"Oh bakit tayo napunta sa science? Anong kinalaman nun?"
"Galing kami ni V sa isa sa mga planeta sa labas ng solar system. Tinatawag na Methuselah yung planeta namin."
Natawa ako ng malakas, kaya napatingin samin yung ibang tao sa restaurant. "Sinisira mo yung moment natin eh! Hahahahahaha naiinis na ako sayo kanina tapos bigla kang magpapatawa."
"Seryoso ako." seryoso yung mukha niya.
Kaya natahimik ako at natigil kakatawa.
"Kahit na katulad ng mga taga-Earth ang itsura namin, meron kaming mga kayang gawin na hindi kayang gawin ng mga taga Earth na katulad mo."
"Ako ba niloloko mo? Umuwi na nga tayo nagsasayang lang tayo ng oras dito eh." tatayo na dapat ako, pero napaupo ako sa sobrang lakas ng hangin. Oo ganun kalakas at nagawa akong mapaupo pabalik sa kinauupuan ko. Lumipad nga yung mga gamit sa loob ng restaurant, at nagsigawan yung mga tao sa loob. Napatingin ako kay Do Min Joon na kalmado lang na nakaupo sa kinauupuan niya.
"Isa yun sa mga kakayahan ng mga taga- Methuselah, ang kontrolin ang hangin. Bawat isa sa amin ay may iba-ibang kakayahan. Mayroon kayang kontrolin ang lupa, tubig, apoy, liwanag, at kidlat. Mayroon ding kayang pagyelohin ang buong paligid, pagalawin ang mga bagay gamit lang ang isip, lumipad, magpagaling at bumuhay ng mga bagay na patay na, magteleport, at kontrolin ang oras."
"Nagkakagaguhan na yata tayo dito Do Min Joon eh. Ngayon naman superheroes na kayo."
Hindi niya pinansin yung sinabi ko at nagpatuloy lang sa sinasabi niya. "At lahat ng bagay na yun ay kayang gawin ni Taehyung dahil siya ang prinsipe namin. Sobrang dalang niya lang gamitin yung mga yun, kapag kailangan lang. Tatlong buwan mula ngayon ay bababa na sa pwesto ang kanyang ama at siya naman ang papalit. Kaya meron na lang akong tatlong buwan para makumbinsi siyang bumalik sa planeta namin."
"Ginagago mo talaga ako eh! Paano naging prinsipe si V eh kababata ko yan. Kalaro ko siya dati. Uhugin pa nga yan eh. May prinsipe bang uhugin?! Naku tigil-tigilan mo ako ah!"
"Dahil mas pinili ng mga magulang niya na mabuhay sila katulad ng normal na taga-Earth. Wala ng mga magulang si V dito diba? Dahil bumalik na sila sa planeta namin, dapat nga matagal na ring umalis si V kung hindi ka lang niya hinahanap.. At pinadala ako dito ng hari para sunduin si V."
Hindi ko alam pero parang napapaniwala na niya ako sa mga sinasabi niya. Alam ko naman na isang malaking kabertuhan lang yung sinasabi niya, pero parang totoo eh.
"Siguro ngayon malinaw na sayo ang lahat. Wala na akong magagawa kung maniniwala ka o hindi. Sige." tumayo siya at umalis.
Naiwan ako doon na nakanganga matapos ng mga narinig ko. Too much information. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakabalik, dahil occupied yung isip ko.
Paano kung hindi na bumalik si V sa planeta nila? Tanong na nabuo sa isip ko. Kaya tinawagan ko si Do Min Joon para itanong, ang sagot niya. Unti-unting manghihina ang katawan hanggang sa mamatay siya. Kaya lalong gumulo yung isip ko.
Calling Taehyung...
"Hello?" medyo kinabahan ako bigla.
(Nasaan ka? Bakit nakapatay phone mo kanina?) parang galit yung boses niya.
"Uhh ano... lumabas lang kami nila director." pagdadahilan ko.
(Tinawagan ko si Director, hindi daw niya alam kung nasaan ka. Saan ka pumunta?!) medyo tumaas yung boses niya.
"Taehyung pagod ka lang magpahinga ka na. Sige na." binaba ko na yung phone, natakot ako bigla sa kanya, lalo na matapos nung mga sinabi ni Do Min Joon. Pero kakababa ko lang ng phone nang bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Ano yun nagteleport siya? Doon lang nagsink in sakin lahat, noon lang ako naniwala sa lahat ng sinabi ni Do Min Joon.
Palapit siya ng palapit sakin, ang dilim pa ng itsura niya. "Saan ka galing? Bakit kailangan mong magsinungaling sakin?"
Kung totoo lahat ng sinabi ni Do Min Joon, totoo rin na mamamatay si V kapag hindi siya bumalik sa planeta nila in 3 months. Ayokong mangyari yun. Mas kakayanin ko na umalis siya at iwan ako kaysa mamatay siya. "Kasama ko si Do Min Joon." matigas kong sabi. Bahala na.
Nagulat siya sa sinabi ko. "Bakit kayo magkasama?!"
"Bakit hindi."
"Desiree! Anak siya ng CEO, at may boyfriend ka tapos makikipagkita ka sa kanya!" ito yung unang beses na sigawan niya ako at banggitin yung pangalan ko.
Gaya nga ng napagdesisyunan ko, bahala na. "Hindi kita boyfriend V! Wag kang assuming! Umalis ka na nga dito matutulog na ako!" humiga ako sa kama at nagtalukbong ng kumot.
Naramdaman ko na umupo siya sa kama ko. "Riri... sorry na. Hindi ko na uulitin. Nagalala lang naman ako sayo kaya ako nagkaganito... Sorry na..."
Sa ilalim ng kumot, iyak ako ng iyak pero hindi ko pinapahalata kay V. Ayokong mamatay ka Taehyung. Mahal na mahal kita. Hindi ko kakayanin kapag nangyari yun.
A/N: hihihihihi kakatapos ko lang kasing panoorin yung my love from the star. Gusto nyo spoiler? Bumalik si Matteo Do sa Earth.
May nagbabasa ba nito? Ang tumal kasi eh. Wala lang.
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to