10.

954 38 15
                                    

Balik na ako sa normal kong buhay ang pagiging estudyante at raketera. Mga ilang linggo lang naman yung mga tao sa labas ng bahay at nagsawa rin, pero pag may nakakasalubong akong kpop fan lagi akong binabati at nagpapapicture. Nakakahiya na lang talaga minsan eh. Si Taehyung madalas tambay sa kwarto ko, nagteteleport siya kapag may free time siya at bumabalik din agad sa SoKor. Dalawang buwan na lang pala siya dito sa Earth, hindi pa namin napapag-uusapan ulit yung tungkol dun, tsaka na lang siguro kapag malapit na magtatlong buwan. Sulitin muna namin yung panahon na magkasama kami.

Gumawa pala ulit ako ng rp account. Dineact ko na yung Kim Taehyung. New artist na ginawa ko, Park Jimin naman hahaha. Hindi na ako nadala sa rpw eh no. Eh sa masaya talaga mag-rp. Like the usual, ang dami na naman nakikipag-rs sa Jimin rp ko, may mga nanghihingi pa nga ng picture ng operator eh, lalaki kasi ulit ang sabi kong operator. Ayun binibigay ko yung picture ng pinsan kong gwapo. Mga tao dito sa rpw gwapong operator na lang ang habol minsan eh.

Taehyung calling...

Uy ang bebe ko.

"Hello, Hyungie?" habang busy-busyhan sa rp account ko.

(Anong ginagawa mo? Hindi ako makakapunta ngayon.)

"Nagfefacebook. Bakit di ka makakapunta?"

(Naga-rp ka na naman no? Busy eh. Irerelease na yung mv namin next month, so practice na naman para sa promotions.)

"Bakit mo alam? hahaha. Ayy talaga irerelease na yung mv?! Yieeee excited na ako!!" tinigilan ko muna sandali yung rp account. Naexcite ako bigla sa mv nila.

(Ako na naman ina-rp mo?)

"Hindi ah! Assuming ka. Si Jimin na gamit ko ngayon. Hahahah wag mong sabihin sa kanya ah. Uy ikwento mo na yung mv nyo!"

(Jimin! Ikaw naman ginawan ni Riri ng rp account!) sigaw ni V sa kabilang linya. Sabi nang wag sabihin eh. (Huh? Sige lang. Galingan niya kamo. Dapat maraming mapa-in love na babae yan ah.) narinig kong sabi ni Jimin.

"See? Okay lang sa kanya hahaha. Kwento ka na sa mv nyo dali!"

(Anong ikukwento ko? Hintayin mo na lang! Unfair ka sa ibang army pag sinabi ko sayo.)

"Ano ba yan sige na nga."

(Wala ka bang pasok ngayon at puro rp inaatupag mo.)

"Ngayon na nga lang ulit ako nag-rp tsaka wala akong pasok ngayon."

(Hoy V tara na practice na!) sigaw ni Namjoon sa kabilang linya. (O Riri practice na kami ulit. Punta na lang ako dyan kapag wala ng ginagawa. Bye.)

"Bye." binaba ko na yung phone at balik na ako sa rp account ko.

Ano ba yan sandali lang nawala ang dami na ulit message.

*KNOCK KNOCK*

"Des, can we talk?" narinig ko yung boses ni mama mula sa labas ng kwarto ko.

"Bukas po yan." dali-dali kong ni-log out yung rp account ko at umayos ng upo.

Pumasok si mama at umupo sa tabi ko.

"Ano pong pag-uusapan natin?" tanong ko. Minsan lang kasi kami mag-usap ni mama ng seryoso, and this time feeling ko sobrang seryoso ng pag-uusapan namin.

"I'll go straight to the point, Des. Anong relasyon niyo ni Taehyung?" seryosong tanong ni mama.

Nagulat ako na alam niya yung tungkol sa amin ni V, ni isa sa pamilya ko wala pa akong nasasabihan ng tungkol dun. Hindi ako nakasagot agad.

"Answer me. Nakita ko siyang nagteteleport sa kwarto mo ng ilang beses." kaswal niyang sabi na para bang normal lang na makakita ng taong nagteteleport, kaya nagulat na naman ako.

"P-Po?"

"I said tell me." tumigas na yung pagkakasabi nun ni mama.

"K-Kami po..."

Napahawak siya sa noo niya. "God..."

"Bakit po?" nagtataka ako sa mga kinikilos ni mama.

"Dapat sinabi ko na sayo to dati pa para nakaiwas ka, it's all my fault."

"Ano po ba yun ma? Hindi kita maintindihan."

"Alam mo naman na alien si Taehyung diba?" normal lang yung pagkakatanong ni mama na parang alam na rin niya na alien si V.

"Opo..."

"Your dad and Taehyung's dad are brothers."

Nanlaki yung mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi sakin ni mama. Parang nanigas yung buo kong katawan sa mga narinig ko. May mas lalala pa pala sa malaman ko na alien si V. "P-pero... p-paanong..." ang daming tumakbo sa isip ko, una na dun yung nangyari sa amin ni Taehyung.

"You heard it right. Magkapatid sila. Ang kwento ng daddy mo sabay-sabay silang bumaba ditong tatlo, siya at ang mga magulang ni Taehyung, and then we met, we fell in love, and hindi niya ako iniwan, hanggang sa malaman yun ng mga magulang nila sa planeta nila, pinarusahan ang daddy mo na maging tao, so nawala lahat ng kakayahan niya at hindi na rin siya pwedeng bumalik sa planeta nila. And then your sister came, Taehyung came, and you came. Kahit na tao na ang daddy mo hindi pa rin siya iniiwan ng kapatid niya, hanggang sa umalis sila papuntang Korea. Habang nasa Korea sila nabalitaan na lang na namatay na ang ama nila kaya kailangan ng bumalik nila Taehyung sa planeta, kaya nagulat ako na nandito pa rin si Taehyung. So in short, pinsan mo si Taehyung and you need to break up with him."

Mindblown. Para akong magbebreakdown sa mga narinig ko. Tumulo na yung mga luha ko. Isa lang ang naisip ko, ang baboy ko! Napakababoy ko!! Nakipagsex ako sa pinsan ko!! Tangina!! Tangina talaga!! Hindi ko na napigilang mapahagulgol.

Niyakap ako ni mama. "It's okay. It's okay." sabi ni mama habang hinahagod yung likod ko.

"No ma... it's not okay. Ma... m-may n-nangyari na samin ni Taehyung... Ma nakakadiri ako... I'm gross..."

"Oh God...sshhh. Tahan na. Sige na tahan na, Des." imbes na magalit si mama sa marinig niya lalo pa niyang hinigpitan yung yakap sa akin.

"A-Alam na ba to ni Taehyung?"

"No. He never knew."

"I'll break up with him."

roleplayer meets idol :: bts [complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon