2.

2K 73 17
                                    

Tapos na yung rehearsal, pero nandito pa ako sa venue. Wala lang, just enjoying the place. Enjoying the place your ass Des, nakaupo ka lang naman sa isang tabi at inaatupag na naman yang rp account mo.

"Bakit nandyan yung pangalan ko?" biglang may nagsalitang kung sinong nilalang sa tabi ko habang nakikipagchat yung rp  ko a.k.a Kim Taehyung. Nang tingnan ko kung sino, none other than the original Kim Taehyung. Wait. What? Si V?! As in yung totoong Kim Taehyung?! Oh mother of holy fcking sht!!! Si V nilapitan ako OH MY GAWD! Kanina pa ko nagpapa-cute sa BTS habang rehearsal eh. Another wait. And another what. Marunong magtagalog si V?

"Marunong ka magtagalog?" tanong ko habang hawak pa din yung phone ko.

"Oo naman. May kalaro akong Pilipino nung bata pa ako. Nangako pa nga ako na pakakasalan ko siya paglaki namin. Sandali nga iniiba mo yung usapan, bakit gamit mo yang pangalan ko sa account mo?" ang seryoso ng pagkakasabi niya. Walang expression yung mukha. Not the usual V na napapanood ko sa bangtan bomb.

Ah eh. Pano ko ba ipapaliwanag sa kanya yung rp-rp na yun nang hindi siya nagagalit. "Ahm... ganito kasi yun..."

"It's identity theft. Alam ba to ng manager mo? Gusto mo bang ireport kita?"

"Wait lang! Sandali lang kasi."

"Anong sandali? You're stealing my identity. Deactivate that account." and then kinuha niya yung phone sa kamay ko.

"Hoy ano ba?! Cellphone ko yan! Amin na yan! Amin na kasi!!" pinilit kong agawin pero itinataas niya kaya di ko maabot. Nag-agawan kami sa phone ko. Hmm ang bango naman ng alien na to ang sarap iuwi sa Pinas at wag ng ibalik pa.

"Ano ba amoy ka ng amoy." tumigil na pala siya. Napahinto na rin ako sa kagagahan ko.

"Akin na yang cellphone ko."

"Ito na." abot niya.

Pero binitawan na niya bago ko pa mahawakan. Oh noooooo ang bago kong phooooone!!! Kahit na wala ng pag-asa na masalo ko yun pinilit ko pa rin kunin. Pero wala. Nalaglag siya. Hindi ko nasalo. Divided by 3 yung cellphone ko. Halos mangiyak- ngiyak akong napaupo para damputin yung hiwa-hiwalay na parte. Nakakaiyak naman kasi talaga. Yun lang yung maayos kong phone. Panigurado papagalitan ako ni mama pag nalamang nasira ko yun. Tumayo na ako para umalis. Leche siya kahit bias ko siya kahit mahal na mahal ko siya nakakainis pa din yung ginawa, hindi naman niya papalitan yung phone ko ah!

"I said deactivate that account!" narinig ko pang sumigaw siya.

"Leche!!"

 8 PM pa magsisimula yung event, pero umaga pa lang dapat kumpleto na yung models para sa preparations. Maaga akong pumunta sa venue, konti pa nga lang yung tao pagdating ko eh. Naisipan ko munang buksan yung rp account ko habang naghihintay sa kanila.

"Bakit mo idedeactivate yan?" tiningnan ko kung sino, si V. Yung phone ko pala, ayun basag na yung screen, pero mapagtyatyagaan pa naman. May isa pa pala akong pinoproblema, huhuhuhuhu nawawala yung wedding ring ko. Oo may asawa na ako, umalis lang siya pero nangako siyana babalikan niya ako. Actually, kwintas yun tapos pendant yung wedding ring ko. Saan ko kaya naiwan yun?

Binalik ko yung tingin ko sa phone. "Sabi mo ideact ko na diba?"

Bigla na naman niyang kinuha yung phone ko. Ano?! Tutuluyan na ba ngayon?! Sht no.

"Akin na kasi yan! Idedeact ko na nga wag mo na tuluyan yung phone ko!" pinilit ko na namang agawin.

"Sandali lang." nagtipa siya sa phone ko, at pumunta siya sa video recorder. "Annyeong armys! This girl is the operator of this account." inakbayan niya ako.

Ang bango naman ng bb V ko. Inalis ko naman yunng kamay niya ."Ano bang ginagawa mo?"

Inakbayan niya ulit ako. "This girl is my future wife! Bye." tapos inistop na niya yung video at nagtipa ulit sa phone ko.

"Ano bang pinagsasabi mo?! Amin na nga yan! Ano bang ginagawa mo?" inaagaw ko pa rin yung phone ko. "Hoy! Kim Taehyung anong ginagawa mo?! Hoy wag mong i-upload! Hoy!" ina-upload niya kasi sa rp account ko yung video.

"Wag kang magulo, Riri." 

What? Anong tawag niya sakin? Riri? Isa lang tumatawag sakin nun ah. Teka wag mong sabihing.. "Hyungie?"

Nginitian lang niya ako, yung ngiti na cute na mahal na mahal ko, yung ngiti niya na nagiging rectangle yung bibig niya. Oh sht parang matutunaw ako sa ngiti niya. 

"Paano..." yun lang yung lumabas sa bibig ko.

Pinakita niya sakin yung nawawala kong wedding ring.

Kinuha ko agad yun sa kanya. "Waaaaaa! Saan mo nakuha to? Akala ko nawala na talaga to. Buti na lang nakita mo."

"Nasayo pa pala yan." dumukot siya sa bulsa niya at pinakita sakin yung plastic na singsing na kulay green, kapareho nung akin.

Bigla naman akong na-awkward sa sitwasyon namin. Hello! Ang tagal kaya nung huli kaming magkita. 6 years old siya nung umalis sila ng pamilya sa Pinas. Syempre marami nang nagbago. Iniba ko na lang yung usapan at binaling yung atensyon dun sa phone ko na hawak pa rin niya. Inagaw ko yun sa kanya. Nagulat ako na ang dami ng likes, shares at comments nung in-upload niyang video. Oh sht lagot ako nito. "Hoy tingnan mo ang dami na tuloy likes! Lagot ako nito! Hindi ako makakalabas nito ng Korea ng buhay! Ikaw kasi"

"Hello!" tiningnan ko kung sino yung nagsalita, si Jimin. Sunod-sunod na pumasok sa loob yung anim.

"Hello. Desiree Segovia, right? The Filipina model?" tumabi sakin si JHope.

"Uhh. Yeah." sabay tango. Nai-starstruck pa rin ako sa kanilang lahat. Pucha mas gwapo silang lahat sa personal.

"Desiree Segovia? diba ikaw yung Riri nitong si Taetae?" nagulat naman ako nung biglang nagtagalog si Jin. At ang fluent pa. Napanga-nga ako, literal. 

"Hala oo nga! Siya nga pala yun!" sabi naman ni Namjoon. Amp siya din marunong?

"Marunong kayo magtagalog?"

"Oo. Lahat kami marunong." si Suga naman.

"Secret language naming pito yun. Tinuruan kami ni Taetae hyung. Kapag gusto namin mag-usap ng kami lang nagtatagalog kami." paliwanag niJungkook. OMG ANG KOOOOOOOOOOOOOOT NI KOOKIE!! MUKANG 10 YEARS OLD ANG SARAP KURUTIN SA PISNGIIIII!!

"Wow. Another Bangtan fact na hindi pa alam ng mga ARMY."

"Wag nyo na ngang kausapin yung Riri ko. Di na kami makapag-usap eh." inakbayan ulit ako ni V.

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon