"Dito ka mag-i-stay, okay?" sabi ni Jimin pagdating namin sa iaang unit.
Tiningnan ko yung buong paligid. Malaki yung lugar para sa isang tao, maganda siya actually, magandang appliances and furnitures. "Ako lang titira dito?"
"Sa ngayon oo, pero paglaki ng tiyan mo dito na rin ako para mas maalagaan kita." sabi niya habang pinapasok isa-isa sa living area yung mga luggage ko.
Grabe ang dami nang nagagawa ni Jimin para sakin, hindi ko na alam kung paano ako makakabawi sa kanya. Umupo ako sa couch, medyo sumasakit kasi yung tiyan ko.
"Gusto mo tingnan natin yung taas? Iaakyat ko na rin yung luggage mo dun." tumabi siya sakin.
"Wag mo na ako masyadong intindihin. Magpahinga ka na rin."
"Pupunta ako sa company ngayon."
Napatingin ako sa kanya. "Agad? Hindi ka ba magpapahinga man lang?" kakabalik lang niya tapos trabaho agad? Ang workaholic naman niya masyado.
"Kailangan eh. Ang tagal kong nawala." sabi niya. You know what? Hindi ako sanay na seryoso kami ni Jimin sa isa't-isa, I mean mas sanay ako na naggagaguhan lang kami. I want that back.
"Ahm... Jimin I want the old us back, I mean hindi ako sanay na awkward tayo sa isa't-isa." then. I said it.
"Ako rin naman. Hindi ko lang kasi alam kung paano makikisama sayo after what I said. It seems like nangangapa ulit ako sating dalawa."
"Don't be, please. Kung ano tayo bago mo sabihin yun gusto ko ganun pa rin tayo." I smiled para maassure ko siya.
He smiled back. "Sure." Tumayo na siya sa couch. "Alis na ako. Puntahan lang kita mamaya pagkagaling kong company."
"Magpahinga ka na pagkagaling sa company. Okay na ako dito."
"No. Pupunta ako dito mamaya." lumapit siya at niyakap ako. "Thank you, Desiree. Thank you for opening your heart for me." pagkatapos ay kumalas din siya.
Napangiti na lang ako. This guy. "Sige na. Umalis ka na."
Lumabas na si Jimin at naiwan na ako sa unit. Umupo ulit ako sa couch, pinagmasdan ko muna yung kabuuan ng unit. Mahal siguro to. Kanino kaya to?
Umakyat ako sa taas, may dalawang kwarto dun. Alin kaya dito yung gagamitin ko? Pumasok ako sa unang kwarto, kumpleto na yung gamit sa loob pero alam mong walang gumagamit nung kwarto. Bumaba ulit ako para kunin yung luggage ko. Nung bubuhatin ko na, naisip ko si baby, hindi nga pala ako pwedeng magbuhat ng mabigat? Ano ba masyado naman pala akong nagpakachoosy nung sinabi ni Jimin na iaakyat niya yung luggage ko, dapat pala pinabuhat ko na talaga. Paakyat na ulit ako sa taas nang may mag-doorbell. Si Jimin yan.Bakit naman nagdodoorbell pa to pwede naman dumiretso na ng pasok. Pumunta ako sa pintuan para pagbuksan ng pinto si Jimin, pero pagbukas ko pa lang ng pinto sumalubong na sakin yung mga flash ng camera at mga mic, buti naisara ko agad yung pinto.
Anong ginagawa ng media dito? Ganun kabilis nakarating sa media na may babaeng dinala dito si Jimin? Actually, I didn't saw that coming, ni hindi ko naisip yung gagawin ng media kapag nalaman nila na may dalang babae dito sa Korea si Jimin. Oo nga pala, nakalimutan ko na k-idol siya. Ilang beses tumunog yung doorbell, pero hindi ko na binuksan yung pinto.
BINABASA MO ANG
roleplayer meets idol :: bts [complete]
FanfictionDo you know what's the hardest challenge of life? facing GOODBYES when your heart don't want to