"T-Totoo ba?! Totoo ba lahat ng sinabi mo?!" si mama. Nagsisigaw sa may pintuan. Narinig niya lahat? Sa aming dalawa, si mama ang pinakadehado dito. Sinugod niya si papa at pinagsusuntok to sa dibdib. "Walang hiya ka! 20 years!! 20 years mong itinago sakin yung totoo! 20 years mo kaming niloko ni Desiree!! Walanghiya ka talaga!!" patuloy pa rin si mama sa pagpalo kay papa. Si papa naman hindi inaawat si mama at hinahayaan lang ito na suntukin at paluin siya.
Tumayo na lang ako para awatin si mama. "Ma tama na po!" pinipilit kong paghiwalayin sila ni papa. "Ma!" at last nagawa kong ilayo si mama kay papa. Niyakap ako ni mama at nag-iiyak sa balikat ko.
"Des... hindi ko alam... hindi ko to alam..." umiiyak pa rin si mama habang nakayakap sa akin.
"Tahan na Ma... tahan na po. Pag-usapan niyo na lang po ni Papa, maayos po natin to. Wag na po kayong umiiyak..." hinahagod ko yung likod ni Mama. Good thing kumalma na siya. Si papa lumabas ng kwarto.
"Hindi ka ba nagagalit sa papa mo?" tanong sa akin ni mama.
"Hindi po. Sino naman pa ako para magalit eh inalagaan, pinalaki at minahal nyo po ako na parang tunay na anak. Sapat naman na po siguro lahat ng sakripisyo nyo para hindi ako magalit kay papa, pero nadidisappoint po ako. Bakit ngayon lang po niya sinabi sa atin yung totoo."
"Oo nga pala, tawagan mo na si Taehyung. Kausapin mo, makipag-ayos ka na. Sige na, iwan na muna kita dito." pagkatapos ay lumabas na si mama sa kwarto ko. Ako na lang yung naiwan, kinuha ko yung phone ko at tinawagan yung number ni Taehyung.
Taehyung dialling...
(Hello Desiree?) hindi si Taehyung yung sumagot ng phone niya.
"Sino to?
(Jimin.)
"Oh Jimin ikaw pala. Ahmm nasaan si V? Pwede ko ba siyang makausap?"
(Yun nga ang problema eh, magkasama kami kanina pero hanggang ngayon hindi pa siya bumabalik, iniwan niya rin lahat ng gamit niya dito sa kotse niya.) hindi ko alam pero kinabahan ako sa sinabi ni Jimin. Hindi pwede yung iniisip ko, hindi pwedeng umalis na siya kasi may one month pa siya.
"Saan daw siya pupunta?"
(Ayaw niya sabihin kung saan eh, pero pinagbilin ka niya sakin kanina. Actually lagi niyang binibilin na alagaan daw kita. Hindi ko nga alam kung anong nangyayari dun kay V.) lalo na akong kinabahan. Mas lumalakas yung kutob ko na umalis na nga siya. Hindi na ako mapakali sa kinauupuan ko. Hindi pwede. Hindi pwedeng umalis si V ngayon! Hindi pa kami nagkakaayos. Hindi ko pa siya nakakausap. Hindi pa siya nagpapaalam sakin. (Desiree, nandyan ka pa?)
"Ah oo."
(May idea ka ba kung saan siya pupunta?)
"O-Oo..."
(Desiree, okay ka lang? Umiiyak ka ba?)
Namalayan ko na lang na may tumutulo ng luha sa mata ko. Ramdam ko na, umalis na nga siya. Paano na ako? Paano na tong baby namin? Ni hindi man lang niya nalaman yung tungkol dito sa dinadala ko, kahit yun na lang sana. "A-Ano pang sinabi sayo ni T-Taehyung?"
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to