Nagising ako at diretso sa cr. Sumuka ako. Ang sama ng pakiramdam ko, parang umiikot yung sikmura ko tapos ang sakit pa ng ulo ko. Kakadischarge ko lang pero parang masama pa rin yung pakiramdam ko.
"Desiree! Anong nangyari sayo?!" narinig kong sumisigaw sa labas ng cr si Jimin, tapos biglang nasa likod ko na at hinahagod yung likod ko. "Masama pa ba pakiramdam mo? Bumalik kaya tayo sa ospital?"
Hinugasan ko na yung bibig ko. "Ayoko na sa ospital. Nahihilo ako tapos parang umiikot yung sikmura ko."
Nagmamadali ring tunakbo si mama sa cr. "Anong nangyari?!"
"Ma nahihilo ako tapos yung sikmura ko parang ewan."sabi ko.
"Tapos sumuka rin po siya tita." segunda ni Jimin.
"Jusko naman mga bata kayo akala ko kung ano na! Itong si Jimin kung makatakbo. Normal lang yan sa mga buntis, marami talagang magbabago diyan sa katawan mo." paliwanag ni mama.
"Normal lang naman pala eh, OA lang tayo." natawa na lang ko, tiningnan ko si Jimin na napakamot sa ulo.
"Nagalala lang naman ako." pagdadahilan ni Jimin.
"Sige na. Lumabas na kayo maliligo na ako papasok pa ako sa school."
"Papasok ka na agad? Kakagaling mo lang sa ospital ah." tanong ni Jimin.
"Oo nga Des. Magpahinga ka muna dito sa bahay at baka mabinat ka mapano pa yang bata." sabi ni mama.
Oo nga pala, hindi na ako mag-isa. May buhay na dito sa loob ng tiyan ko kaya dapat doble ingat na ako. Isang buwan na rin pala tong tiyan ko. Walong buwan pa. "Oo na po." bumalik ako sa kama ko at nahiga ulit.
Bumaba na si mama, si Jimin sumunod sakin at nakihiga rin sa kama.
"Anong ginagawa mo dito?" tiningnan ko siya.
"Bawal ba? Makikihiga lang naman." prente siyang nahiga sa kama ko, nakalagay pa yung braso sa likod ng ulo.
"Ge dyan ka lang ah." nahiga na rin ako. Kinuha ko yung phone ko sa side table at nagscan ng mga account ko, syempre kasama yung rp account ko. "Jimin, Jimin, gusto mo gamitin tong rp account ko? Pangalan mo naman to eh." hihihihi naiimagine ko paano kung malaman ng mga kachat niya ng totoong Jimin at hindi rp yung kachat nila.
Lumapit siya sakin at sinilip yung account. "Sige! Hahaha mantitrip ako ng mga ARMY." kinuha niya yung phone niya sa bulsa niya at hiningi sakin yung username at password nung account.
"Hoy sasabihin mo na ikaw talaga si Jimin?"
"Hahahaha akong bahala." nagscroll na siya sa account. "Itong Jungkook Maknae."
Sinilip ko kung anong gagawin niya. Ay loko-loko tinatawagan niya. Tss wala talagang takot malaman yung identity niya eh.
Sinagot naman ni Jungkook rp yung tawag. Paglabas nung video, nanlaki agad yung mata niya na si Jimin talaga yun, tapos biglang naputol, malamang binaba nun, tapos kinilig muna at nagspazz, nagpost at pinagkalat na sa sangka-ARMY-han. Babae kasi yung operator nung Jungkook Maknae.
Si Jimin naman tawa ng tawa may kasama pang pagpalo sa braso ko. Haha natatawa na lang ako kasi namamalo rin pala ang mga lalaki kapag masyadong natutuwa, tsaka nakakatawa yung itsura niya, maluha-luha na tapos guhit na lang yung mata tapos pulang-pula na ying buong mukha kakatawa.
"Nakita mo ba yung itsura nun? HAHAHAHA. Nakakatawa yung reaksyon. HAHAHAH." pagulong-gulong siya sa kama kakatawa.
Hinampas ko siya ng unan. "Hoy tumigil ka na nga! Nababaliw ka na dyan oh!"
"Eh sa natatawa talaga ako eh HAHAHAHAH."
Maya-maya lang ang dami ng nag-add dun sa account na hawak ni Jimin, ang daming nagmemessage. Loko-loko naman si Jimin inaccept lahat, tapos nagpost pa siya ng selca niya. Dahil bago yung picture na pinost ni Jimin at hindi pa napopost sa kahit anong account, lalong dumami yung nagtanong kung si Jimin daw ba talaga yung operator nung account.
"Gago kasi. Tingnan mo oh flood na yang account."
"Ang saya naman nito. Kaya pala di ka makatigil dito sa rp na to." Ilang minuto lang full account na at nagfollow na lang yung iba. Nagscroll si Jimin sa friends list, at tumawag ng kahit sino. Hindi rp account yung tinawagan niya kaya alam namin na babae yun. Kagaya nung nauna, priceless din yung reaksyon nung tinawagan ni Jimin, pero hindi na niya binaba.
"Omonaa~~ Si Jimin nga." narinig ko yung sabi nung babae habang nakahawak sa pisngi niya at umiiyak. Natutuwa ako, hahaha oo natutuwa at hindi natatawa. Dama ko kasi si girl, syempre fangirl din ako kaya naiintindihan ko siya, baka nga ganyan din o mas malala pa kapag nakavideocall ko bias ko eh.
"Hi." kumaway si Jimin sabay ngiti.
Naku panigurado sabog na ovaries nito sa ngiti ni Jimin. Oo alam na alam ko na yan. Ngiti pa lang ni bias ulam na ng pang-isang taon.
"H-Hi... oppa." kumaway din siya.
Paano mo pa nagagawang mabuhay sa mga oras na to? Kung ako niyan kanina pa ako nahimatay.
"Ah sige babye na. Tatawag pa ako sa iba. Salamat sa suporta. Bye. I love you." sabi ni Jimin.
Harujusko!! Kung ako yun mamamatay na talaga ako! Nag-i love you! Nag-i love you sayo ang bias mo!!
"Omo!! Bye oppa! I love you." tapos yung babae na yung unang nagpatay.
Tumawag pa si Jimin siguro ng mga sampu pa bago tumigil. Natuwa masyado mag-fan service. Lahat halos pare-pareho lang ng reaksyon nung makita si Jimin.
"Nakakapgod naman yun haaaay." sabay hilata ni Jimin. "Akin na muna yung account na yun Desiree ah. Nakakatuwa eh."
"Iyo na yun." nakahiga lang din ako.
"Pwede ka ba lumabas?" tanong niya.
"Huh?"
"Labas sana tayo eh, punta tayong mall. Parang gusto ko ngang mag-fanmeeting dito."
"Ano namang gagawin natin sa mall? Tatambay? Makita pa tayo ng mga tao dun. At tsaka paano ka magfafanmeeting dito eh wala ka namang manager."
"Ikaw."
"Ay naku tigil-tigilan mo ako ah mamaya malaglag tong anak ko kapag nashock sa dami ng tao."
"Ay oo nga pala. Sorry. Bawal ka nga pala mapagod."
Maya-maya tinawag na kami ni mama para mag-lunch. Nakalimutan kong mag-almusal. Dapat simulan ko nang kumain ng ayos at sa oras, kailangan ko na rin yata ng vitamins, mamaya kung ano pang mangyari dito sa baby ko kapag napabayaan ko.
"Des, punta na kasi tayong mall! Isang linggo na ako dito sa inyo, buryong-buryo na ako." pagpipilit ni Jimin. Nandito kami sa loob ng kwarto ko. Wala, like a boss na lang pumasok si Jimin dito, wala nang paa-paalam, akala mo sa kanya.
"May pasok pa nga kasi ako. Next time na lang." inaayos ko na yung gamit ko.
"Edi sasama na lang ako tapos mall tayo after ng class mo."
"Tss sige na nga. Kawawa ka naman eh.
"Yieeee! Thank you! Hahaha." tapos bigla niya akong niyakap at hinalikan sa cheeks. Nung marealize niya kung ano yung ginawa niya, kumalas siya sa pagkakayakap. "Sorry. Wait lang magbibihis lang ako." tapos lumabas na siya.
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to