12.

880 38 5
                                    

Taehyung's POV

Hindi ko man lang siya nagawang pigilan. Tinanaw ko lang siya habang tumatakbo palayo, hanggang sa makasalubong niya si Jimin at yakapin to. So totoo nga? Si Jimin talaga yung gusto niya at hindi ako? Nahampas ko ng malakas yung manibela ng sasakyan ko habang tuloy-tuloy na tumutulo yung luha sa mga mata ko. What happened? Anong nangyari sa amin? Bakit ganito? Parang nung nakaraan lang mahal na mahal namin yung isa't-isa ah.

Pumasok na si Jimin sa loob ng kotse. "Anong nangyari dun kay Desiree? Bakit umiiyak?"

Gusto kong suntukin si Jimin. Gusto ko siyang sapakin. Pero hindi nga pala niya kasalanan kung bakit siya yung totoong gusto ni Desiree at hindi ako.

"Oh bakit umiiyak ka rin? Ano bang nangyari? Nag-away ba kayo?" napansin na rin siguro niya yung luha ko.

"Wala na kami Jimin. Nakipaghiwalay na siya sakin."

"Ano?! Bakit daw?"

"Hindi daw niya ako mahal. Hindi daw niya ako minahal." Inistart ko na yung kotse. "Tara alis na tayo."

"Saan tayo pupunta niyan? Baka may makakita sa atin dito. Alam mo namang hindi alam ng media na umalis tayo ng bansa."

"Kahit saan. Wala na akong pakialam."

"Tol ako na magdadrive, baka mapano pa tayo. Lutang ka oh."

Tinigil ko yung kotse at pinalipat si Jimin sa driver's seat.

Desiree's POV

Nakasubsob ako sa kama ko habang umiiyak nung may kumatok sa pintuan.

*KNOCK KNOCK*

"Des... anak..." si papa pala yun.

"P-Po..."

"Pwede ba akong pumasok?" Inayos ko muna yung sarili ko, pinunasan ko yung mukha ko at tinali ko yung gulo-gulo kong buhok, tsaka ko binuksan yung pinto. Pumasok si papa sa loob at umupo kami sa kama ko.

"Sinabi na sa akin ng mama mo lahat."

Nakinig lang ako.

"I'm sorry, anak." Tapos niyakap ako ni papa.

Niyakap ko rin si papa, lalo akong naiyak. "Hindi nyo po kailangang magsorry."

"Hindi ko akalain na mangyayari to. Magiging okay din ang lahat."

"Wala na Pa... sinusunog na sa impyerno yung kaluluwa ko... yung ginawa namin ni Taehyung... yung nangyari sa amin... walang kapatawaran yun..." lalo na naman akong napahagulgol.

"Ssssh. Wag mong sabihin yan. Alam ko na hindi mo ginusto yung mga nangyari."

"N-Nagmahal lang naman ako Pa... sa maling tao nga lang... ay hindi nga pala tao si Taehyung."

"Sige na anak, magpahinga ka na. Wag mo na munang isipin yung mga yun." Kumalas sa pagkakayakap si papa at hinalikan ako sa noo. At hinayaan na niya akong magpahinga.

Nung makalabas si papa sa kwarto ko, naisipan kong buksan yung rp account ko. RPW is my only escape from the real world. Pero sa tuwing nakakakita ako ng rp ni Taehyung kusang tumutulo yung luha, naaalala ko na naman kasi yung itsura niya kanina, kung paano siya umiyak sa harap ko, kung ano yung reaksyon niya nung sinabi ko na nakikipaglaro lang ako sa kanya. Kung hindi ba naman ako ginagago ng pagkakataon, may nag-add sa akin na Taehyung rp tapos nakakagago pa yung pangalan.

Hyungie Taehyungie accept

Nagmessage siya sakin.

Hyungie Taehyungie: Hello

Park Jimin: hi

Sa totoo lang tinatamad talaga ako.

Hyungie Taehyungie: Pwede bang makipagkaibigan.

Park Jimin: sure. Friends.

Hyungie Taehyungie: Thanks :)

Park Jimin: :)

Hyungie Taehyungie: Tutal friends naman na tayo pwede bang magshare sayo?

Park Jimin: problema ba yan?

Hyungie Taehyungie: bawal ba? Sige okay lang.

Park Jimin: hindi. Sige magshare ka na.

Ano pa bang magagawa ko? May problema na nga ako tapos itong kausap ko problema pa rin ang sasabihin sakin. Ginagago yata talaga ako ng pagkakataon.

Hyungie Taehyungie: may mahal kasi ako tapos niloko lang ako.

Park Jimin: o tapos? Anong nangyari sa inyo?

Alam mo may problema rin ako sa lovelife ko eh. Nahihiya lang akong sabihin na wala akong pakialam sa mga shit niya kasi may pinoproblema rin ako, hindi naman kasi ako ganun kahard.

Hyungie Taehyungie: ayun iniwan niya ako. Pero kahit sinaktan at niloko niya ako mahal ko pa rin siya.

Park Jimin: ang martir mo naman.

Hindi ko namalayan na tumutulo na pala yung luha ko kasi naiimagine ko na si Taehyung talaga tong nagkukwento na to.

Hyungie Taehyungie: ewan. Siguro ganun talaga kapag mahal mo, kahit anong gawin niya sayo hindi mo siya magawang kalimutan. Tapos alam mo ba mahal niya yung kaibigan ko.

Lalo akong napahagulgol na naman. Hindi ko na magawang magtype kasi nanginginig na yung kamay ko.

Hyungie Taehyungie: pero hindi ko magawang magalit sa kaibigan ko kasi wala naman siyang kasalanan.

Hindi na talaga ako nakapagtype, hinayaan ko na lang siya na magsend nang magsend.

Hyungie Taehyungie: iniisip ko nga kung anong magandang gawin. Naisip ko na lumayo na lang para maging masaya silang dalawa.

Bakit naiisip ko na si Taehyung talaga to. Pero possible naman eh. Ewan hindi ko na alam.

Hyungie Taehyungie: hindi ko naman siya magawang ipaglaban kasi siya mismo sumuko na. siguro dapat na rin akong sumuko.

Hyungie Taehyungie: Bakit hindi ka na nagrereply? Sige na out na ako. Salamat sa time.

typing...

Hyungie Taehyungie: I love you, Riri. I will always do.

Tapos sabay log out.

Lalo akong nagbreakdown nung nabasa ko yung last niyang message. Si Taehyung nga. Tama yung pakiramdam ko.

Kahit offline na siya nagtype pa rin ako ng message.

Park Jimin: sumuko ka na. wag mo na akong ipaglaban. I am not worth the fight.

Tapos nag-log out na rin ako.

Kinabukasan, nakita ko na nag-aabang si Jimin sa labas ng college building. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko, baka kasama niya si Taehyung. Lalagpasan ko na dapat siya pero tinawag niya ako, kaya no choice kundi lumapit sa kanya.

"Desiree, ano bang nangyari sa inyo ni Taehyung? Naglasing siya kagabi na hinid naman niya usually ginagawa. Pag tinatanong ko siya kung anong nangyari sasabihin niya na aalis na raw siya at hahayaan na tayong maging masaya. Ano ba yun?"

Hindi ko magawang tumingin kay Jimin. Nakakahiyang ginamit ko pa siya sa pakikipagbreak kay V. "W-Wala... sorry nadamay ka pa."

"Sabihin mo sakin. Baka makatulong ako."

"Tapos na Jimin. Tinapos ko na, wag na nating ipilit." Tumakbo na naman ako papunta sa bakanteng room.

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon