22.

784 28 10
                                    

Jimin’s POV

Iniwan ko muna si Desiree dun sa unit ko. Hindi ko naman ginagamit yun kaya dun na muna siya. Pupunta ako sa company, kakausapin daw ako ni Manager. In fact, last week pa niya ako tinatawagan para bumalik dito sa Korea. Pagdating ko sa building, ang daming press na nakaabang sa tapat. Tss. Tinawagan ko muna si manager para sunduin ako sa labas.

(assume nyo na lang na nakokorean sila hahah)

“Buti nandito ka na. kakausapin ka daw ni Mr. Kwon.” Sabi sakin ni manager nung makapasok na kami sa loob ng building at papunta na sa elevator.

Nakikinig lang ako.

“Hindi ka kasi nagpaalam ng maayos tapos isang buwan kang nawala. Nagtataka na yung media kung bakit kayo biglang nawala ni V, pati si Do Min Joon biglang nawala kaya nasa company ang mata ng media ngayon. Yung dalawa hindi macontact ng company kaya pinahanap na nila sa mga private investigator.”

Nung makarating kami sa 20th floor, pumasok na ako sa opisina ni Mr. Kwon, naiwan naman sa labas si Manager.

“Ingat ka Jimin.”

Tumango lang ako bilang sagot.

“Park Jimin. Buti naisipan mo pang bumalik?” seryosong bungad sakin ni Mr. Kwon.

Nagbow ako sa kanya. “Sorry po.”

“Ano bang ginawa mo sa Pilipinas at ganun ka katagal? May ilan ding press na nakakita na kasama mo yung girlfriend ni V? bakit mo siya kasama? Alam ba niya kung nasaan si V? Nasaan siya?”

Ang bilis talaga ng balita. Kakadating lang namin ni Desiree ah. “Girlfriend ko po siya. At hindi po niya alam kung nasaan si V.”

“Ano?!” napatayo siya sa upuan. “Girlfriend?! Ano yan laruan para pagpasahan niyo ni V?! Ano na lang ang sasabihin ng mga tao? Mag-isip ka nga Park Jimin!”

“Tss. Wala na sila ni V. She’s available. I love her. And that’s it, I grabbed the opportunity.” Syempre hindi ko sinabi yung totoo.

Biglang nag-ring yung telepono sa table niya, kaya sinagot niya muna yun. “Hello? What?! Bakit may media dyan? Sige sige salamat.” Tapos binaba na niya yung phone. “Nasa unit mo daw yung media. Nandun ba yung babae mo?”

Nung marinig ko pa lang na nasa unit ko yung media nagpanic na agad ako. Alam kaya nila na nandun si Desiree? Sht kailangan ko nang umuwi. Hindi ko na hinintay pa yung susunod na sasabihin ni Mr. Kwon, lumabas na agad ako ng opisina niya at tumakbo papunta sa parking lot para umuwi. Sana hindi nila guluhin si Desiree. Sana okay lang siya.

Pag-akyat ko sa floor kung nasaan yung unit ko, nakita ko agad yung press. Buti hindi nila ako nakita kaya bumalik ako sa loob ng elevator para tawagan si Manager. Kailangan ko ng resbak. Buti nasa malapit lang siya kaya nakapunta agad siya at sinamahan ako hanggang sa makapasok ako sa loob ng unit ko. Pagpasok ko sa loob, nadatnan ko si Desiree na tulog na tulog sa couch. Bakit naman kaya dito to natulog? Hindi na lang umakyat sa taas. Tumabi ako sa kanya at tiningnan siya, pinagmasdan ko muna yung mukha niya, paano nga ba nagsimula lahat? Paano ako nahulog sayo? At paano ka rin kaya mahuhulog sakin?

Desiree’s POV

One week na ako dito sa unit ni Jimin. Araw-araw niya akong pinupuntahan, bago at pagkatapos ng practice nila nandito siya. Konti na rin yung media sa labas ng unit. Medyo nabobored na nga ako dito kasi isang linggo na nakatengga lang ako, gusto kong lumabas, gusto kong gumala. Nagbihis muna ako, lose shirt para hindi gaanong halata yung tiyan ko tapos leggings at sneakers, nagjacket din ako para hindi makita ng media yung mukha ko kapag lumabas ako, tatakbo naman ako kaya wala rin silang mapapala sakin hihihi.

Nung nasa kalsada na ako tinanggal ko na yung jacket ko. At last nakalanghap rin ako ng hanging labas. Saan kaya ako pwedeng pumunta? Namalayan ko na lang na dinadala ako ng mga paa ko papunta sa private resort ni Taehyung. Habang naglalakad ako may grupo ng babaeng lumapit sakin. Nagulat ako nung biglang hinila ng isa yung buhok ko.

“You slut! Whore! You took V from us, and now you’re also taking Jimin!” habang sinasabunutan ako nung isa, meron ding kumakalmot sakin.

Puta ang sakit ng anit ko. Ano bang problema ng mga to?! May sasaeng din pala ang BTS. Ang hapdi na ng balat ko kakakalmot nila.

Hindi pa sila nakuntento, tinulak nila ako kaya natumba ako sa semento.

"Ano ba?!" Naramdaman kong parang sumakit yung tiyan ko. Sht yung baby ko. Nakita kong may dugo yung leggings ko. No. Hindi pwede to. Hindi ko nagawang makagalaw nung nakita ko yung dugo, naiiyak na lang ako.

"You deserve that, bitch!" sigaw nung isa at tsaka sila tumakbo.

Hindi pa rin ako kumikilos, iyak pa rin ako ng iyak habang nakaupo dun sa gitna ng daanan. Anak ko. Kumapit ka lang please. Hindi ka pwedeng mawala. Hindi ko kaya. Ikaw na lang yung meron ako.

Hanggang sa may babaeng napadaan at nagmagandang loob na dalhin ako sa ospital. Habang nasa stretcher ako at dinadala sa ER iyak pa rin ako ng iyak. Kumalma lang ako at nakatulog nung tinurukan ako ng gamot.

Nagising ako sa loob ng isang hospital room. Nandun din si Jimin, lakad siya ng lakad pabalik-balik. Nung makita niyang gising na ako, nilapitan niya ako.

"Anong nangyari sayo? Okay ka lang ba?" nagaalala niyang tanong, niyakap niya ako.

"Jimin, yung baby ko... Okay lang naman siya diba?" tumulo na naman yung luha ko. Dapat maging okay lang siya.

"Sshh. Wala pa yung resulta." Humarap siya sakin. "Ano ba kasing nangyari?" sakto namang pagpasok nung doktor.

Dahil si Jimin yung marunong mag-Korean sila na lang yung nag-usap. Habang nag-uusap sila nakatingin lang ako kay Jimin, binabase ko na lang sa ekspresyon ng mukha niya. Kinabahan ako nung biglang halos bumagsak yung balikat ni Jimin, tapos walang ekspresyon yung mukha niya.

"Jimin, anong sabi nung doktor?" tanong ko habang naglalakad siya pabalik sakin.

Hindi siya sumasagot. Hindi rin siya makatingin sakin.

"Anong sabi? Sumagot ka!" lalo na akong kinakabahan. Lumalakas yung paghikbi ko.

Lumapit siya at niyakap ako.

"Huuuy. Okay lang naman yung baby ko diba? Wala namang nangyaring masama sa kanya diba?" tuloy-tuloy kong tanong habang patuloy din yung pagtulo ng luha ko.

"Desiree... wala na siya..."

Para akong mababaliw nung marinig ko yung sinabi niya. "No! Hindi totoo yan! Sabihin mong okay lang yung baby ko! Jimin!" sumisigaw ako kasabay ng paghagulgol ko.

Hindi na nagsalita ulit si Jimin at niyakap na lang ako.

"H-Hindi... It's your fault." yun amg lumabas sa bibig ko.

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon