29.

717 21 4
                                    

Desiree's POV

Ayokong pumili sa kanilang dalawa, so I chose not to choose. Nasabi ko naman na kaya Jimin yung gusto kong mangyari, so si Taehyung na lang yung iintindihin ko bago ako umalis dito sa Korea.

I get a piece of paper and pen then write everything.

Taehyung,

I don't know how to start this, I wanna say thank you and I'm sorry. Thank you sa lahat. Sa pagdating at pagiging malaking parte ng buhay ko, sa pagmamahal na binigay mo sakin na sinayang ko. I'm sorry for everything. I've been a bullshit for fooling and betraying you, sorry rin na ako yung naging dahilan ng pagkakalamat ng samahan niyo ni Jimin. Taehyung, I agree that we need to start over again, but without each other. Start again with Jimin, ayusin niyo yung sa inyo na nasira nung dumating ako, and I will also start over again finding myself. Baka kasi destined lang tayong magkita, pero hindi destined na magsama. Not all break ups need make ups, maybe we just need to wake up.

-Riri.

Pwede na siguro to. Inscan ko yung letter tapos sinend sa email ni Taehyung. Muntanga lang pwede naman magtype na lang nagpakahirap pa magsulat. After ko masend yung email, inayos ko na yung mga gamit ko. Sila mama babalik na sa Pinas bukas, ako hindi ko pa alam kung saan ako pupunta. Parang gusto ko kasi ng bagong environment, malayo sa Pilipinas at Korea, para hindi ako mahirapan sa gusto kong gawin.

Taehyung's POV.

09471815856 calling...

Unknown number na naman.

"Hello, who's this?"

(Pinapabalik na po kayo ng ama niyo sa Methuselah.)

alalay na naman to ni Ama. Bakit to nakasunod dito?

"Paano mo nalaman na nandito ako sa Earth?" tumakas lang naman  kasi ako para makapunta dito. Busy kasi dun para sa coronation, kaya nakahanap ako ng pagkakataon para makatakas.

(Nagagalit na po ang ama niyo. Wag nyo daw po hintayin na galawin ng inyong ama yung babaeng taga-Earth.) So ngayon gagamitin naman nila si Riri.

Biglang may nag-pop sa mga email ko kaya tiningnan ko muna yun.

"Tsaka na tayo mag-usap." binaba ko yung phone.

Binalik ko yung atensyon ko dun sa email. Galing kay Riri to. Binasa ko yung email niya. Matapos kong mabasa yung email niya, isa lang ang pumasok sa isip ko.

Not this time Riri. Ngayon pa ba kita susukuan kung kailan handa ko nang talikuran lahat para sa kanya.

Desiree’s POV

3 PM yung flight ko papuntang Australia. Dun ko naisipang pumunta. Nasa departure area ako nung parang nagkaroon ng commotion sa may entrance.

“Riri! Wait!” yun yung naririnig ko mula sa labas. It’s Taehyung. Anong ginagawa niya dito? Paano niya nalaman na nandito ako sa airport e wala naman akong ibang pinagsabihan na ngayon yung flight ko maliban kila mama. Posible kaya na sila mama yung nagsabi? No. Imposible, alam na nila kung bakit gusto kong umalis, alam nila yung issues ko.

“Sandali! Papasukin nyo ko! Riri don’t leave!”  patuloy pa rin siya sa pag-iingay sa labas, dahilan para dumami yung security na pumipigil sa kanya. Yung mga tao nagsisimula na ring makiusyoso.

So I decided to face him para na rin tumigil na siya. Nakakahiya na rin kasi, nag-iiskandalo na siya sa labas. Pumunta ako dun sa may entrance. “Kuya, kakilala kop o siya. Pwede po ba siyang pumasok kahit sandali?” paalam ko dun sa guard.

“Pasensya na po Ma’am hindi po pwede.”

“E ako ho pwede po ba lumabas sandali?”

“Sige po.” tapos pinalabas na ako nung guard.

“Ano bang ginagawa mo dito?”

“Riri, wag mo naman akong iwan.”

“Taehyung, nabasa mo naman na siguro yung email ko diba? At tsaka paano mo nalaman na nandito ako?”

“Instinct. Oo nabasa ko, pero hindi ako papayag na iwan mo ako ulit.”

I smiled bitterly. “Sa bagay alien ka nga pala.”

“Riri, please don’t leave.”

“No, Taehyung. I need this. We need this.”

“No. I need you.”

Lalo niya lang akong pinapahirapan sa ginagawa niya. “Taehyung, pwede ba?! Hayaan mo na lang ako sa gusto kong gawin?! Naiintindihan mo naman siguro yung email ko diba?”

Hinawakan niya yung dalawa kong kamay. “Riri, I’ve let you go before, at hindi na ako papayag ngayon.”

Pinilit ko alisin yung mga kamay ko. “Enough, Taehyung. Please just let me go. Just pretend that you never met me.” and with that tumalikod na ako at pumasok sa departure area.

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon