Sa kabila ng nararamdaman ko
Pinili kong tanggapin ang puso mo
Dahil ‘yon ang naisip na paraan
Upang s’ya’y malimutan.
Masaya ka ng sagutin kita
Kaya’t mas pinili ko ding magsaya
Ngunit sa’king pag-iisa
Natanong ko kung tama nga ba?
Maraming katanungan sa’king isip
Kasaguta’y kay hirap masilip
Tibok ng puso’y iba ang sinasabi
Larawan sa isip iba rin ang hinahabi.
Tayo nga sa pangalan
Ako’y sa’yo at ika’y akin lang.
Ngunit ang puso ko naman
Iba ang s’yang nilalaman.
Tayo nga pero parang hindi
Ako’y sa’yo ngunit puso’y hindi!
Kahit na ako’y napapangiti
Ang tibok naman ng puso’y hindi.
Parang hindi kompleto
Ngunit tahimik ang puso.
Masaya ka ngunti totoo ba?
Buo kahit damdamin ko’y sa iba
Ang ginawa ko lang ay subukan
Pero mayroon pa ring kulang
Dahil nga iba ang laman nitong puso
Kaya nga parang hindi tayo, pero oo!

BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoetryHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...