‘Di ko naman inaalis ang ‘yong karapatan
Ang sinasabi ko lang naman
Andito ako’t ‘di kita iiwan
Kahit ilang ulit pang ipagtabuyan.
Mahal kita’t kaya kong panindigan
Pero kung talagang ayaw mo na sa’kin
Hayaan mo na lang na ika’y mahalin
Kahit alam kong mahirap sa damdamin
Pilit ko na lang tatanggapin
Na ang puso mo’y ‘di ko maaangkin.
Ang puso o’y balot pa rin ng takot
Kaya kahit ano pang gawing katok
Alam kong ‘di ka susubok
Na maglaan kahit konteng atensyon
At puso’y sa’kin ituon.
Hayaan mo na lang na ika’y mahalin
Dahil ‘yon na ang ang kayang gawin.
Kahit masakit para sa’kin
Na ang puso mo’y ‘di ko maaangkin
Patuloy pa ring sa’yo’y titingin.
Ikaw ang nagpapangiti sa’kin puso
Bumibilis ang tibok sa tuwing kausap mo,
Masaya ang buhay ‘pag ika’y kasama
May ngiti sa labi tuwing nakikita,
Dahil mahal kitang talaga
Sinubukan ko ng ika’y iwanan
Pero ikaw pa rin ang binabalik-balikan
Nitong pusong sa’yo lang nakalaan.
Inisip ko ng ika’y kalimutan
Pero lagi pa ring laman ng isipan.
Kaya hayaan mong ika’y mahalin
Kahit ‘di ka nakalaan sa’kin
Dahil itong aking damdamin
Ikaw lang ang umaangkin.

BINABASA MO ANG
TULA (Malalim Ang Hugot)
PoesíaHanap mo ba ay mga tulang mas malalim pa sa salitang malalim ang hugot at sakto ang tama? Pwes nasa tamang pahina ka. Para sa lahat ng naiwan, umaasa at patuloy na pinipilit umusad, ito ay para sa'yo TULANG ISINULAT MULA SA PUSO... noong mga PANAHON...