Taehyung's POV
"Jimin, ikaw na ang bahala kay Desiree ah." Bilin ko kay Jimin. Nasa loob kami ng kotse, nandito na kami sa lugar kung saan kami susunduin pabalik sa Methuselah. Walang alam si Jimin tungkol dito, akala niya nandito kami sa lugar na to para lang magpahangin or what.
"Nung isang araw mo pa sinasabi yan Taehyung. Saan ka ba kasi pupunta?"
"Sinabi ko na rin sayo diba?"
"Tss. Sige na. Kung saan ka man pupunta, mag-ingat ka dun."
Lumabas ako ng kotse at pumunta sa gitna ng gubat. Doon daw kami magkita ni Do Min Joon.
"Hoy bakit pupunta ka dyan?! Delikado dyan!" narinig ko pang sumisigaw si Jimin mula sa kotse.
Dire-diretso lang ako hanggang sa Makita ko na si Do Min Joon.
"Nandito ka na. Akala ko hindi ka na dadating." Sabi niya.
"Bakit naman hindi ako pupunta? Wala nang dahilan para manatili pa ako dito. Nasaan na yung susundo sa atin?"
"Malapit na yun. Maghintay na lang tayo."
Habang naghihintay, tiningnan ko yung buong paligid. Ito na yung huling araw ko sa Earth, huling araw sa planetang tinuring kong tahanan. Pumikit ako at inaalala lahat ng nangyari sa akin dito sa Earth, at nangibabaw dun si Desiree.
Desiree, kahit hindi mo ako minahal alam ng Diyos at ng lahat kung gaano kita kamahal, kung gaano kita gustong makasama. Kahit nasa Methuselah na ako, hinding-hindi ko makikilumatan yung pagmamahal ko sayo. I love you, Riri. I love you, my princess.
Biglang lumakas yung hangin at may liwanag na tumapat sa amin na nanggaling sa taas. Nung tingnan ko yun, nakita ko yung pintuan ng sasakyan namin. Ito na talaga. Aalis na ako. Iiwan ko na ang Earth. Kaya ko ba talagang iwan lahat ng meron ako dito? Huli na Taehyung. Huli na para umatras. Wala ka namang na ngang dahilan para mag-stay pa rito. Mahal kita, Riri. Unti-unti na kaming hinihila pataas ng liwanag. Mahal na mahal kita, Desiree. Habang hinihila ako, mukha ni Riri yung nakikita ko. Hanggang sa tuluyan na kaming nakapasok sa sasakyan, at namalayan ko na lang nasa kalawakan na kami. I love you, goodbye.
Desiree's POV
Madilim na yung paligid nung magising ako. Madaling araw na siguro. Wala nang ibang tao sa kwarto ng ospital malibang kay papa na natutulog sa couch.
Naalala ko naman yungsinabi ng doctor sa akin kanina. Hindi nga panaginip yun, buntis talaga ako. Napahawak ako sa tiyan ko. Hindi ako makapaniwala na may buhay na sa loob nito. Gusto kong umiyak, pero wala nang lumalabas na luha sa mata ko, siguro pati mga mata ko pagod na rin. Dapat ko na lang sigurong tanggapin lahat ng nangyayari sakin. Wala naman na akong magagawa eh.
Nagising bigla si papa kaya tumayo siya at lumapit sa akin. "Des, gising ka na pala. Anong kailangan mo? Gutom ka ba? Mama at ate mo umuwi lang sa bahay para kumuha ng mga gamit."
"Gusto ko po ng tubig."
Dali-daling kumuha ng tubig si papa at binigay sakin. "Okay ka na ba? Kumusta ang pakiramdam mo?"
"Okay na po ako."
"Anak, sorry."
"Bakit po kayo nagsosorry? Wala naman po kayong ginawa."
"May kasalanan ako sayo, sa inyo ng mama mo."
Napakunot yung noo ko. "Ano po yun?"
Huminga siya ng malalim. "Hindi mo kailangang magalit sa bata na pinagbubuntis mo."
"Po?"
"Hindi mo pinsan si Taehyung. Hindi mo siya kadugo."
Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig sa sinabi ni Papa. Ngayon mismo gusto kong puntahan si Taehyung at ayusin yung sa amin, pero part of me eh nagagalit kay papa. Bakit ngayon niya lang sinabi to? Kung kailan nasaktan ko na si Taehyung, kung kailan nasabihan ko na siya ng mga salita na hindi naman totoo.
"Sana mapatawad mo ako."
"S-So hindi nyo po kapatid yung tatay ni Taehyung?"
"Kapatid ko siya... Hindi ka namin totoong anak, Des..."
Nadoble yung gulat ko sa panibagong sinabi ni Papa. Ano pa bang hindi ko alam? Bakit sunod-sunod yung mga revelation? Parang hindi na kaya ng utak ko na iabsorb lahat ng nalalaman ko. "A-Ano pong totoo? P-Paanong..."
"Araw nun ng panganganak ng mama mo. Patay na yung bata nung lumabas, pero hindi yun alam ng mama mo. Hindi ko alam kung anong gagawin ko nun, hindi ko rin alam kung paano sasabihin sa mama mo na patay yung batang iniluwal niya. Halos mapraning na ako nun kakaikot sa ospital kakaisip kung anong gagawin, hanggang sa makarinig ako ng dalawang nurse na nag-uusap tungkol sa isang batang kakapanganak lang, pero namatay din ang nanay sa panganganak at wala ng kamag-anak na pwedeng mag-alaga, at ikaw yun. Dun pumasok sa isip ko yung idea na kunin ka at dalhin sa mama mo na parang normal lang ang lahat, na ikaw yung iniluwal niya at hindi yung namatay. Kinausap ko yung doctor na nagpaanak sa mama mo tungkol sa naisip ko, nung una hindi siya pumayag kasi mawawalan daw siya ng lisensya kapag nalaman yun, pero pinilit ko siya, kasi ayokong malungkot yung mama mo, gusto ko paggising niya makikita niya sa tabi niya yung anak namin, napapayag ko yung doctor at nangakong walang ibang pagsasabihan nun. Kagaya ng plano, dinala kita sa kwarto ng mama mo, pinalaki ka namin, minahal. Kahit kailan hindi ko sinabi sa mama mo yung nangyari, akala ko nga dadalhin ko na sa hukay yung lihim na yun, pero hindi pala. Ilang beses ko ginustong sabihin sayo mula nung akalain mo na pinsan mo si Taehyung, nung mga panahon na halos pandirihan mo yung sarili mo, nung mga oras wala ka sa sarili mo, pero nauunahan ako ng takot, takot na baka magalit ka sakin. Pero nung nakita kita kanina nung malaman mo na buntis ka at saktan yung sarili mo, naisip ko na mas gugustuhin ko na magalit ka sa akin kaysa mabuhay ka sa kasinungalingan at pagkamuhi sa sarili. Alam ko na hindi nyo ako mapapatawad ng mama mo sa ginawa ko, pero hindi ako mapapagod humingi ng tawad sa inyo." Hinawakan ni papa yung kamay ko. Nakita ko yung mga luha na umaagos sa pisngi niya.
Information overload. Hindi ako umiiyak, nagalit o kahit ano, walang kahit anong reaksyon sa mukha ko. Nakatulala lang ako sa kawalan. Nahirapan na sigurong iproseso ng utak ko kaya nag-lag na.
Naramdaman ko lang na tumulo yung luha ko nung yakapin ako ni Papa.
![](https://img.wattpad.com/cover/14570032-288-k392332.jpg)
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to