17.

902 35 14
                                    

Sandali lang ako sa school, wala na rin naman kasing klase, meeting lang tungkol sa graduation. Tapos diretso na kami ni Jimin sa mall, RobMag pinakamalapit kaya dun na lang kami, tsaka konti lang tao dun kaya medyo safe si Jimin. Syempre iniisip ko rin yung safety nung tao.

"Dito na lang tayo para iwas sa crowd." sabi ko.

"Sige lang. Nagugutom ako, saan ba pwedeng kumain?"

"Buffet 101, game?"

"Buffet? Tara! Treat ko."

Pagpasok namin, hindi rin gaanong marami yung tao, kaya dire-diretso lang kami. Wala kaming usap-usap, parehong nakafocus sa kinakain. Nung puno na yung tiyan namin, lumabas na kami at tumambay sa labas.

"Jimin, thank you talaga ah."

Tumingin muna siya sakin."Wala yun. Minsan lang naman kita itreat."

"Hindi lang dun. Salamat kasi nandyan ka."

Nakita ko na ngumiti siya. "Wala yun. Nakiusap sakin si V eh, syempre sinusunod ko lang."

"Hindi mo ba namimiss yung Korea?"

"Namimiss din. Pero masaya rin naman dito kaya okay lang." Tumayo na siya. "Tara na nga! Baka magkaiyakan pa tayo dito." tapos inalalayan niya akong makatayo.

"Parang gusto ko ng... pancake! Oo yun nga pancake!" ewan bigla ko lang naisip kumain ng pancake.

"Huh? Pancake? Hapon na pancake pa rin."

"Tara punta tayong supermarket bili tayo ng pancake." hinila ko na Jimin. Naeexcite na akong kumain ng pancake eh.

"Teka lang! Teka lang naman ang bilis mo maglakad." nagpapahila naman siya.

Pagpasok namin sa supermarket kumuka agad ako ng basket at hinila na naman si Jimin sa mga pancake.

"Tingnan mo oh ang clingy nila magkaholding hands talaga." narinig ko yung mga babae sa likod namin, parang mas bata sila samin, mga highschool yata. Napatingin naman ako sa kamay namin na Jimin na hanggang ngayon eh magkahawak pa rin, kaya binitawan ko agad.

"Yan tuloy nagbitaw sila ang ingay mo kasi eh! Ang cute pa naman nila." sabi nung kasama niya.

"Teka, tingnan mo yung lalaki. Parang kamuka ni Jimin." sht ito na may nakakilala na kay Jimin. Si Jimin hindi yata naririnig yung nag-uusap sa likod kasi nauuna na siyang maglakad at dampot ng dampot ng kahit ano.

"Hala oo nga no! Jimin PH!" Jimin PH kayo dyan. The original Jimin to noh, gusto kong sabihin sa kanila.

"Gaga sobrang kamukha naman kung Jimin PH. Parang si Jimin mismo eh, tingnan mo sobrang puti, tapos yung biceps Jimin na Jimin, pati height." gusto kong matawa dun sa height pero hindi ngayon kasi kailangan na namin makaalis ngayon bago pa nila makilala ng tuluyan si Jimin.

Lumapit na ako kay Jimin at hinila siya ng mabilis palabas ng supermarket. "Tara! May nakakilala na sayo!" tumakbo na ako habang hila pa rin siya.

"Huh?"

"Basta tara na! Iwan mo na yan dyan." sabi ko patungkol dun sa dala niyang basket na malapit nang mapuno.

"Hala sht! Si Jimin nga! Tara!" sabi nung babae.

Tumakbo pa ako ng mas mabilis kaya halos makaladkad ko na si Jimin.

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon