindi mo pa ba naiintindihan? Ayoko na. Maghiwalay na tayo." Sabi ko, pero hindi ako makatingin sa mata niya. Nararamdaman ko na rin na malapit nang tumulo yung luha ko. Ayokong makita yung reaksyon ng mukha niya kasi baka bawiin ko yung sinabi ko.
"Bakit? Ano bang problema? Sabihin mo sakin, aayusin natin. Wag naman ganito Riri."
"Walang problema V. Sadyang sawa na ako. Ayoko na. Mahirap ba intindihin yun?"
"Mahal mo ako diba? Sabi mo mahal mo ako. Pero bakit biglang nagsasawa ka na? Ayoko! Hindi ako papayag. Hindi ako naniniwalang nagsasawa ka na."
"Ano ba V wag mo naman akong sakalin!"
"Tumingin ka nga sakin! Tingnan mo ako tsaka mo sabihing hindi mo na ako mahal."
Tuluyan nang tumulo yung luha na kanina ko pa pinipigilang tumulo. "Ano ba!"
"Sabi nang tingnan mo ako..." nagcrack na yung boses niya. "Kapag sinabi mo nang harapan sa akin na hindi mo na ako mahal... papalayain na kita."
Pinilit kong tumingin sa kanya. Nung makita ko yung mukha niya, yung mata niya na may luha parang gustong-gusto ko siyang yakapin at sabihing joke lang lahat ng sinabi ko sa kanya, at mahal na mahal ko siya. Pero kailangan kong gawin yung tama. Pinunasan ko na yung mga luha sa mata ko. "So sa tingin mo minahal talaga kita?" I laughed bitterly. "V, hindi. Hindi kita mahal at kahit kailan hindi kita minahal. Nakalimutan mo na ba na roleplayer ako? Magaling akong umarte. Kayang-kaya kong sabihin kahit kanino na mahal ko sila. I can manipulate things whenever I want. Sorry na lang kasi ikaw yung nakita ko nung mga time na bored ako at walang mapaglaruan." Mas lumapit pa ako sa kanya. "And you know what? I just used you para mapalapit sa BTS, kay Jimin, 'cause I like that maknae a lot." Lumayo na ulit ako sa kanya.
"S-So... you just played with my feelings..." umiiyak na talaga siya.
"Yes, my dear. Ang galing kong roleplayer 'no? Annyeong." Lumabas na ako ng kotse at tumakbo papasok ng building na umiiyak. Nakasaluboong ko pa nga si Jimin.
"Oh Desiree, bakit ka umiiyak?"
Niyakap ko siya. "Take care of Taehyung, okay?" tapos tumakbo na ulit ako papasok sa isang bakanteng room at doon umiyak nang umiyak.
Sorry Taehyung. I'm really sorry. I love you so much, pero ginagawa ko lang kung ano yung tama. Kahit na sa maling paraan. Alam ko, pagkatapos ng mga sinabi ko sayo kakamuhian mo ako, kaya hindi na mahirap na kalimutan yung isa't-isa. Mas magiging madali na rin yung pagbalik mo sa planeta nyo kasi hindi mo na ako kailangang intindihin. I'm just doing this para maitama yung pagkakamali natin at para na rin sa ikabubuti mo.
Umuwi ako na magang-maga yung mata ko. Hindi ko na tinapos yung thesis, hindi na rin ako pumunta sa raket ko, wala akong gana. Gusto ko lang umiyak nang umiyak. Nadatnan ko si mama at papa sa sala nung dumating ako sa bahay.
"What happened, Des?" tanong ni papa.
"I did it. I already broke up with him." Tapos dire-diretso ako sa kwarto ko.
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to