26. [M.O.S]

797 28 14
                                    

Desiree's POV

Papunta raw kami sa Jeju sabi ni Jimin. Ang aga naming umalis sa bahay, tulog pa nga sila mama e.

"Wala ba kayong practice ngayon?" tanong ko. Dalawang magkasunod na araw na kaming magkasama, baka kasi pagalitan na siya. Hindi ko nga alam kung nagalit sa kanya yung management na isang buwan siyang nawala nun e.

Parang bigla siyang nagstiff habang nagdadrive."Ah? Wala." sagot niya habang nakatingin pa rin sa daan.

"Hindi ka ba papagalitan? Ano palang sabi sayo nung isang buwan lang nawala?"

"Hindi yan. Wag mo na isipin yun, okay? Let's just enjoy the day."

"Okay." nakatulog ako sa byahe. Ginising na lang ako ni Jimin nung nandun na kami.

Nagcheck-in kami sa isang suite para paglagyan ng mga gamit.

"Magpalit ka na." sabi sakin ni Jimin. Iniwan niya ako sa loob ng kwarto para nakapagbihis.

Kinalkal ko yung dala kong bag. May dala akong two-piece kaya lang nahihiya akong isuot sa harap ni Jimin. Hindi ako sa ibang tao nahijiya e, kundi kay Jimin. Mamaya sabihin nun ang taba ko tapos lait-laitin pa ako. Ay naku bahala na nga, papatungan ko na lang. Pumunta na ako sa cr para magpalit, tapos pinatungan ko ng white lose shirt. Pwede na to.

Palabas na ako ng kwarto pero nagulat ako nung makita ko si Jimin na nakatayo sa may gilid ng pintuan. Naka-trunks siya tapos topless. Pucha bakit parang ang init? May palaman ba dito? Parang ang sarap kasi kainin nung pandesal niya. Argh! Ano ba Des! Manahimik ka nga!

"U-uy! Nandyan ka pala." kunwari ngayon ko lang siya napansin.

"Let's go." hinila niya ako papunta dun sa may living area.

Wow! May tatlong human size na teddy bear na nakaupo dun sa couch. Wow talaga!

"Saan galing yan? Wala naman yan kanina a..." tanong ko na hindi inaalis yung tingin dun sa mga teddy bear.

"Sakin na lang yun." napakamot siya sa batok niya. "Nagustuhan mo ba?"

Humarap ako sa kanya. "Oo naman! Ang cute-cute kaya!" lumapit ako dun sa mga teddy bear at niyakap ko silang lahat. Nagulat ako nung sabay-sabay tumunog yung mga near.

"Hi mommy! I love you mommy!"

Babies... Niyakap ko ng mas mahigpit yung mga bear. Bigla ko na namang naalala yung baby ko. 4 months na sana siya ngayon.

"Kasalanan ko kung bakit nawala yung baby mo. Habang hindi ko pa kayang palitan ng bagong baby, yan na muna yung babies mo." sabi ni Jimin na nakatayo sa likod ko.

Humarap ako sa kanya. Naguguilty ako. Hindi ko dapat siya sinisi sa nangyari sa baby ko. Kasalanan ko naman talaga, kung hindi ako lumabas nun hindi mangyayari yun e. Niyakap ko siya. "Sorry. Hindi mo naman kasalanan."

"Naguguilty lang ako."

"Hindi mo kailangang maguilty." humiwalay ako. "Wag ka na maguilty." and I gave my most reassuring smile.

He smiled back."Let's go?"

"Tara."

Hinawakan niya yung kamay ko at lumabas na kami. May nakaready ng blanket dun para higaan namin.

"Swimming muna tayo!" hinila ko si Jimin dun sa dagat.

Nagpahila naman siya hanggang sa pareho na kaming nasa tubig.

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon